Naglalakad lakad ako ngayon sa mall. Nag iisip kung ano ang pwedeng ibigay kay Brix. Ilang araw na rin kasi akong kinakain ng konsensya ko dahil sa nangyari sa aming dalawa.
Ilang beses kong sinubukan na kausapin siya pero palagi niya akong iniiwasan. Nasa bookstore ako at tumitingin ng mga lapis at sketchpad na pwede kong gamitin para sa school.
Napahinto ako sa ginagawa nang makarinig ako ng pamilyar na boses. Hinanap ng mata ko ang pinanggagalingan ng boses at huminto iyon sa gwapong mukha ni Brix.
All out smile si Brix habang may kausap na magandang babae. Nagkwe kwentuhan sila habang ang kamay nito ay nasa beywang ng babae. They look intimate with each other.
Agad kong inalis ang tingin ko kay Brix nang magtama ang mga mata namin. Ibinalik ko ang tingin ko sa mga lapis na nasa harapan ko. Napapikit ako nang maramdaman ko ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa pagtatama ng mga mata namin.
"Laina?" napaangat ako ng tingin sa tumawag sa pangalan ko at parang pinagsisihan ko na nanatili pa ako sa pwesto ko at hindi na lang umalis kaagad kanina.
Nakangiting lumapit sa akin ang magandang babae na kasama ni Brix. Lukot naman ang mukha niyang nakabuntot dito.
"Hi, I'm Raya! I'm a big fan of your designs. Fina follow kita sa ig account mo. Ang gaganda ng mga nagagawa mong gowns and damit" napangiti ako sa sinabi nito.
"Hala, salamat" hindi ko akalain na may nakaka appreciate pala ng mga designs ko.
"Babe, siya yung sinasabi kong idol ko" hinawakan nito ang kamay ni Brix. Hindi ko mapigilang tignan kung paanong pinagsalikop nito ang kanilang mga daliri.
Iniwas ko ang tingin ko dito nang marinig ang pagtikhim ni Brix. Pilit itong ngumiti sa akin at gumanti naman ako ng tipid na ngiti.
"You actually go to the same school. Nagkikita ba kayo dun?" pag uusisa nito.
"Actually..." hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nauna nang magsalita si Brix.
"No, Babe. Ngayon ko lang siya nakilala" diretso nitong sabi na nagpakunot sa noo ko. "Baka naiistorbo na natin siya. Let's go" magandang ngiti ang binigay niya kay Raya
"Ay, sorry! Sige Laina. Iwan ka na namin ha. I'm really happy to see you here. Ay pa selfie naman oh" sabi nito. Tumango naman ako dito para ipakitang ayos lang sakin ang gusto niya.
"Bye, see you next time" nakangiting paalam nito sa akin bago sila magkahawak kamay ni Brix na lumayo sa akin. Nakatingin lang ako sa kanila at minamasdan ang mga ngiti na nasa labi ni Brix at ang magkasugpong nilang kamay.
Hindi ko alam pero matapos ng pag uusap namin ay bumigat agad ang pakiramdam ko. Pinili ko na lang umuwi at doon nag isip kung anong gagawin ko para mapatawad ni Brix.
Nakahiga ako sa kama at nag iisip.
"Bakit sinabi niyang hindi niya ko kilala? Oo, alam kong galit siya pero bakit niya ako kailangang itanggi? Ang tagal tagal na namang magkakilala tapos sasabihin niya ngayon lang daw niya ko nakita? Patawa ba siya" napapadyak ako sa hangin sa inis na nararamdaman kay Brix
"Alam kong mali ako pero parang foul din naman na itanggi niya ako. I consider him as one of my friend na kasi nakapag usap na kami ng matino. Ang swerte niya nga nakasama siya sa circle of friends ko" patuloy kong pagkausap sa sarili ko habang inilalabas ang inis kay Brix.
"Aaaaayyy, bakit ba kasi si Brix ang iniisip mo Laina!!!! Wala ngang pakialam yun sayo eh baka nga kasama pa nun si Raya at masaya silang kumakain ngayon" tumayo na lang ako mula sa pagkakahiga at sumilip sa veranda.