"G! Sa bahay na tayo magkita" sabi ni Summer habang sumasakay sa sasakyan niya. May jamming na naman kami matagal tagal na din kasi bago nakumpleto ang tropa.
Nagtatawanan kami habang inaayos ang upuan sa garden nila nang may marinig akong malambing na tawa. Napatingala ako kung saan nanggaling ang tunog and there I saw the most beautiful woman I've ever seen. Tumatama sa mukha nito ang kulay kahel na sinag ng pagtatakipsilim. Parang bumagal ang bawat galaw nang nasa paligid ko at wala akong ibang makita kundi ito lang.
"Matunaw ang bunso namin" siniko ako ni Summer habang tumatawa. Napakunot noo ako sa sinabi nito
"Si Laina na yan?" gulat kong tanong dito dahil ang tagal na din nang huling kita ko sa kakambal nito.
"Oo, nag glow up noh! Well, wala pangit sa lahi ng Salvador! Mana sa kuya eh" pagmamayabang nito
"G*go! Asa ka" sabi ko dito at pabirong sinikmuraan ito. Napatingin ulit ako kay Laina. Nanlaki ang mata ko nang bigla itong tumingin sa direksyon ko. Nanigas ang buo kong katawan at hindi ako nakagalaw pero saglit lang yun at binawi din agad niya ang tingin niya sa akin.
Sh*t! Mukhang tinamaan ako!
Simula nang makita ko si Laina ay madalas na akong pumupunta kila Summer nagbabakasakali na makita siya kaso mailap ito. Napakabihira nitong magpakita sa akin.
"Sa kusina kuha ka na lang sa ref" sabi ni Summer nang maghanap ako ng beer. Sumisipol pa ako habang naglalakad patungo sa kusina pero napatigil ako sa paglalakad nang makitang nasa tapat ng ref si Laina at may kausap sa cellphone.
Dyosa!
Grabe ang kaba ng puso ko prang lalabas na sa lakas ng tibok. Napapikit ako bago lumunok at naglakas loob na lumapit dito.
Napatingin siya sa akin habang may kausap sa phone. Napatitig naman ako sa napakaamo at napakaganda nitong mata. Bahagya nitong tinakpan ang speaker ng phone niya at tuminhin sa akin.
"You need anything?" nakangiti nitong tanong. "Don't tell may session na naman kayo ng kuya di pa ba sira yang mga atay niyo" halata ang pagkainis sa tanong nito
Nataranta ako nang maisip na naiinis ito sa akin.
Bawal ma bad shot!
"Aahh, hindi ice cream lang kukunin ko" pagsisinungaling ko dito. Napalitan naman ng ngiti ang iritasyon sa mukha nito
"Good" sabi nito at siya mismo ang kumuha ng dalawang ice cream at inabot sa akin. Natigilan ako nang magdampi ang mga balat namin parang may kuryenteng gumapang sa aking katawan.
Pagkatapos niyang iabot sa akin ang ice cream ay umalis na siya sa harapan ko. Hindi naman maalis ang ngiti sa aking labi dahil sa munti naming interaksyon.
"Oh bat ice cream yang dala mo?" takang tanong ni Summer
"Ilakad mo nga ko sa kapatid mo" pakiusap ko dito habang nilalantakan ang ice cream.
"G*go , sa iba ka na lang Brix! Wag sa kapatid ko. Alam ko na karakas mo. Iisa lang ang bituka natin" natatawa nitong sabi
"Para naman tong t*nga eh! Kung lolokohin ko lang kapatid mo edi sana pinormahan ko na agad. You know me Summer I can court anyone pero pagdating kay Laina, natotorpe ako. Natataranta. Tignan mo imbes na beer, ice cream pa ang nasabi ko" pangungumbinsi ko dito. Tinitigan lang ako nito bago umiling.
"Kung gusto mong mabilis kang mapansin ni Laina bwisitin mo lagi. Tignan ko kung di ka nun matandaan" napangiti ako sa sinabi ni Summer
Kaya naman sa lahat ng pagkakataon at sa tuwing nakikita ko siya ay inaaway o kaya inaasar ko siya. Habang bwisit na bwisit siya sa akin ay kilig na kilig naman ako sa kanya.