Chapter 17

709 15 0
                                    

Mahina akong humihikbi hanggang makarating kami ni Brent sa bahay. Pinunasan ko ang luha na dumantay sa aking pisngi bago ako lumingon kay Brent.

Pinilit kong ngumiti sa kanya pero bakas sa mata nito ang pag aalala. Hinawakan niya ang kamay ko at hinaplos yun.

"I'm here Laina. If you need someone, I'm always here for you" seryoso nitong sabi na nakapagdulot ng saya sa aking puso.

"Thank you, Brent. I really appreciate what you did today" pagpapasalamat ko dito.

"Anything for you, Laina" nagulat ako ng patakan nito ng halik ang aking palad. Mabilis kong kinuha ang aking kamay at alanganing ngumiti sa kanya.

"Sige, una na ako" hindi ko na hinantay pa ang isasagot nito at nauna nang bumaba. Bago pumasok sa bahay ay ngumiti muna ako. Ayokong malaman nila na may pinagdadaanan ako.

"There you are. Tara labas tayo" niyakap ni Catalina ang braso ko.

"Saan tayo pupunta??"

"Night life, bunso. I missed going out with you. Isama natin si Jeah. She seemed lonely these past few days too and I can really feel that you're not okay right now" hinilig nito ang ulo sa aking balikat.

"How can you say that?" natatawa kong tanong dito

"We're twins just in case you forgot. I feel what you feel. We are one, bunso. So let's take out all our frustrations tonight" masigla nitong sabi bago ako hilahin patayo.

Hindi na ako tumutol pa. I need this to think and clean my thoughts about what happened today.

Pagkalabas ko ay naka ready na rin si Jeah at Catalina.

"Hey, moderate drinking lang especially you Laina" pinaningkitan ako ng mata ni Kuya Frost habang nakatingin sa rearview mirror.

"Why me? Si Jeah kaya baka saang kama na naman yan magising" sabay sabay kaming tumawa dahil sa sinabi ko.

"Hoy! Hindi ah! Medyo tumaas na tolerance ko sa alcohol" proud nitong sabi.

Maingay na Night District ang bumungad sa amin. Maraming tao ngayon siguro dahil weekend. Nakikita ko ang mga nagsasayaw parang gusto ko na ring makisali agad. Ibang excitement ang nararamdaman ko ngayon. Ngayon na lang kasi ulit ako nakapunta dito dahil ayaw ni Brix lalo na kung hindi ko siya kasama.

Naupo na kami at si Kuya Frost ang umorder ng mga inumin namin para sure daw na hindi malalasing.

Nang lumapag na ang inumin ay agad ko yung ininom ng isang inuman. Nakita ko ang panonood ng mga kasama ko nang muli kong tunggain ang pangalawang baso.

"May problema bessy?" niyakap ako ni Jeah patagilid. I really want to tell her what happened to me pero ayoko nang dumagdag pa dahil alam kong may problema din sila ni Kuya Summer.

"Nothing bessy. Masaya lang ngayon na lang ulit nakaranas ng ganito eh" pagsisinungaling ko dito

"You're not a good liar. You know that right Laina?" napabuntong hininga ako. Kabisado talaga ako ni Jeah. "I'm okay if you're not ready to share it but know that I am always here for you. Hindi kita iiwan. I love you always" sabi nito at niyakap ako ng mahigpit.

Nakaramdam ako ng bukol sa aking lalamunan dahil muli kong naramdaman ang sakit sa aking puso.

Kumuha ulit ako ng alak at sunod sunod na ininom yun. Nang makaramdam ng pag iinit ay niyaya ko na ang mga kasama kong sumayaw.

Tumatawa kaming pumunta sa dance floor at doon ay sumayaw. Nakita ko naman si Kuya Frost na nakatayo at nakamasid hindi kalayuan sa amin.

I jumped and danced to the beat of the music. I need this. Parang gumaan ang pakiramdam ko nang pagpawisan ako sa sayaw na ginagawa ko. Napapikit ako at hindi ko alam kung bakit pero dumaan ang mukha ni Brix sa aking isipan. Mapait akong ngumiti kahit na nasasaktan ako siya pa rin ang nasa puso at isipan ko.

Salvador Series #3: Until We Love Each Other Where stories live. Discover now