Masaya akong bumaba dahil sa nangyari kaninang umaga. Dumiretso agad ako sa kusina at doon naabutan ko ang mga kakambal ko at si Jeah na katabi ni Kuya Summer
"Good morning" masaya kong bati sa kanila. Sabay sabay silang bumaling sa akin na may mga kakaibang ngiti.
"You're creeping me out with your smiles" sabi ko sa mga ito bago humila ng upuan para umupo at kumain.
Kumukuha ako ng rice at ulam nang magsalita si Catalina
"At bakit nasa instagram ka ni Brix? Di ba mortal enemy kayo nun?" nakangiti nitong tanong.
Napalunok ako sa sinabi nito. Nagkibit balikat lang ako at sumubo ng kanin.
"And who told you to drink last night? Hindi ka nag paaalam!" sermon ni Kuya Frost.
"Biglaan kasi Kuya saka I didn't know na malalasing ako" pagpapaliwanag ko dito
"You should have informed me! Paano kung wala si Brix dun saan ka pupulutin ha Laina?" pagpapatuloy nito.
"Fine Kuya, sorry na. It won't happen again" sabi ko at sunod sunod na nagsubo ng kanin sa bibig para di na makasagot pa baka mapagalitan lang ako lalo.
Napabaling ako kay Jeah na ngayon ay nagpipigil ng tawa habang nakatingin sa akin. Pinaningkitan ko siya ng mata bago uminom ng tubig.
"Bessy, sit beside me. May tatanong ako" tawag ko sa bestfriend ko. Mabilis itong tumayo pero pinigilan siya ni Kuya Summer.
"We're eating bunso. Mamaya ka na makipag chismisan sa asawa ko. Finish your food, baby" sabi ni Kuya Summer.
"Ewwwww, corny" asar ko kay Kuya Summer dahil sa pinakita niyang ka sweetan.
Sumandal lang ito sa upuan niya at tinignan ako bago umiling.
"Sino kayang mas corny sa ating dalawa? You should have seen yourself last night" tumatawa nitong sabi. Nakitawa na rin ang ibang nasa lamesa dahil sa sinabi ni Kuya Summer.
"Why? What did I do?" nagpapanic kong sabi lalo at naaalala ko ang sinabi ni Brix.
"Dumating kayo dito ni Brix kagabi. Buhat buhat ka niya cause you are so wasted that you can't even walk" Pagsisimula ni Catalina.
"And Summer tried to get you from Brix pero ayaw mong sumama. Yumakap ka lang sa leeg ni Brix at umiiyak kapag hinihiwalay ka sa kanya" napatakip ako ng bibig dahil sa sinabi ni Kuya Frost.
"You're bluffing" di ko makapaniwalang komento dito.
"Frost is not lying" tumatawang sabi ni Kuya Summer. "Dinala ka ni Brix sa kwarto mo at kahit nakahiga ka na ayaw mo siyang bitawan. He stayed until 2am in your room. Binitawan mo lang siya nang mahimbing ka nang makatulog" pagpapatuloy ni Jeah.
"No, that's not true!!!" sabi ko at napainom ng tubig dahil hindi ako makapaniwala sa ginawa ko kagabi.
"It's true bunso. You keep shouting 'You! Montefalco, unblock me! Unblock me! and stop collecting women! Hindi ka naman gwapo" ginaya ni Kuya Summer ang boses ko dahilan para magsipagtawanan ang mga nasa lamesa.
Napatakip ako ng aking palad sa mukha. I really did embarass myself last night.
"It's okay Bunso lahat tayo dumadaan sa wasted part of our lives" sabi ni Kuya Summer at hinagod pa ang likuran ko. Mabilis ko naman siyang hinampas dahil sa ginawa niya.
Nilapitan ako ni Jeah na tumatawa at umupo sa tabi ko.
"I didn't know super clingy ka pala sa mortal enemy mo" tinusok pa nito ang tagiliran ko.