Halos mawalan ako ng ulirat sa nerbyos na nararamdaman. Ang dalawang matanda ang mataman na nakatingin lamang sa amin ni Altis. Halos lahat yata ng balahibo ko sa katawan ay nakatayo sa pangambang namumuo sa aking dibdib. Kung tingnan kami ng dalawang matanda ay tila kitang kita nila pati ang aming mga kaluluwa.
Nandirito kaming apat sa loob ng study room ni kuya Neith. Sina Don Jandro, Don Nick ako at si Altis.
Hindi na sumama ang mag asawang Ate Sandeng at Kuya Neith sa amin rito dahil binigyan nila kami ng space upang magpaliwanag at magsabi ng katotohanan ukol sa aming relasyon.
Lukot na lukot na ang bestidang suot ko dahil duon ako nakakuyapit ng husto sa kaba at takot ko sa dalawang matanda.
Naramdaman ko ang masuyong paggagap ng kamay ni Altis sa aking palad. Pinisil pisil pa niya ang aking palad upang ipaabot na nandirito lamang siya sa aking tabi.
Muli ay napatingin ako kay Don Jandro at kitang kita niya kung papaano ako aluin ni Altis. May maliit na apoy akong nababanaagan sa kaniyang mga mata. Wala sa sarili na napalunok ako sa kaba.
Marahil lahat sila ay nakikita kung paano tumaas baba ang aking dibdib, halos panawan na ako ng ulirat.
Halos mabingi na ako sa sobrang katahimikan ng silid, nakamata sa amin ang dalawang don. Mukhang hindi makapaniwala sa narinig nilang rebelasyon mula kay Altis. Idagdag pa ang lakas ng kabog ng aking dibdib. Sobrang intense para sa akin ang nagaganap ngayon.
"Again, I am telling both of you that I love Andrea very much. Please give us your blessings lolo." Nahihimigan ang pakiusap na tono mula kay Altis.
Nakita ko ang mahigpit na pagkakahawak ni Don Jandro sa baston nito. Akala ko ay ipupukol niya sa amin ang hawak. Napalunok akong muli sa kaseryosohang nakapaskil sa kaniyang mukha. Sinasabi ko na nga ba, mukhang tutol ang matandang don sa relasyon na meron kami ng kaniyang apo.
Dagling tumayo mula sa kanyang pagkakaupo ang don kaya naman mabilis din kaming nagsitayuan. Lalo pa yatang dumoble ang dagundong ng aking dibdib sa takot at kaba.
"Panyero, let's go home." Don Jandro told Don Nick
"We'll talk later Altis Terron." Madilim ang awra ng don.
Bago makalabas ng silid ay muli akong sinulyapan ng lolo ni Altis, kitang kita ko ang pagkadisgusto ng matanda sa akin. Hindi maikakaila at hindi maitago-tago ang galit na makikita sa nagbabagang mga mata ng matanda.
Nakita ko si Don Nick na lumapit kay Altis at bahagyang tinapik sa balikat ng boyfriend ko pagkatapos ay sumunod sa kaniyang kaibigan palabas ng silid.
Naiwan kaming nakatulala at parehong tigalgal ang kamalayan. Halos sabay pa kaming napabuntong hininga upang ilabas ang kaba na kanina pa namamahay sa aming mga dibdib.
Wala sa sarili na muli akong napaupo sa sofa. Naramdaman ko ang bahagyang pagpisil ni Altis sa aking balikat. Dagli niyang hinila ang aking katawan papalapit sa kaniya at masuyo akong niyakap.
Dinig na dinig ko ang malakas na kabog ng dibdib ni Altis. Pati siya ay mukhang kinabahan sa naganap kanina lang. Tumingala ako at sinalubong ang kaniyang mga mata.
"I promise you that I will figth for our love. Sana ay ganun ka rin. Walang susuko Andrea, baby?" Ang baritonong boses niya ang tila humaplos sa aking nanlalamig at nanginginig na katawan. Napatango na lamang ako sa kaniyang sinabi. Masuyo at dagli rin siyang nagnakaw ng halik sa aking labi.
"Malalampasan rin natin to baby. Just always believe in me, I will do everything and anything kahit pa harapin ko ang galit ng lolo. Basta huwag ka lang mawawala sa akin." He assures me.
BINABASA MO ANG
Men In Uniform (MIU Series 2) Altis Terron Monteclaro
Fiksi UmumLangit siya, lupa lamang ako. Sa malayo ko lamang siya pwedeng mahalin. Sa panaginip ko lang siya pwedeng maangkin. At kahit anong gawin ko, hindi kami pwede? Hindi siya magiging akin. Hanggang pangarap ko na lang si Altis.
