Nakaupo kami ngayon ni Brix sa damuhan at pinagmamasdan ang paglubog ng araw.
"When did you know you were pregnant?" basag nito sa katahimikan namin. Hindi ko siya nilingon kahit na alam kong nakatitig siya sa akin.
"Two months after I left" tipid kong sagot dito
"Did you try to tell me?" may hinanakit nitong tanong. Umiling ako sa kanya bilang sagot.
"No one knew except Brent. I hide it from you and from my family. I was afraid no one will accept Sky dahil maling oras siyang dumating. Hindi siya kasama sa plano ko o sa plano mo" malungkot kong sabi sa kanya.
"Why did you leave me Laina?" Brix voice cracked at nakaramdam ako ng kirot nang marinig ang tanong niyang ito. I looked at him at nakita ko ang pagtulo ng luha sa mata niya.
"We're okay the night before. We made love and next thing I knew nasa airport ka na. You never gave me an explanation. You just left. We were happy Laina kaya hindi ko maintindihan bakit ka umalis. Sinubukan kitang sundan but no one from your family wanted me to know where you are" pagpapaliwanag nito sa akin.
Binawi ko ang tingin sa kanya at tinitigan lang ang langit na kulay kahel.
"Let's not talk about our past Brix. That's 4 years ago. Ayoko nang balikan. Kung gusto mo ng paliwanag handa kong ibigay pero tungkol lang kay Sky. Ibaon na natin ang ating nakaraan" kinagat ko ang aking labi para magpigil ng luha.
Saglit na katahimikan ang namayani matapos ang sabihin ko. Ilang malalalim na buntong hininga ang narinig ko mula dito.
"How did you know about Sky?" takang tanong ko dito
"I met Summer and I told him what happened in the airplane. He was surprised na alam ko nang may anak tayo. Akala niya nasabi mo na sa akin" napatango ako sa paliwanag niya.
"What's his name, Laina?" ngayon ay malayo na rin ang tingin nito
"Skyler Marco" nagkatinginan kami ni Brix matapos ang sagot ko. "He came on my darkest days but he beautify my life once I knew about him. I also named him after you. Gusto kong magkaroon ka pa rin ng bahagi sa anak ko" diretso kong sagot sa kanya.
"What are his favorites?"
"He likes drawings. He dreams to be like you, a swimmer. He likee chocolates and cars. Morning person siya madalas nauuna siyang magising sa akin. He's very sweet and he thinks like an adult. Kapag nagt tantrums siya, ikaw ang panakot ko" natawa ako sa sinabi ko. Nakita ko naman na napakunot siya ng noo. "I tell him hindi ka uuwi kapag di siya nag stop sa tantrums niya. So he will quickly wipe his tears and smile kahit na masama pa ang loob" tumatawa kong kwento dito dahilan para matawa din si Brix.
I looked at his happy face pero sa mga mata nito ay may sakit at pangungulila.
"I wanna meet our son, Laina" naiiyak nitong sabi.
"I don't think today is a good idea" malungkot kong sabi.
"I wanna try, Laina. Nung unang beses ko siyang nakita sa eroplano at tinawag niya akong "papa" I was happy. I never liked child Laina pero nung nginitian niya ako sobrang gaan ng pakiramdam ko. Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko ngayon. If he don't want to see me, it's okay. Just let me see, hear him kahit sa malayo lang ako" pagsusumamo nito.
Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi nito.
"I'll try my best, Brix" sabi ko dito at tumayo. "Here's my address. You can also follow me habang pauwi" mabilis itong tumayo at tumango sa akin.
Nakasunod ang kotse ni Brix sa akin habang pauwi sa condo. Sabay kaming dumating sa parking lot.
Una siyang nakababa at kinabahan ako nang makitang papunta siya sa sasakyan ko. Dire diretso ito at pinagbuksan ako ng pintuan. Napapikit ako at napabuntong hininga nang magsimulang tumibok ng mabilis ang puso ko.
Heto na naman ako at talagang hindi na nasanay sa presensya niya. Ngumiti ako sa kanya bilang pasasalamat sa ginawa nito.
Pagkasakay sa elevator ay agad kaming napunta sa dulo dahil maraming sumakay. Tumayo si Brix sa harapan ko at bahagya akong hinarangan sa pagkasiksik. Itinukod nito ang kamay sa harapan ko at nilingon ako sa likod
"Are you okay?" tanong nito sa akin. Mabilis na lang akong tumango at nag iwas agad ng tingin sa kanya dahil lalong bumibilis ang kaba sa dibdib ko.
Nang makababa at nasa harapan na kami ng condo ay mas naging triple ang kaba sa didbib ko. Iniisip ko pa lang ang magkasalubong na kilay ni Sky ay nas stress na ako.
Pagkabukas ko ng pinto ay si Brent agad ang bumungad sa akin. May hawak itong juice. Lumipat ang tingin nito sa aking likuran bago bumalik sa akin.
"Where's Sky?" tanong ko dito
"Nasa kwarto niya. Ayaw tumigil umiyak eh"
"Thank you Brent. Ako na bahala. Kausapin ko muna" tumango lang si Brent at lumapit sa akin. Nagulat ako ng yakapin ako nito at halikan sa noo.
Ano trip neto?!
"Mukha ng ex mo parang kakain ng tao" natatawa nitong bulong sa akin. Napatingin ako kay Brix. Magkasalubong ang kilay nito na pinapanood kami at nang magtama ang mga mata namin ay inirapan ako nito.
You're still doing that rolling eyes huh!
Hinampas ko si Brent dahil sa ginawa nito pero tinawanan lang ako nito bago pumasok sa kanyang kwarto. Naiwan kaming dalawa ni Brix sa sala.
"Can I see him now?" excited nitong tanong. Umiling naman ako dito.
"I'll talk to him first. Pwede kang mag stay sa labas muna. I'll open the door just in case you wanna see him. Wag ka muna agad magpakita kapag narinig mong mukhang okay siya then you can appear pero kung hindi it's better that you stay out of sight" agad na lumungkot ang mukha ni Brix bago tumango sa akin.
"I hope you understand. Bago lahat ng to kay Sky. Kilala ka niya sa larawan pero ngayon ka pa lang niya makikilala sa personal. Ayokong biglain ang bata lalo na at hindi naging maganda ang pagkikita niyo kanina. Let's take it slow, Brix" paliwanag ko dito
"I understand, Laina. You know our son kaya susundin kita but I hope you also understand my desperation to know him. I really want to meet him"
"I understand and I'll do my best to make Sky understand your situation"
Napalunok ako ng kunin ni Brix ang kamay ko at haplusin yun ng marahan. Tinitigan ako nito sa mata at ganun na lang ang pagwawala ng puso ko.
Iba pa din ang hatid niyang init sa puso ko. Simpleng hawak niya pa lang ay nagwawala na ito. Hinding hindi maitatanggi na hanggang ngayon ay siya pa din ang may hawak ng puso ko pero hindi na ulit ako susugal. Minsan ko nang sinubukan pero sobrang sakit lang ang nakuha ko.
Mahal kita Brix pero sayang, sayang lang kasi hindi na magiging tayo.....