"Mama, I wanna come po" umakyat si Sky sa kama ko at pinanood akong nagliligpit ng gamit para sa photoshoot na gaganapin sa isang beach resort.
"Baby, it's work po eh. Dadalhan ka na lang ni Mama ng pasalubong" sabi ko dito at nilagay siya sa kandungan ko.
"Mama, please. Behave lang po ako" at tinaas pa nga ang kamay na tila nag p promise sa akin.
I sadly smile at my son.
"Mam, nandito po si Sir Brix" sabay kaming nag angat ng tingin ni Sky sa may pintuan at mula doon ay pumasok si Brix.
Hindi siya pinansin ni Sky at humilig lang sa dibdib ko.
"May topak?" tanong nito nang makalapit at hinalikan sa ulo ang anak. Natigilan ako nang maging ako ay kintalan ng halik nito sa ulo.
Napalunok ako bago sumagot.
"Gustong sumama eh. Isama na natin" paalam ko dito
"Papa, please. Behave lang po talaga ako" mabilis na bumaba si Sky sa akin at tumayo sa harapan ng kanyang ama at nagpaawa dito. Hindi ko mapigilang mapangiti sa itsura nito. Tinignan ako ni Brix at sabay kaming ngumiti dahil sa itsura ng anak.
"Who can resist my baby?" Sabi nito at pinsil ang pisngi ng anak "Go pack your things"
"Yehey! I won!" sigaw nito at tumakbo papunta sa kwarto para magimpake na din.
Tumayo ako para sana sundan si Sky pero nagulat ako nang hatakin ako ni Brix sa kamay at ipwesto sa gitna ng mga hita niya. Ipinalibot niya ang braso sa aking beywang. Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakatingala sa akin.
"Can I court you, Laina?" nanlaki ang mata ko sa tanong nito. "I want you to be mine again" masuyo nitong sinabi at hinapit ang beywang ko palapit sa kanya.
"What are you talking about" nauutal kong sabi dito. Napahawak ako sa balikat niya dahil lalo niya pa akong hinila palapit sa kanya. Nakadikit na nga ang baba niya sa tyan ko habang nakatingin sa akin.
"Ngayon na confirm ko nang wala kayong relasyon ni Brent, I wanna make my move baka maunahan pa ako. So, will you allow me to court you?" seryoso nitong tanong sa akin.
"Brix, I think it's enough that we have Sky. Whatever we had in the past....."
"No, my love for you never stopped even you left me without saying goodbye or any explanation. I got mad but I never stopped loving you. I know you still love me" confident nitong sabi
Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Tumayo siya at marahang hinaplos ang pisngi ko.
"I... do....n't" nauutal kong sagot sa kanya.
"You can lie with your face but never with your eyes, baby. Always remember that" bulong nito sa akin bago ako nakawan ng halik sa labi at lumabas ng diretso para sundan si Sky sa kwarto.
Agad na nanghina ang tuhod ko at napaupo sa kama. Hinawakan ko ang aking labi at hindi ko mapigilang mapangiti nang maisip ang mga ilang pagkikita namin ni Brix.
Mabilis kong pinilig ang ulo ko para ipaalala na hindi tama ang nararamdaman ko. Masasaktan lang ako kapag pinagpatuloy ko to.
Nang makalabas ako sa aking kwarto ay ready na si Sky at Brix. Isinama na rin namin ang nanny ni Sky para may tagabantay siya kapag nasa work kami.
Dumiretso kami sa kumpanya dahil dun ang meeting place at mag oorient pa daw si Brix sa mga empleyado niya.
Nauna siyang dumating kaya naman nasa conference room na siya.
"Baby, stay here muna ha" bilin ko dito pero mabilis itong yumakap sa binti ko.
"I'll come Mama, please. I wanna see Papa too" habang tumatagal ay hindi na mahiwalay si Sky kay Brix.
"Okay, but promise not to make any noise" bilin ko dito
"Yes po Mama" nakangiti nitong sabi.
Dahan dahan kong binuksan ang conference room para di masaydong makaagaw ng atensyon. Nakita ko ang ilang ulo nagsipaglingon pagpasok namin ang iba ay tinitigan din si Sky. Yumuko ako sa kanila bilang pagbati.
Napatingin din sa amin si Brix. Malaki ang ngiti ni Sky at kumaway sa papa niya. Nagpatuloy si Brix sa pagsasalita at kami ni Sky ay nakinig lang dito.
"Let's do a good job for this project! You're dismissed" sabi ni Brix. Nang makita ni Sky na tapos na ang papa niya sa ginagawa ay mabilis itong tumakbo dito at nagpakarga.
"You're so good Papa" puri nito sa ama. I smirked at Brix nang ngumiti ito sa sinabi ng anak.
"Baby mo sir?" tanong ng ilang empleyado
"Yes, this is my son, Sky" proud nitong pakilala
"Son?" napalingon ako sa nagsalita. At nakita ko ang magkasalubong na kilay ni Raya at tinignan agad si Sky.
"Yes Raya. This is my only son" pag uulit ni Brix. Tinignan ni Raya ang anak ko ng mabuti bago taasan ng kilay.
"Are you sure he's yours?" mataray nitong tanong. Nakita ko kung paano lumungkot ang mukha ng anak ko at yumakap sa leeg ng ama.
Nakaramdam ako ng inis dahil sa ginawa nito kaya naman nilapitan ko sila.
"I'm 100% sure that he is the father of my son" mataray kong sabi dito bakas ang gulat sa mata nito nang malamang ako ang ina ng bata. "And I think you are not in the right place to ask that question. You're not even his girlfriend" asik kong sabi dito. Nakita ko kung paano mamula ang mukha ni Raya dahil sa sinabi ko. Wala akong pakialam kung naririnig kami ng iba.
"I'm his.... I'm his...."
"FRIEND!" pagbibigay diin ko sa salita "I'm also sure that he is not courting you cause Brix just asked me hours ago if he can court me" naglipat lipat ang tingin sa akin ni Raya pati kay Brix.
Naramdaman ko ang paggapang ng kamay ni Brix sa beywang ko at ang mainit na hininga nito sa aking tenga.
"Let's go baby. We have a shoot to make" sabi nito sa akin bago hawakan ang kamay ko at pagsalikupin ang aming mga daliri. I mockingly smile at Raya and raised our intertwined fingers.
"Mine" ngiting sabi ko dito bago siya talikuran.
Magmaldita ka na sa lahat wag lang sa isang Salvador!!!
Pagkapasok sa elevator ay agad kong tinignan si Sky. Hindi pa rin binibitawan ni Brix ang kamay ko.
"Ang cool mo Mama" nakangiti nitong sabi sa akin at nag thumbs up.
"Anything for my baby. When someone did that again to you, tell it to me. You are your Papa's son, okay baby" marahan kong hinaplos ang pisngi nito
"I know Mama. You always tell me that Papa is your only love kaya alam kong siya ang Papa ko talaga" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Sky.
"I am your only love huh?" pang aasar sa akin ni Brix. Inirapan ko siya dahil sa pilyong ngiti na nasa kanyang labi.
"And you just said 'mine' earlier" dagdag nito.
"Wag kang feeling. Inaasar ko lang si Raya. Alam ko namang patay na patay yun sayo" asar kong sabi sa kanya
"At patay na patay naman ako sayo" hirit nito sa akin.
"G*go" I mouthed the words to him para hindi marinig ni Sky. Hindi ko mapigilang matawa dahil sa banat nito sa akin.
"I love you" he mouthed back to me. Nawala ang ngiti sa aking labi at nag iwas ako ng tingin sa kanya dahil nagdulot na naman ng fiesta sa loob ko ang tinuran niya.
Lets* para akong bumabalik nung college days namin! Ganitong ganito ang puso ko noon para sa kanya