Chapter 25

995 22 0
                                    

Hindi ako mapakali nang makitang magkatitigan ang mag ama na nasa harapan ko. Agad na humilig si Sky sa balikat ni Brix. Hinagod naman ni Brix ang likuran nito para pakalmahin siya sa pag iyak.

Umayos ako sa pagkakaupo nang tabihan ako ni Brix. Lalong kumalabog ang puso ko nang maramdaman kong naglapat ang aming mga balat kaya mabilis ko yung iniwas.

"Papa" hikbi ng aking anak pero nang silipin ko ito ay nakapikit na ito. Parang tinutusok ng karayom ang puso ko lalo nang makitang may luhang tumulo mula sa mata ni Sky. Pinunasan ko ito bago ko siya hinalikan sa kanyang noo.

"Tulog na. Akin na" sabi ko kay Brix. Sinubukan kong kunin si Sky mula kay Brix pero humigpit lang ang yakap nito sa leeg ng ama.

"Let him, Laina. I do not mind" sabi lang nito sa akin. Tumango lang ako sa kanya bago muling tinuon ang tingin sa aking anak.

Payapa ang kanyang mukha at may ngiti sa kanyang labi. Marahil matagal na ngang pinapangarap ni Sky ang pagkakataong ito.

"Where's his father?" kumalabog ang puso ko nang magtanong si Brix.

"Aahhh, nasa trabaho" pagsisinungaling ko dito at nag iwas ng tingin sa kanya.

"Who, Laina? Who is the father?" Napatingin ako sa mata ni Brix sa pangalawa niyang tanong. Hindi ko alam kung dapat ko na bang aminin sa kanya ang totoo. "Is it Brent" nagulat ako sa pagbanggit nito sa pangalan ng kaibigan ko.

Hindi ko rin alam ang isasagot ko kaya tumango na lang ako sa kanya. Agad itong nag iwas ng tingin sa akin. Nakita ko ang paghigpit ng yakap niya kay Sky bago ito halikan sa ulo at hagurin ang likuran.

"I was hoping he is mine" may pait ang boses nito nang bitawan ang mga salita. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa huli niyang binanggit.

He is yours, Brix!

Tinuon nito ang atensyon sa aking anak. Kita ko kung paano siya maingat na gumalaw para hindi ito magising . Mula sa pagkakahilig nito sa balikat ay ibinaba niya ito sa kanyang dibdib.

"Papa" turan ni Sky nang maramdamang inaalis ni Brix ang kamay niya sa leeg.

"Papa is here, baby Sky. Papa is here" bulong nito sa aking anak habang inaayos ang buhok nito.

"Baka nangangalay ka na" naiilang kong sabi sa kanya.

"No, I am actually liking his hugs" nakangiti nitong sabi sa akin. Sinilip ni Brix ang mahimbing na si Sky sa kanyang dibdib. Marahan niyang hinaplos ang pisngi nito at ngumiti.

Napalunok ako ng makita kung gaano kagaan ang loob ni Brix sa anak ko. Mukhang tama si Jeah. Matatanggap nito ang anak.

Ang hindi ko lang maintindihan ay ang sarili ko. Bakit pa ako nagsinungaling?! Hindi ko na lang inamin agad kay Brix ang totoo. Napasuklay ako ng buhok gamit ang aking daliri bago isinandal ang aking ulo sa upuan.

Iniwas ko ang tingin sa mag ama at di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako nang magsalita ang flight attendant na malapit na kaming mag landing.

Napaupo ako ng ayos nang mapansing nakahilig na pala ang ulo ko sa balikat ni Brix. Inayos ko ang buhok ko at ang aking sarili bago hinarap ang lalaki na mukhang kakagising lang din.

"Pasensya na" sabi ko dito at sinilip ang aking anak na tulog pa din.

"Akin na si Sky. Salamat" nakita ko ang pagtutol ni Brix sa sinabi ko pero wala din siyang nagawa. Hinalikan niya sa ulo si Sky bago inabot sa akin. Agad namang inihilig ni Sky ang kanyang mukha sa aking dibdib.

"I love you baby" mahina kong bulong dito at sumilay ang ngiti sa labi ng aking anak dahilan para mapangiti din ako. Nag angat ako ng tingin nang mapansing hindi pa umaalis si Brix sa tabi namin.

Isang magandang ngiti ang nakalagay sa mukha ni Brix habang pinagmamasdan kaming mag ina.

"You should go back to your seat habang tulog pa ang bata baka mahirapan kang makaalis kapag nagising ulit" nahihiya kong sabi dito. Nag iwas ng tingin sa akin si Brix.

"May susundo ba sa inyo pagkalapag ng eroplano?" tanong nito. Tumango lang ako sa kanya bilang sagot. Tumayo siya at sandaling tinitigan kami ni Sky.

"Laina, can we talk if we have the chance?" diretso itong nakatitig sa aking mata dahilan para magwala ang sistema ko.

"Kung magkikita tayo ulit Brix siguro pwede" yun lang sinabi ko.

"I'm okay with that. I'll see you again then" sabi nito at tuluyan nang umalis sa harapan namin.

Ilang sandali lang pagkaalis ni Brix ay nagising si Sky. Nilibot agad nito ang mata sa paligid niya.

"Where's Papa?" tanong agad nito

Napabuntong hininga ako dahil si Brix agad ang hinanap nito.

"Baby, Papa said he needs to go to work but he'll see you soon" nakangiti kong sabi dito pero agad na nalukot ang mukha nito at niyakap ko.

"He likes leaving me Mama. He doesn't love me" iyak ng anak ko. Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi nito.

"Baby, that's not true. Papa loves you so much. He's just busy"

"No, Mama. You and Dada Brent is also busy but you are with me always. Papa was never been there for me" napapikit ako nang maisip ang ginawa kong problema. Ngayon, nagtatampo na si Sky sa ama niya kahit na ako naman talaga ang dahilan kung bakit hindi siya kilala ni Brix.

"I hate him Mama" nagulat ako sa sinabi nito. Kaya mabilis kong tinignan si Sky sa mata nito.

"Sky, that's not nice. Papa loves you. It's Mama's fault baby not Papa. Your papa loves you. Hindi siya natulog hanggat hindi ka tulog. You slept in his chest for the whole night and you know that you're heavy right? But Papa did not complain. He kissed you all night and look after you while you are sleeping. You still think, he doesn't love you?" pangaral ko kay Sky dahilan para maghaba ang nguso nito.

"Fine, Mama. I love him na. I always love him naman po eh. I'm just sad" sabi nito at niyakap na ako.

"I promise you'll spend more time with your Papa soon" sabi ko dito at hinalikan ang noo nito.

"Okay Mama. I'll wait for it" sa pagkakataong ito ay ngumiti na si Sky sa akin bago halikan ang aking dalawang pisngi. I smiled at him before I pinched his chubby cheeks.

Pangako anak, aayusin ni Mama ang lahat. Your Papa will know who you really are. Just wait for Mama.

I looked at the sky outside the airplane's window. Maaliwalas ang langit katulad ng mukha ng aking anak ngayon. Sana palaging ganito. I don't wanna see Sky hurt and sad cause it hurts me more.

Baby, I'll do everything to make you happy......

Salvador Series #3: Until We Love Each Other Where stories live. Discover now