CHAPTER 23

2.5K 31 3
                                    


"Ano to?''nakakunot ang noo nito habang iniabot ko sa kaniya ang sobre na naglalaman ng mga larawan.

I shrugged my shoulder and seriously look into his eyes.

Lalong dumoble ang pagkakakunot ng kaniyang noo nang makita ang mga larawan.

"Hindi ka galit?" nagtatakang tanong niya sa akin.

"Hindi." I calmly replied.

"Woahh! Really? Tangna, kung ako sa iyo baka mapatay ko na sila!" eksaheradong drama pa nito sa aking harapan.

"I know my girlfriend very well. Malaki ang tiwala ko sa kanya." Malumanay kong saad ngunit may bahagyang gigil na galit na pinipigilan ko na sumabog sa aking dibdib.

Hindi ako nagagalit sa mga larawan na ipinadala ng kung sino mang tao na ninanais masira ang magandang relasyon namin ni Andrea, sa mga pictures kasi na iyon ay kitang kita na naglalakad sina Brandon at Andrea papuntang Motel, mukhang galing ang dalawa sa isang bar na halos katapat ng establisimyento.

Kuhang kuha sa larawan na tila lasing ang itsura ni Brandon at nakaalalay si Andrea upang matulungan ito na makalakad nang maayos. Nakasukbit sa balikat ng girlfriend ko ang braso ng pasuray-suray na si Brandon.

Nasa isang larawan rin na tila kinakausap ni Adrea ang isang receptionist ng motel upang kumuha siguro ng isang kwarto.

"Talaga hindi ka nagseselos o nagagalit man lang?" singit na wika ni Monti habang nakikitingin na rin sa mga larawang kahahablot lang nito kay Andrade. Nagsikuan pa ang dalawa, halatang pinag-aagawan ang mga pictures para isa isahing tingnan.

Humugot ako ng malalim na paghinga at frustrated na napabuga, parang mga bata talaga ang mga siraulo!

"You're so calm and I don't like it." Kaede murmur.

"As what I said, I know Andrea very well. Nagagalit lang ako sa kung sino mang nagnanais na guluhin ang aming pagsasama." I sigh.

"How'd you know that she is not cheating on you?" seryosong bungad ni Monti.

Again, I sigh and took my cellphone, dialed Andrea's number and wait for her to answer my call.

I turn on the speaker.

"Hello baby." We heard her.

"Hi baby, how are you?" I asked while looking at the two morons infront of me, halata kasi ang pagiging tsismoso ng dalawa na mataimtim na nakikinig.

"Halos kagigising ko lang, nagtitipa na nga ako ng mensahe na itetext ko sana sa iyo, medyo late na ako nakauwi kagabi, sorry baby kung hindi na ako nakapag text ha, naka off na kasi cellphone ko dahil drain na ang battery." She explained with a sweet voice at halata ang pagkapalat ng boses nito. It seems to me that I am hearing her sexy voice, oh God I miss her already.

"Hmmm, Yeah I know, I called Sandeng last night to check you." mahihimigan ang kunwa'y tampo sa aking boses.

"Galit ka?" she seemed so worried.

"Nope, medyo nag-alala lang, but I know you're in good hands because you're with Brandon." And that's it, naisingit ko na ang nais ko talagang mapatunayan sa mga kaibigan ko.

We heard her short laugh.

"Yun na nga eh baby, hindi naman ako nag enjoy sa pinuntahan naming bar ni Brandon, sinamahan ko lang siya at inalalayan kasi todo ang paglalasing niya kagabi. May malaki kasing problema ang kaibigan ko na yun." Malambing na kwento niya sa akin.

Men In Uniform (MIU Series 2)  Altis Terron MonteclaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon