Chapter 4

764 17 0
                                    

Badtrip akong pumasok sa loob ng room. Pagkaupo ko pa lang ay agad na akong inintriga ng mga kaklase ko.

"Totoo nga kayo na ni Montefalco?" tanong sa akin ni Krizia.

"Ha? Hindi ah san mo na naman nakuha yan?"

"Nung nakaraan daw nakita kayong sabay na lumabas sa CR tapos kanina hatak hatak ka daw papunta sa locker room nila and now you're wearing his varsity shirt" walang preno nitong sabi.

Natawa na lang ako sa sinabi nito

"Hindi kami. At never magiging kami, okay?" sabi ko at inayos ang mga gamit ko dahil dumating na ang prof namin.

Normal na araw lang naman ang nangyari puro discussion at may surprise quiz buti na lang at nag review ako. Mabilis kong inayos ang mga gamit ko dahil magkikita kami ngayon ni Jeah.

Pagkalabas ko pa lang ng room namin ay nakita ko na ang mga matang nakasunod sa akin. Marahil kalat na talaga ang sa amin ni Brix.

Natigil ako sa paglalakad nang may humarang sa daan ko. Sinubukan ko silang iwasan pero hinarangan ulit nila ako. Tinignan ko na sila.

"Pwede padaan?" maayos na tanong ko dito

"Kayo na ba ni Brix?" mataray nitong tanong sa akin.

"Hindi" maikli kong sagot at aakmang maglalakad sana kaso hinawakan nito ang braso ko.

"Kinakausap pa kita" sabi nito at nakita ko na nakakaagaw na kami ng atensyon.

"Sinagot na kita. Hindi kami ni Brix, okay? Walang kami at hinding magiging kami" paguulit ko dito.

"Really? Kaya ba suot mo ang varsity shirt niya?" at hinawakan pa ang damit na suot ko.

Inis kong iwinaksi ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"Porket nakasuot ng varsity shirt kami na agad? Hindi ba pwedeng pinahiram lang ako dahil siya ang dahilan bakit ako nadumihan kanina. Saka wag nga kayong paranoid. Makatanong kayo, bakit sa inyo ba si Brix ha? akala niyo pagma may ari niyo"

"Kung hindi kayo bakit lumabas kayong magkasama sa cr at locker room? Anong ginawa niyo dun ha? Saka ikaw ang palaging nakabuntot sa kanya!" naiinis na sabi nito

Natawa ako sa sinabi nito.

"Una't higit sa lahat siya ang nanghila sa akin at hindi ako. Kung ano man ang ginawa namin wala ka na dun. Pakialam mo ba ha? Saka anong ako ang nakabuntot palagi sa kanya?? Excuse me bakit ko naman susundan ang lalaking yun" napahalukipkip na ako habang bwiset na bwiset sa babaeng kaharap ko ngayon.

"Saka hindi ko magugustuhan ang tulad niya na mayabang, mapang asar, mabisyo, bolakbol, at masama ang ugali na akala mo siya na ang pinakamagaling sa lahat. Kung gusto mo sayong sayo na siya. Mukbangin mo pa"

Napansin kong nanlaki ang mga mata nila at nagsipagyukuan habang nakatingin sa likuran ko. Mabilis naman akong lumingon sa likuran ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang si Brix ang nakatayo sa likuran ko.

Kita ang galit sa mata nito habang mataman akong tinititigan. Napailing ito sa akin bago umalis.

"Oh great!!" nasapo ko na lang ang noo ko dahil marahil ay narinig nito ang pinagsasabi ko. "Briiiiixxx" tawag ko sa pangalan nito pero dire diretso lang itong naglakad.

Napaka swerte ko naman talaga!!!!

Hinabol ko siya at nang maabutan ay agad na hinawakan ang braso. Tumigil siya sa paglalakad at matatalim na tingin ang binigay sa akin.

"I know. I know. Mali ko this time. Sorry" hinihingal kong sabi sa kanya pero nag iwas lang ito ng tingin sa akin. Hinila ko ang kamay niya.

"Brix, ayaw kasi nila akong tigilan eh. Nangungulit kung tayo daw ba kaya yun ang nasabi ko" pagpapaliwanag ko dito pero ni isang tingin ay hindi niya ako binalingan.

"Sorry na nga" pangungulit ko dito. Huminga muna ito ng malalim bago ako tignan.

"You don't really wanna be link to me?" tanong nito. Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya.

"Aahhh... hindi naman sa ganun. Hindi lang ako sanay" nauutal kong sagot dito.

"You can just simply deny Laina. Hindi mo na ako kailangang laitin pa sa harapan ng lahat. I know you don't like me and the feeling is mutual but you never heard me badmouthing you in front of other people" may hinanakit nitong sabi.

Napayuko ako sa sinabi nito at nakagat ko ang dila dahil sa kagagahan na ginawa. I think I really went overboard this time.

"Don't worry I'll clear your name on this issue at hindi ko na hahayaan na madikit pa ang pangalan mo sa akin. Nakakahiya naman sa isang taong perpektong kagaya mo ang madikit sa aking bolakbol, mabisyo, mayabang, at masama ang ugali" napapikit ako nang marinig na inulit nito ang mga ginamit kong salita para ilarawan siya.

"Brix naman, you're making me feel bad"

"You should be Laina. Alam ko aso't pusa tayo but I never looked at you that way"

"Hindi kasi nila ako titigilan Brix kung hindi ko....."

"Kahit naaaa!!!" napabitaw ako sa kanya nang magtaas siya ng boses sa akin. "Alam mo wala namang pupuntahan tong pag uusap na ito eh kaya pwede wag ka nang magpaliwang. Save your explanation sa mga taong kagaya mo o kalevel mo wag sa akin" binigyan ako nito ng matalim na tingin bago tuluyan akong iwan.

Wala na naman akong nagawa kundi panoorin na lang siyang lumalayo sa akin. Naisandal ko ang ulo ko sa pader at napapadyak na lang sa sobrang inis.

Grabe, napakamalas ko naman ngayong araw!!!!

Lulugo lugo akong pumunta sa tagpuan namin ni Jeah. Nakita kong naghihintay na siya.

"Anyare? Malayo pa ang mahal na araw pero yang mukha mo pang Biyernes Santo na" asar nito sa akin.

"I really did mess this time Bessy. I was really bad at Brix. I didn't mean it tho kaso talagang mukhang galit na siya sa akin" pagkwe kwento ko dito

"Eh matagal na naman kayong di magkasundo nun ah. Anong kaibahan ngayon?" sabi nito at inakbayan ako

"Hindi ko alam. Nag guilty talaga ako. Alam kong mali talaga ako ngayon" sising sisi kong sabi. "How can I say sorry?"

Ngumiti sa akin si Jeah at hinila na ako papunta sa sasakyan.

"Give something to him. Something na pinaghirapan mo ha! Wag kang bumili!" paalala nito sa akin.

Napatingin ako sa labas ng kotse habang umaandar. Napapikit ako nang maalala ang mukha ni Brix kanina.

I really did hurt him. Sana makabawi pa ako.

Arrghhhh... I hate this day.....

Salvador Series #3: Until We Love Each Other Where stories live. Discover now