"Good morning, mam. I know you're on your vacation right now but the management want you to handle our new client since the new partner is located also in the Philippines" sabi ng secretary ko.
"It's okay. I'll only supervise right? All the decisions and contract were made already?" paninigurado ko dito
"Yes mam. More on shooting na lang po and pictorials for the latest collection of dress and gowns"
"Okay, no problem. Kindly send me the details. I'll fix my schedules so you can set me an appointment to them"
"Mam, they would like to start the photoshoot as soon as possible. They already set dates for your meeting and it's today po at 3pm" nahihiyang sabi nito.
Napatingin ako sa planner ko at nakita namang vacant ang schedule.
"Okay, send me the details" pagkababa ng tawag ay agad na sinend sa akin ang detalye ng pupuntahan ko.
"Baby, pwede kay Mama Catalina ka muna? Mag work lang si Mama" paalam ko sa aking anak.
Napasimangot naman si Sky dahil sa sinabi ko
"Sabi mo Mama, no work for now. It's Sky time" pagtatampo nito.
"This is just a short meeting baby. Then, I'll bring you to the photoshoot just like before. You enjoy watching them, right?" nakangiti kong tanong dito
Nakita ko ang pagningning ng mata ni Sky dahil sa narinig mula sa akin.
"Okay Mama. I'll behave and wait for you po" tuwang tuwa na sabi nito
Nag asikaso na ako at tinungo ang bagong partner namin dito sa Pilipinas. I walked with my head held high. Naririnig ko ang tunog ng aking takong habang naglalakad at kita ko rin ang paglingon ng mga lalaking nadadaanan ko.
"Good morning, I'm Ms. Salvador from the Louis Vuitton main office. I believe I have a scheduled meeting with your CEO" bati ko sa receptionist ng company. Ngumiti ito sa akin bago ituro sa akin ang conference room.
"The board members and the owner are waiting for you" sabi nito at iniwan ako. Inayos ko muna ang sarili at bumuga ng hangin bago pumasok sa loob.
I smiled beautifully as I opened the door. Nakangiti rin ang mga taong tinignan ako nang nagsimula akong maglakad.
"Finally, the famous, Ms. Salvador" sabi ng isa ata sa mga board members. Malaki ang ngiting ibinigay ko dito at nakipag kamay.
Isa isa kong kinamayan ang bawat taong nasa loob ng conference room pero nawala ang ngiting nasa labi ko nang makita ang pamilyar na lalaki.
Malaki ang ngiti ni Brix habang hinihintay ang pagkakataon na makamayan ko siya. Nakapameywang siya at tila tuwang tuwa sa nakikita sa akin ngayon.
Naglagay ako ng pekeng ngiti nang kakamayan ko na siya.
"What are you doing here?" Mahina kong tanong dito nang kamayan ko siya.
Pinisil nito ang kamay ko at hinaplos pa ng kanyang hintuturo ang likod nito. Kinuha ko ang kamay ko dito pero hindi niya binatawan. Nakakunot ang noo ko sa kanya at pilit na binabawi ang kamay ko dito.
Nginitian lang ako nito habang tinitignan ang reaksyon ko sa ginagawa niya. Napansin kong pinagmamasdan na din kami ng ibang nasa conference room.
Bwiset talaga tong Montefalco na to!!
Malakas kong hinatak ang kamay ko dito pero nagulat ako nang bigla naman niyang pakawalan yun kaya naman nakaramdam ako ng pagka out of balance.
Hinintay kong lumagapak ang beywang ko sa sahig pero hindi yun nangyari dahil isang malaki at mainit na palad ang pumalibot sa aking beywang. Ang lapad ng ngiti ni Brix nang magtama ang mga mata namin.