Mag dadalawang buwan na ako dito sa Los Angeles. Nakaka adjust na rin ako sa buhay dito. Araw araw kong tinatawagan sila Mommy and Daddy to tell them a story pero hanggang ngayon wala akong balita sa mga kakambal ko.
They stopped communicating with me. I tried to reach out pero wala. Ganito pala ang naramdaman ni Kuya Summer nun. Ang pakiramdam ng mag isa.
Naglalakad ako ngayon sa isang branch ng aming company to check the employees as well as the quality of our product. Napangiti ako nang makita ang isa sa mga design ko na nakadisplay. This is the product of mine as Laina Ayden.
Nasatisfy naman ako sa nakitang performance nang pinuntahan kong branch kaya pinili ko nang umalis.
Naglalakad ako nang may biglang bumunggo sa akin.
"Sorry" agad nitong sabi sa akin. Napaangat ako ng tingin at ganun na lang ang gulat ko nang makilala kung sino ito
"Laina??"
"Brent?" sabay naming banggit sa mga pangalan namin."Oh my gosh! Nice seeing you" hindi ko makapaniwalang sabi dito.
"Anong ginagawa mo dito?" hindi nito makapaniwalang tanong
"I work here. Kararating ko lang. I've been here for a month"
"Really! Nakakatuwa naman. Mag isa ka lang ba or you're with your family or with Brix?" natigilan ako sa pangalang huling binanggit nito.
"Alone" tipid kong tanong dito
"So, san ka na ngayon?" tanong nito
"Pauwi na rin may chineck lang ako dito"
"Sabay na tayo going to the parking lot" alok nito. Tumango naman ako sa nais nito.
Masaya kaming nagkamustahan ni Brent habang naglalakad at nang nasa baba na kami ay naagaw ang atensyon ko ng mga flash ng camera.
"Oh sh*t" mura ni Brent at mabilis na hinawakan ang kamay ko. Ipinalibot nito ang kamay niya sa braso ko at tinakpan ang mukha ko. Mabilis itong naglakad patungo sa kotse nito at mabilis yung pinaandar.
"Ano yun? Bakit ka pinagkakaguluhan?" tanong ko dito
"Paparazzi. You know I've been into acting lately and my family is quite known here" tipid nitong sagot sa akin.
"Paano yung kotse ko?" tanong ko dito
"Papakuha ko na lang. Mahihirapan ka nang makuha yun"
"Okay"
Hinatid ako ni Brent hanggang sa tinutuluyan kong condo. Bago bumaba ay hiningi nito ang number ko para sa paghahatid ng sasakyan kaya naman binigay ko na rin.
Pagkaakyat ko sa condo ay humiga agad ako sa kama at nagpagulong gulong.
This is rest.....
Napahinto ako sa ginagawa nang tumunog ang phone ko. Kinuha ko yun at tinignan. Unknown number ang nakalagay kaya tinignan ko kung kanino galing.
"Laina, sorry. Don't worry I'll try to clarify the photos- Brent" napakunot ako ng noo sa sinabi ni Brent. Magrereply pa lang ako dito nang biglang mag request for a video call si Mommy.
"Hi Mommy" masaya kong sabi dito
"What is this Laina? Akala ko ba you need to breathe! Ano tong balitang to?" tanong nito sa akin.
"Ha? Slow down Mommy. Wala akong maintindihan" sabi ko dito. Ilang segundo lang ay may nareceive akong isang link galing sa kanya. I clicked it and my mouth open wide when I see the news.
"De Silva is now engaged!"
"Bachelor no more!"
"Fiancee revealed by De Silva"Ito ang mga headlines kasama ang mga litrato namin ni Brent.
"Laina! I don't like this idea" may galit sa boses ni Daddy.
"No, it's not true. We just met earlier in the mall. Sabay kaming lumabas papunta sa parking lot dahil parehas kaming pauwi na po and then paglabas namin ay puro paparazzi po ang sumalubong sa amin. I do not intend to marry now Mommy, Daddy. You know me" pagpapaliwanag ko dito
Huminga si Mommy nang malalim bago ako tignang muli na tila hindi naniniwala sa sinabi ko.
"Brent just messaged me sabi niya ic clarify niya daw po yan. I promised I am enjoying my single life here at wala akong balak magka boyfriend. Pag aassure ko sa kanila.
"Good to know" sabi ni Mommy at unti unti nang sumilay ang ngiti sa labi nito.
Ilang minuto pa kaming nagkwentuhan nila Mommy and Daddy bago nila patayin ang tawag. Nakatulog agad ako nang gabing yun dahil sa pagod na naramdaman.
Inaantok pa ako nang magising pero kailangan ko nang bumangon dahil may monthly check up ako na kailangang puntahan.
"Blooming, Laina"biro sa akin ni Doc pagkakita niya. Nagsimula na ako sa mga exams na need kong gawin at habang naghihintay ay minabuti ko na munang kumain na din para naman may laman ang tyan ko. Nang matapos ay bumalik agad ako kay Doc.
Nakakunot ang noo nito sa akin.
"Are you working hard lately, Laina?" tanong nito.
"Medyo busy sa work doc and you know me I am workaholic" proud ko pang sabi dito.
"You need to be careful. Mababa ang dugo mo at hindi makakabuti yun para sayo at sa baby mo" natigilan ako sa sinabi nito.
"Baby, doc????" gulat kong tanong dito.
"Don't tell me hindi mo alam. You're 2 months pregnant Laina" nag aalala nitong sabi.
Parang tumigil ang mundo ko sa narinig kong balita. Napasandal ako sa kinauupuan ko at hinawakan ang aking tyan.
"I'm..... I'm pregnant?" ulit kong tanong dito
"Yes, you are and your stats are not good. You have to be careful Laina" pagbababala nito sa akin.
Hanggang sa makaalis ako sa hospital ay wala ako sa aking sarili. Napaupo ako sa sofa ng aking condo at naihilamos ang aking palad sa aking mukha.
I'm pregnant with Brix's baby. We have a child pero paano ko sasabihin sa kanya? Matatanggap niya ba ang anak namin? He never loved me. He just used me kaya paano ang anak namin?
Naramdaman ko ang pamamasa ng aking pisngi. Paano ko sasabihin sa magulang ko? Sa mga kakambal ko? Paano ko papalakihin ang bata? Handa na ba akong maging ina? Kakayanin ko ba?
Napapikit ako at humiga sa kama. Nakatingin sa labas ng bintana habang tuloy tuloy ang buhos ng aking luha.
"Baby? Kakayanin ba natin na tayo lang dalawa? Sa ngayon kasi I don't think we can tell it to your Tita and Tito. They are mad at Mama eh. I don't think your Lolo and Lola will like the news of you" marahan kong hinaplos ang aking tyan. "But Mama loves you baby. I'll do my best to be the best Mama for you kahit dalawa lang tayo, you'll never feel incomplete. I will love you with all my heart and soul. You will be my world now, baby" umiiyak kong sambit dito.
"Kung naririnig mo si Mama, I want you to know that I love you from this very moment. I love you, baby Sky" napangiti ako sa naisip na pangalan.
Umupo ako at hinaplos ang aking tyan.
"You like that? I'll call you Sky baby. You are my sky that lightens up my day" isinandal ko ang aking ulo sa headboard ng kama at nakangiting tumingin sa kalangitan.
I am not alone anymore. You came in my darkest moment and you light up my world, I love you baby Sky