Kanina pa ako pasilip silip sa locker room ni Brix. Tume tyempo ako na mailagay ang drawing ko.
Nang makita ang huling tao na lumabas ay mabilis akong pumasok sa locker room nila at isinilid ang drawing ko sa locker niya. Papalabas na ako nang biglang may naghahalikang pumasok.
Agad akong nagtago dahil baka makita nila ako.
"Ohhh, lower" ungol ng babae dahilan para mapapikit ako.
My god palagi na lang ba akong makakarinig ng ganito!
"Yes, more please" hiling ng babae. Hindi ko kayang tagalan ang ganitong mga tunog kaya naglakas loob akong lumabas. Dahan dahan kong hinakbang ang paa ko para hindi makagawa ng kahit anong ingay at hindi makaistorbo.
"Ohhhhhh, you're so good Brix" napahinto ako nang marinig ang pangalang binanggit. Hindi ko alam pero biglang bumaling ang tingin ko sa direksyon na pinagmumulan ng ingay.
Nakita ko ang babaeng nakapikit habang hawak ang buhok ni Brix. Si Brix naman ay humahalik sa leeg ng babae.
"Oh my gosh" naitulak ng babae si Brix nang magtama ang mga mata namin. Napalingon sa direksyon ko si Brix at bakas sa mata niya ang pagkagulat.
"Laina" tawag nito sa pangalan ko pero mabilis akong tumalikod at tumakbo palabas ng locker room.
Hindi ko alam pero badtrip na badtrip ako sa nakita ko parang gusto kong bawiin yung ginawa kong drawing.
"Laina" natigil ako sa paglalakad nang biglang lumitaw si Brix sa harapan ko na isinusuot ang tshirt niya.
Napairap ako sa kanya at iiwasan sana siya para makapaglakad pero hinarang niya ulit ako. Paulit ulit niya kong hinaharanagan sa tuwing gugustuhin kong lagpasan siya.
"Ano ba?!" inis kong sabi sa kanya.
"Ah... sorry" sabi nito na ikinagulat ko
"Para saan??"
"Dahil sa nakita mo. I know its not what......." hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya
"You don't have to explain Brix. Wala kang obligasyon sa akin at di ko kailangan ng kahit anong paliwanag" inis kong sabi sa kanya "now, can I go?" Nakataas ang kilay kong tanong sa kanya.
"Laina, I'm really sorry. It won't happen again" sabi nito at kinuha ang kamay ko para hawakan.
Mabilis kong iwinaksi ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Wag mo kong hawakan. Mamaya kung saan saan mo pa yang pinasok at hinawak. Nakakadiri ka" asar kong sabi sa kanya.
Nakita ko ang bahagyang paninigas ng katawan ni Brix bago tuluyang nawalan ng emosyon ang mga mata niya. Malalamig ang mga sumunod na tingin niya sa akin bago napapikit.
Tinitigan niya ako sa mata at inilibot ang kanyang mata sa aking mukha bago tumawa at umiling.
"Nakalimutan ko, you are the perfect, Laina Ayden Salvador. Bakit nga ba ko nagpapaliwanag sayo eh matagal na namang pangit ang tingin mo sa akin, di ba?" sarkastikong sabi nito
"Wag mo kong baliktarin dito Brix! Sino ba ang nakikipag make out sa locker room. This is not the first time I saw you! Tapos ngayon sa akin mo ibabalik kung bakit ka nababansagan na f*ckboy. It's your own doing" napataas na ang boses ko sa kanya dahil sa sinabi niya sa akin.
"Yeah, yeah Laina. I should have known better. Fine. You can go Ms. perfect" sabi nito at gumilid para magbigay daan sa akin.
I looked at him intently. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko naiinis ako sa kanya dahil sa nakita ko pero at the same time may kung ano sa sistema ko na gusto ko siyang maramdaman na malapit sa akin. I closed my eyes and deep sigh bago siya lagpasan nang tuluyan.
Napaupo ako sa bleacher at napangalumbaba na lang nang tuluyang mapag isa. Paulit ulit na bumabalik ang nakita ko kanina sa locker room kaya lalo akong nabwi bwiset. Kinuha ko ang cellphone ko at tumingin sa last message sa akin ni Brix.
Napangiti ako nang mabalikan ang huli naming pag uusap. Nagtipa ako ng mensahe sa kanya.
Me: I hate you Brix!!!
Nagulat ako nang iseen niya agad ang message at nakitang nagrereply na siya.
Brix: I hate you too, Ms. Perfect!
Imbes na mainis ay napangiti ako sa sinabi nito.
Me: Panget😡
Brix: Panget ka rin🥱
"Excuse me" napaangat ako ng tingin nang may tumayo sa harapan ko.
"San ba dito ang fashion designing na building? Bago lang kasi ako kaya medyo nalilito" tanong nito sa akin habang kumakamot sa ulo.
He's cute!
Napangiti ako sa naisip bago tumayo.
"I'm also from that department. You want me to lead the way?" nakangiti kong tanong dito.
"Really? Oh thank god! May nahanap din ako" sabi nito at napabuntong hininga pa dahilan para matawa ako.
"By the way, I'm Brent" pakilala nito at inilahad nito ang palad niya
"Laina" nakangiti kong tinanggap ang nakalahad niyang kamay.
Sabay kaming naglakad papunta sa building. Magaan kasama si Brent at madaldal din siya. Kaya habang naglalakad ay tumatawa at magkausap kami.
Naglalakad kami ng mahagip ng mata ko si Brix na naglalakad papunta sa direksyon namin. Nagtama ang mata namin. Lumipat agad yung tingin niya sa katabi kong si Brent. My eyes are too fixed in Brix's face na hindi ko namalayan na may makakasalubong na pala akong may dalang tray ng food buti na lang at mabilis akong nahatak ni Brent.
Muntik na akong matumba dahil bahagyang na out of balance ako sa pagkakahila nito sa akin. Napasandal ako sa kanyang dibdib habang hawak nito ang aking beywang at ang braso para alalayan ako.
Pero hindi naputol ang tinginan namin ni Brix. Kita ko kung paano tumaas ang kilay niya sa nakitang posisyon namin ni Brent. Mabilis akong tumayo ng maayos at naglagay ng distansya sa pagitan namin ni Brent.
"Are you okay?" naputol ang tingin ko kay Brix nang magtanong si Brent. Ngumiti ako sa kanya para ipaalam na okay lang ako.
Nilingon kong muli ang pwesto ni Brix pero likod na lang niya ang naabutan ko. Naglakad na ito palayo sa akin.
Nagpatuloy kami ni Brent sa pagpunta sa aming building and to my surprise kaklase ko pa pala siya. Kaya naman ang saya namin nang parehas pala kami ng class.
Magkatabi kaming umupo pagkatapos pumasok sa room. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita kong may message si Brix
Brix: hey, penny for your thought?
Ito ang huli niyang chat sa akin na hindi ko na nareplyan. Mabilis akong nagtipa ng reply sa kanya.
Me: Slr, may need lang ng help.
Agad na sineen yun ni Brix pero nagulat ako nang bigla na lang ako nitong i block sa messenger. Napatayo ako dahil sa ginawa nito.
"Are you okay?" gulat na tanong ni Brent
Alanganin akong napangiti dito at tumango lang sa kanya.
Napabuntong hininga ako at napasandal ang ulo sa dingding. Iniisip ano na naman ang problema ng lalaking to. Napaka bipolar naman eh. Muli kong tinignan ang messenger at napapikit na lang sa inis na nararamdaman.
Aaaissssxxttt, war mode na naman kami.....