Chapter 16

711 16 0
                                    

Pinunasan ko ang butil ng pawis na nasa aking noo dahil sa init. Napapaypay pa ako gamit ang aking palad para maibsan ang init na nararamdaman.

Napatingala ako nang biglang may lilim akong naramdaman.

"Baka mangitim ka eh" napangiti ako nang makita si Brent na pinayungan ako.

"Ay hulog ka ng langit" biro ko sa kanya dahilan para tumawa siya. "San ka pala naglalagi parang hindi kita nakikita nitong nakaraan?" tanong ko dito

"Busy lang, nag aasikaso ng papers eh" sagot nito

"For what?"

"Migration. Lipat kami sa US eh" malungkot nitong sabi

"Legit????" gulat kong tanong dito. "Bat ngayon mo lang sinabi sa akin?" nagtatampo kong sabi sa kanya

"Oo eh baka next month din. Biglaan lang eh ako rin nagulat kaya di ko agad nasabi"

"Ano ba yan! Nakakalungkot naman. Sino nang seatmate ko saka tagabigay ng sagot kapag may quiz?"

Tumawa ito bago ako inakbayan.

"Sus, mas ikaw nga ang source ko eh. Mas matalino ka kesa sa akin. Saka ikaw pa makakasurvive ka kahit wala ako" pambobola nito sa akin.

Sabay kaming pumasok ni Brent sa room. Kanina ko pa napapansin na pinagtitinginan ako ng ibang estudyante at pinagbubulungan.

Anong meron??

Pagkaupo ko pa lang sa upuan ay agad akong nilapitan ng classmate ko.

"Laina, wala na ba kayo ni Brix?" tanong nito na agad nagpakunot sa noo ko.

"Ha? Bakit?" tanong ko dito

"May video kasi kumakalat eh" sabi nito at inabot sa akin ang cellphone niya. Kinuha ko yun at nakita na may video. Madilim ang paligid parang nasa bar.

Plinay ko yun at nanlaki ang mata ko sa nakita. It was Brix. May babaeng nag s sexy dance sa harapan niya and the way he looked the girl parang pinagnanasahan niya na parang anytime ay susunggaban niya.

Tinitigan ko ang babae at mas nanlaki ang mata ko nang makilala ang babae. It was Raya. Sumisikip na ang dibdib ko habang pinapanood ang video parang gusto ko nang ibalik sa may ari ang cellphone pero bago ko pa magawa ay huli na ako.

I saw Brix pulled the nape of Raya and kissed her torridly. Napalunok ako sa nakita ko. They were kissing aggressively. Kitang kita ko sa video ang paggalaw ng mga labi nila at ang pagpasok ng dila nito sa bibig ni Raya. Napanood ko rin kung paano nito ipasok ang kamay sa loob ng damit ni Raya.

Nanlabo ang paningin ko dahil sa napanood pero kinagat ko ang loob ng aking pisngi para hindi tuluyang mahulog ang namumuo kong luha. Nagulat ako nang biglang nawala ang cellphone sa kamay ko.

Brent returned the phone to the owner bago ako hilahin palabas ng room namin. Wala siyang sinasabi pero magkasalubong ang mga kilay niya. Nakayuko ako at nagpapahatak lang dito dahil wala akong lakas na lumaban pa.

Hindi pa sa akin nag s sink in ang napanood at unti unti kong nararamdaman ang kirot sa aking puso.

Ito na nga ba ang kinatatakutan ko eh...

Napatigil ako sa paglalakad ng may isa pang humila sa kamay ko. Kilala ko ang laki at init ng palad na nakahawak sa akin. Nag angat ako ng paningin at nakita ko ang pawisang mukha ni Brix habang nakatingin sa akin.

"Let me explain" yun ang una niyang sinabi sa akin. Tinitigan ko lang siya at muli kong naalala ang napanood kaya napapikit ako. Tuluyan nang tumulo ang luha sa aking mga mata.

"Baby please let me explain" nagmamakaawa nitong sabi pero hindi ko yun sinagot at tahimik lang na humikbi.

"Let her go" malamig na utos ni Brent kay Brix

"Wag kang mangialam dito. Kung merong kailangang bumitaw dito. Ikaw yun. Let my girlfriend go" may galit na sa boses ni Brix.

"After what you did to her? You don't deserve her!" sabi ni Brent at hinawakan ang kamay ni Brix na nakahawak sa akin.

Napanganga ako nang biglang suntukin ni Brix si Brent. Napahiga si Brent sa lakas ng suntok ni Brix. Lalapitan pa sana ito ng lalaki pero agad ko na siyang hinarang.

"Brix! Tama na" awat ko dito. Agad na nawala ang galit sa mata nito at malamlam na tinignan ako. Hinawakan nito ang kamay ko pero binawi ko yun agad. Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mata nito pero nag iwas na ako ng tingin sa kanya dahil mas nasasaktan lang ako sa nakikita ko.

Nilingon ko si Brent na ngayon ay nakaupo na at hinihipo ang nasugatan niyang labi. Dinaluhan ko agad ito. Hinawakan ko ang baba niya para tignan ang sugat.

"Are you okay?" tanong ko dito at tumango lang siya sa akin bago tumayo at hawakan ang kamay ko. "Let's go" sabi nito. Napatingin ako sa magkahawak naming kamay.

"Laina, give me a chance to explain. Please, baby" I looked at Brix na ngayon ay nagsisimula nang mamula ang mata but right now I don't wanna see him dahil malinaw pa sa akin ang napanood ko at sariwa pa ang hapdi at kirot na nadarama ko. I turned my gaze to Brent na ngayon ay maiging nakatitig sa akin.

"Take me out of here" hiling ko sa kanya. Wala na itong sinabi agad lang akong hinila nito palayo kay Brix.

"Laina" sigaw ni Brix. Gusto ko siyang lingunin pero tiniis kong huwag nang sumulyap pa dahil baka makita ko na lang ang sarili kong bumabalik sa kanya.

Dinala ako ni Brent sa parking lot at ipinasok sa sasakyan niya. Pagkasakay ko sa kotse ay napabuntong hininga ako nang malakas.

Sh*t!! Ang sakit pala!!

Ngayon ko naramdaman kung gaano kasakit ang napanood. Naramdaman ko ang pagsakay ni Brent kaya naman agad akong tumingin sa labas ng kotse at pinunasan ang mga luha.

Narinig ko ang malalim na paghinga ni Brent.

"I'll stay outside, Laina. Call me if you need me. Release what you are feeling" yun lang ang sinabi ni Brent bago lumabas ng sasakyan.

Nang marinig ko ang pagkasara ng pintuan ay nagtuloy tuloy ang daloy ng aking luha. Napatakip ako ng palad sa aking mga mata at tahimik na umiyak.

Simula pa lang alam kong babaero na si Brix kaya nga natakot akong tanggapin ang nararamdaman ko sa kanya pero sa ilang buwan naming magkasama, naramdaman ko ang pagmamahal niya sa akin. Akala ko totoo. Akala ko nagbago siya para sa kin pero mali ako. Maybe I was really a challenge to him.

Isinandal ko ang aking ulo sa likuran ng upuan at tinakpan ang aking bibig. Ayokong marinig ang mga hikbi ko. Ayokong marinig ang sarili kong iyak.

I loved him so much pero mukhang mali ang naging desisyon kong maniwala at magtiwala kay Brix. Ibinigay ko ang puso ko sa kanya pero mukhang mali ako. Ang sakit sakit lang na maisip na nagawa niya yun matapos niyang magbitaw sa akin ng mga pangako para sa aming kinabukasan.

How can he lie to me? How can he do that after promising that he will change my surname into his? Alin sa mga pinakita niya sa akin ang totoo at alin ang hindi? Ito ba ang sinasabi ni Raya? Did he just planned to make me fall in love para maging trophy sa mga nakakaalam na hindi niya ako mapaamo? Did he really love me or was it all part of a lie?? Alin ang totoo Brix sa lahat ng pinakita mo?

Napapikit ako at hinayaang dumaloy ang luha sa aking pisngi. Umaasa na gumaan ang napakabigat na nararamdaman ko ngayon.

Did you ever really love me, Brix?

Salvador Series #3: Until We Love Each Other Where stories live. Discover now