CHAPTER 34

3K 43 1
                                    


I look at my man, yeah my fiance', my soon to be husband, the other half of my life. He is beaming with love that surrounds him. I have no words to explain how magical and majestic this moment is.

Altis is busy explaining things to his friends, panaka-naka rin niya akong sinusulyapan sabay kindat na mapapansin agad ng kaniyang mga loko-lokong kasamahan at babatuhin siya ng pang-aasar. Natatawa ako sa kanilang biruan, hindi mapuknat ang kalokohan ng kaniyang mga kaibigan. Masaya malamang ang mga yun dahil na-corner nilang targetin ay si Altis na bihirang makipagbiruan.

"Can we talk Andrea?" a low deep baritone voice from his abuelo ang aking naulinigan. Mabilis akong bumaling sa matanda at tumango tango. Halata naman siguro ng don na bigla akong kinabahan sa kaniyang presensya.

Iginiya niya ako sa may terasa, saglit akong napalingon sa gawi nina Altis, medyo nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya kami napansin ng kaniyang abuelo.

Pareho kaming tahimik na nakamasid sa magandang bakuran na ipinagawa ni Altis. Ditto sa terasa niya ako dinala, mahabang minute pa ang nagdaan, pareho siguro kaming naghahanap ng tamang tiyempo at tamang salita na sasabihin.

I heard Don Jandro's stern voice.

"You know that I don't like you for my apo?" seryosong usal ng matanda.

Haist! Heto na naman kami ang nanlulumo kong naisip.

Huwag naman sanang sirain ng matandang don ang magandang atmosphere ng kasayahan na ito. Sinasabi ko na nga ba eh, kaya doble na naman ang aking kaba, namumuo na naman ang takot ko sa aking dibdib. May kokontra na naman. Haist talaga!

"Nuon yun." He added while looking at my eyes. Ano daw? Medyo nabingi yata ako?

"Altis is persistent, he insisted doing and getting what he wants. Even if it causes to end his carreer or face my wrath. I had concluded then if you'll be out of the picture, hihinto na siya at matatauhan. Pero kasing gago ko nga pala ang aking apo, iisa lang ang dugong nananalaytay sa amin hindi ba Andrea?" Don Jandro is intently looking at may reaction.

Hindi ko alam kung pinapagaan ba niya ang aking pakiramdam dahil mabigat ang hanging nakapaligid sa amin. Ayoko munang magsalita at putulin ang kaniyang mga sinasabi.

"Masyado na akong maraming nagawang kasalanan, I had hurt a lot of people from the past, even my apo's were hurt and disappointed at me. I'd become so selfish dahil akala ko ako lang ang palaging tama. Hindi ko na naisip kung masaya ba sila sa mga desisyon ko, ang nasa isipan ko lamang ay magiging maayos ang buhay nila sa mga pasya ko." Don Jandro sigh in frustrations.

"Pagpasensyahan mo na ako iha sa lahat ng nagawa ko sa iyo at sa iyong ina. Sa mga masasakit na salitang itinapon ko nang huli tayong nagkita. Masyado kong minaliit ang pagkatao ninyong mag-ina. Aminado ako na nawalan ako ng pinag-aralan at modo sa ginawa ko. Hanggang ngayon ay unti unti ko pang inaayos ang relasyon ko sa aking mga apo. Masyado nang maraming nangyari nang mawala ka." Nakita kong napalunok siya at nahinto ng saglit sa pagsasalita.

"Maaari bang kalimutan na natin ang nakaraan? Pag-aralan nating magkasundo at magustuhan ang isat-isa. Alam ko na mahirap itong hinihiling ko lalo't hindi ako naging mabuting tao sa iyo noon." Pakiusap ng don sa akin.

"If its hard for you to forgive me, I'm requesting you to give me a chance to show how sorry I am." He pleaded at me.

Hindi ako makapaniwala na ang matayog at dinadakilang si Don Alejandro Monteclaro ay nagsusumamo sa isang tulad ko ngayon.

Wala naman sa akin kung alipustahin niya na naman ang aking pagkatao pagka't kakayanin ko naman lahat ng masasakit na salitang kaniyang bibitawan basta ang alam ko kasama ko si Altis na haharap sa pagsubok sa buhay.

Men In Uniform (MIU Series 2)  Altis Terron MonteclaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon