Chapter 35

1K 23 0
                                    

I was awakened by soft gigles of Sky. Nang magising ako ay mahina itong tumatawa habang pinagmamasdan akong nakayakap sa kanya.

"Good morning Mama" all out ang smile ng anak ko.

"Good morning baby" sabi ko dito at hinila siya palapit sa akin. I kissed his cheeks and sniff his neck.

"It's ticklish Mama" reklamo nito habang humahagikhik. "Papa is hugging you" sabi nito at ininguso si Brix na nasa likuran ko.

"I heard you young man" sagot ni Brix at inangat ang ulo mula sa aking likuran para silipin ang aming anak. Lalong lumapad ang ngiti ni Sky. Tumayo ito at hinakbangan ako para pumagitna sa amin ni Brix.

"We're happy family na" malaki ang ngiti ni Sky habang nagpapalipat lipat ang tingin sa amin ng kanyang ama. Hinalikan nito ang aming pisngi bago humiga.

"Let's wake up everyday like this po" galak na sabi ni Sky. Nagkatinginan kami ni Brix dahil sa sinabi ng aming anak.

"I love you" he mouthed the words to me before he gave me his warmest smile.

"I love you too" I replied and gave him my sweetest smile.

Napuno ng lambingan at tawanan ang aming umaga. Sabay sabay kaming lumabas para mag almusal.

Agad kaming nakaagaw ng atensyon pagpasok namin sa dining hall. Karga karga ni Brix si Sky habang ako ay nasa likuran nila. Sinusundan kami ng tingin ng bawat table na nadadaanan namin.

"I hate crowds" napatingin ako kay Sky nang bigla itong humilig sa balikat ng ama. Manang mana sa akin.

Umupo na kami sa table. Brix get our food. Maganang kumakain si Sky habang si Brix naman ay busy sa pagsubo ng pagkain dito.

"Papa, can we swim later?" excited nitong tanong.

"Ask your mama" mabilis na lumipat ang tingin sa akin ni Sky.

"Please, Mama. Let's swim with Papa" paawa nito.

"Fine, but after work pa nila Mama okay?"

"Yehey! I'll wait for you in our room po" masaya nitong sabi.

Nang matapos kumain ay hinatid namin si Sky sa kwarto bago tumungo sa photoshoot na ginaganap.

Maraming mga models at busy ang mga tao. Pumunta kami sa tent kung nasaan ang direktor. Agad na siniyasat ni Brix ang mga naunang nakuhaan habang ako ay pinuntahan ang mga models na nagsusukat ng mga damit.

They smiled at me nang makapasok ako. Nakita kong konti ang stylist kaya naman tinulungan ko na rin silang mag ayos.

"Can you help me with this?" napalingon ako sa lalaking nagsalita. Kinuha ko ang bow tie at aayusin na sana yun sa kanya nang lumapit ang isa sa stylist.

"Mam, ako na po dyan" naiilang nitong sabi.

"It's okay. I can handle this" nakangiti nitong sabi

"sabi po kasi ni Sir Brix tatanggalin niya kami kapag di ka daw po bumalik sa tabi niya" natatawang sabi ng stylist.

Napalingon ako sa pwesto ni Brix at nakita kong magkasalubong ang mga kilay nito habang nakatitig sa akin. Napailing na lang ako bago inabot sa stylist ang hawak ko.

Naglakad ako pabalik sa pwesto ni Brix. Nang makalapit ay hinatak niya ako paupo sa kandungan niya.

"Hoy! PDA ka" mahina kong sabi sa kanya pero niyakap lang ako nito mula sa likuran

"Stop touching other men kapag nasa paligid ako Laina" pagalit nito sa akin.

"It's part of my work" sabi ko dito at pinisil ang ilong niya.

"They have their stylist. Hayaan mong gawin nila ang trabaho nila" masungit nitong sabi.

"Fine, baby" sabi ko na lang dito para di na magalit pa. Humigpit ang yakap nito at pinagpahinga ang baba sa braso ko.

"Let me go" mahina kong sabi dito dahil napapansin kong pinagtitinginan na kami.

"Ayaw" sabi nitong parang bata

"Isa, Brix! Nakakahiya" pilit ko dito pero parang bingi lang ito at hindi ako pinansin.

Nanatili kami sa ganung pwesto hanggang sa natapos ang shoot. Hindi ko tuloy alam kung anong mararamdaman sa tuwing tinitignan kami ng ibang tao. Halos lumabas din ang puso ko sa pagkakayakap sa akin ni Brix.

"Let's go to our son" sabi nito at itinayo ako. Hinawakan nito ang kamay ko at hinatak ako papunta sa kwarto ni Brix.

"Stop being clingy" puna ko dito pero tinignan lang ako nito habang nakataas ang kilay.

"May I remind yout that we waste 4 years together kaya wag kang magreklamo kung gusto kong bumawi" iginapang nito ang braso sa aking beywang saka ako hinapit papalapit sa kanya. Iniyakap ko naman ang isa kong kamay sa kanyang beywang habang masaya kaming naglalakad.

"Sky" tawag ko sa anak namin pagkapasok.

Mabilis na dumungaw ito mula sa kusina nang nakangiti.

"Yehey! It's swimming time" sabi nito at tumalon talon. Tumakbo ito papunta kay Brix na nakataas ang dalawang kamay. Binuhat agad ito ng ama.

"Dress me Papa, please" paglalambing nito sa ama. Napangiti si Brix at hinalikan ito sa pisngi bago pumunta sa kwarto para bihisan ang anak. Ako din ay nagbihis na nang isusuot.

"Mama, we're ready" sigaw ni Sky kaya naman nagmadali na rin akong lumabas. Pinagmasdan ako ng aking mag ama habang naglalakad papunta sa kanila.

"Don't you think your too sexy on that, Mama?" nakakunot noong tanong ni Sky sa akin saka tumingin sa ama na ngayon ay nakangiti habang sinisipat ako muka ulo hanggang paa. "Change it Mama" utos ni Sky.

"Baby, it's a beach. I'm supposed to wear this" natatawa kong sagot sa conservative kong anak.

"But all of them will look at you" pagsusungit nito.

"It's okay baby" sagot ni Brix bago tumayo. May inabot itong parang shaul at lumapit sa akin. He has this mocking smile on his face while staring at me. Nahigit ko ang aking paghinga nang bigla nitong hawakan ang aking beywang. Iginapang nito ang kamay sa likuran ko bago ilapit sa aking tenga ang bibig.

"Our son is right. You're too sexy for this. This view is only allowed for my eyes" mapang akit nitong sabi at hinalikan ang aking pisngi.

"There. It's not too sexy na" nakangiting sabi ni Sky saka ko lang napagtanto na ibinalot pala ni Brix ang kinuhang shaul sa aking beywang para matakpan ang aking binti.

Humiwalay sa akin si Brix at binuhat si Sky. Saka lang ako nakahinga ng maluwag nang nakalayo na siya sa akin.

Kita mo ang excitement sa mata ni Sky habang naglalakad kami. Mabilis itong tumakbo patungo sa dagat.

"Sky, wait for Papa" sigaw ko dito at tinignan si Brix "Go, follow Sky" nakangiti nitong sabi habang seryosong nakatingin sa akin.

Natigilan ako nang bigla nitong iangat ang kamay niya para haplusin ang pisngi ko.

"I hope you know how much I love you, Laina. You're making me the happiest man right now" parang may mainit na humaplos sa puso ko dahil sa sinabi nito.

Tinawid ni Brix ang pagitan ng labi namin at mabagal akong hinalikan.

"I love you more everyday" nakangiti nitong sabi at hinalikan ako sa noo. I smiled to him and also caress his cheeks.

"I love you too, my Montefalco"

"Mama, Papa come now let's swim" sigaw ni Sky. Sabay kaming napalingon sa kanya na ngayon ay nagtatampisaw na sa dagat.

Hinawakan ni Brix ang kamay ko at hinila ako para daluhan ang aming anak. Napakasarap nilang pagmasdan. Napakasarap pakinggan ang bawat tawa at halakhak na namumutawi sa kanilang mga bibig.

Sa pagkakataong ito, alam kong tama ang desisyon kong buksan muli ang puso para sa lalaking mahal ko......

Salvador Series #3: Until We Love Each Other Where stories live. Discover now