Chapter 2

899 20 0
                                    

"Stop crying Laina" pagtahan sa akin ni Jeah ang bestfriend ko. "Sayang lang ang luha mo sa kanila. You are a Salvador at tulad ng palagi mong sinasabi, it's never a shame to be born into this family. You have a great family bessy" pagpapagaan nito sa loob ko. Ilang araw na ang lumipas pero hanggang ngayon masama pa rin ang loob ko sa tuwing naaalala ko ang nangyari.

"I know kaya nga mas naiinis ako eh. I love my family, all about them. It's just that minsan iniisip ko rin na ang hirap panindigan ng apelyidong dala ko" napabuntong hininga ako dahil sa pressure na nararamdaman ko.

Salvador, one of the most powerful, richest, and influential family in the country. Minsan ayoko na lang dalhin ang apelyido ko dahil nakaka pressure. It's like my surname demands excellency and greatness. My sisters and brothers are all great in their field. They found their passion habang ako hindi ko nga alam kung tama ba ang daang tinatahak ko.

"Halika na let's just eat ice cream downstairs" yaya nito sa akin. Tumango na lang ako at sumunod sa bestfriend ko.

Pagkababa namin ay nakita namin si Kuya Summer sa garden kasama ang ilang barkada niya. Agad na nagtama ang mata namin ni Brix. Diretso ang tingin nito sa akin habang binubuga ang usok galing sa yosing hawak niya.

Akala mo kina cool mo yan?!

"Brix, ikaw na" may inabot na shot glass ang kaibigan nila kay Brix. Tinungga naman agad yun ni Brix habang hindi inaalis ang tingin sa akin.

Nawala ang mukha ni Brix sa harapan ko at napalitan yun ng mukha ni Kuya Summer. Hinalikan ako nito sa noo bago hinaplos ang pisngi ko.

"Umiyak ka ba bunso?" tanong nito sa akin. Tumango lang ako sa kanya. "Bakit? May nangyari ba? Tell me!"

Umalis ako sa harapan ni Kuya at nagtungo sa ref para kumuha ng ice cream. Lumapit naman siya kay Jeah at agad na niyakap ito mula sa likuran. Nakita ko kung paano namula ang mukha ng asawa niya dahil sa ginawa niya. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan sila.

"Wala kuya. Stress lang sa schoolworks" pagsisinungaling ko dito at nagsimulang kainin ang ice cream.

"Don't pressure yourself too much. Just enjoy your student life Laina" sabi ni Kuya Summer sa akin. Tumango lang ako sa kanya para hindi na humaba pa ang usapan.

"Hiramin ko muna ang asawa ko papakilala ko lang sa mga kaibigan ko" sabi nito at hinila na si Jeah papunta sa garden. I decided to go near the pool naman para doon ipagpatuloy ang pagkain. I sat on the lounge and look at the beautiful sky.

"Buti pa ang mga stars alam kung anong purpose nila sa langit" napabuntong hininga ako nang maisip yun.

"You can also be a star" napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Brix na papalapit sa akin. Umupo siya katapat kong lounge.

"Do you mind?" tanong nito sa akin at itinaas ang hawak niyang yosi.

"No, it's okay" sagot ko dito para ipaalam na ayos lang ang pagyosi niya sa harapan ko.

Tumango lang ito sa akin bago muling maghits sa hawak na yosi.

"What do you mean I can be a star?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa langit.

"You can also shine. You can also be one of the bright star in someone's world Laina" seryoso nitong sagot. Tinignan ko siya dahil Hindi ko mapigilang mamangha sa sagot nito.

"What?" natatawa nitong tanong sa akin nang makita ang reaksyon ko.

"May sense ka rin pala kausap minsan noh" nakangiti kong sagot sa kanya.

"May sense talaga ako. Ikaw ang wala" asar nito sa akin.

"Ako? Wala?! Excuse me, it's me Laina Ayden. Ang may pinaka sense na tao sa lugar na to ngayon"

Hindi ito sumagot sa akin at bumuga lang ng usok sa kabilang direksyon. Agad niyang pinaypayan ang usok na binuga niya palayo sa akin. Napangiti naman ako sa ginawa nito.

"So, why did you cry?" bigla nitong tanong sa akin.

"Hindi ah. Bat naman ako iiyak" pagsisinungaling ko sa kanya.

"You can lie with your face but not with your eyes" sabi nito at tinitigan ako sa mata. "Are you still troubled with what happen the other day?" sa tono ng boses niya parang sigurado siya sa sinasabi niya.

Umayos ako ng upo at tuluyan ko na siyang hinarap.

"Ice cream you want?" alok ko sa kanya

"Laway conscious ka ba?" tanong nito sa akin. Tumango ako sa tanong niya.

"Isa lang ang spoon mo. Paano mo ko bibigyan?" Napatingin ako sa hawak kong kutsara.

"Tirahan na lang kita" sagot ko sa kanya pero tinawanan lang ako nito.

"Huwag na ubusin mo na yan" sabi lang nito at tinignan akong muli. "So, am I right? You cry for that reason?" pagbabalik nito sa tanong niya.

Hindi ako sumagot sa kanya at pinanood lang siya kung paano niya ibinuga ang usok ng yosi niya. Napansin niya ata ang paninitig ko. Tumayo siya at lumapit sa basurahan bago itinapon ang yosing hawak niya. Kumuha siya ng candy mula sa bulsa niya at kinain yun bago bumalik sa upuan sa tapat ko.

Tumayo siya sa harapan ko at tinuro ang space na nasa tabi ko sa lounge. Nakatingala ako sa kanya at naghihintay nang sasabihin niya.

"Can I sit?" tanong nito. Tumango naman ako bilang sagot sa kanya. Umupo siya sa tabi ko pero meron pa rin distansya sa pagitan namin. Itinukod niya ang dalawa niyang kamay sa likuran bago tumingala sa langit.

"Laina, kapag bang sinabi kong pangit ka magagalit ka?" tanong nito sa akin. Napalingon naman ako sa tanong niya at tinawanan siya.

"Parang hindi kasi alam ko namang maganda ako" proud kong sabi sa kanya. He looked at me bago ngumiti dahil sa sinagot ko.

"See. You can ignore what I just said kasi alam mo na maganda ka. Alam mo kung ano yung totoo. May mga tao talagang hindi natin map please pero it's not your obligation as long as alam mo kung ano yung totoo at ano yung tama wala kang dapat ikatakot or ikasama ng loob" sabi nito habang nakatingin sa langit

"G*go lang yung ex mo kasi hindi niya matanggap na wala na kayo kaya ka sinabihan ng ganun pero kung alam mo naman ang totoo sa sarili mo, edi huwag kang magpadala. Ignore him. Sabi nga nila, kill them with kindness"

Napangiti ako sa sinabi ni Brix bago tumingin na lang din sa langit na puno ng bituin.

"Pwede pala tayong ganito noh? Nag uusap nang hindi nauuwi sa away" natatawa kong sabi sa kanya.

"Tsk.. Ikaw lang naman ang laging highblood"

"Lagi ka kasing nangh highblood" sabay kaming natawa ni Brix dahil sa sagot ko.

"Andyan ka lang pala hanap ka na. Tumatakas ka na naman daw" sabay kaming napalingon ni Brix kay Kuya Summer na kakarating lang.

Tinignan ako ni Brix bago tumayo.

"Balik na ako" maikli nitong paalam. Ngumiti lang ako at tumango sa kanya bago sila sabay na umalis ni Kuya Summer.

Pinagmasdan ko ang malapad na likuran ni Brix habang naglalakad siya palayo sa akin.

Nice having a good conversation with you.....

Salvador Series #3: Until We Love Each Other Where stories live. Discover now