Chapter 21

1K 23 0
                                    

Nagising ako nang maramdamang wala si Brix sa tabi ko. Idinilat ko ang aking mata at naupo bago nag unat. Napangiti ako nang maalala ang pinagsaluhan namin kagabi.

Napatingin ako sa aking katawan suot ko ang t shirt ni Brix na abot hanggang sa aking binti. Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking daliri bago tumayo para hanapin si Brix.

"Baby?" tawag ko kay Brix pero tahimik pa din ang buong bahay. Naglakad ako para hanapin si Brix. May narinig akong boses nang nag uusap kaya naman sinundan ko yun. Bahagyang nakabukas ang pintuan ng study room ni Brix. Papasok na sana ako nang marinig ang boses ng isang babae.

"Tinotoo mo talaga Brix?" tanong nito. Napasilip ako sa kaunting siwang at nakita ko si Brix at si Raya na nag uusap.
"I never thought na talagang makukuha mo si Laina. Nagpauto talaga siya sayo?" tumatawa nitong sabi.

Napakunot ako ng noo sa sinabi ni Raya.

"Stop Raya. Ano bang ginagawa mo dito ha! Go away! You're not welcome here" inis na sabi ni Brix.

Lumapit si Raya dito at hinaplos ang dibdib niya. Nakaramdam ako ng kirot sa napapanood ko.

"I'm here to give you option. I can give what Laina can give to you" mapang akit na sabi nito.

Tinabig ni Brix ang kamay nitong nakapatong sa dibdib niya.

"Go now! Baka magising pa si Laina at makita ka. Ayokong mag away kami ng dahil sayo" galit na sabi ni Brix.

Tumatawang pumalakpak si Raya kay Brix.

"Stop your show. Wala naman dito si Laina. Hindi mo kailangang magpanggap. We both know that you used her" napatakip ako sa aking bibig nang marinig ang sinabi nito. "You only need her and her family to save your company. Parehas nating alam na kung hindi namoreblema ang kumpanya niyo malamang ay hindi mo siya lalapitan. You hate her right? You only see her as an investment" sabi ni Raya at ipinulupot ang braso sa leeg ni Brix.

"Brix, Nandito naman ako. You can use me. I'd be willingly to help you and your family" mapang akit nitong sabi bago unti unting ilapit ang mukha kay Brix.

Mabilis akong tumalikod at naglakad pabalik sa kwarto. Wala na akong balak pang saksihan ang mga susunod na mangyayari. Pagkasarado ko ng pintuan sa kwarto ay napatakip ako sa bibig at nag unahang tumulo ang luha sa aking pisngi.

Brix used me. Just like the others he sees me as an investment. Mabilis kong hinanap ang mga damit ko at nagpalit. Kinuha ko ang gamit ko at dali daling lumabas ng condo nito.

Pagkapasok ko sa aking sasakyan ay muling tumulo ang aking mga luha. Sinandal ko ang aking ulo sa manibela at tahimik na umiyak. Hinayaan kong dumaloy ang luha sa aking mga pisngi.

Brix didn't love me. Katulad lang siya ng ibang lalaki na ang tingin sa akin ay isang bagay na pwedeng pakinabangan. Akala ko tunay ang nararamdaman niya pero mali ako. Siguro nabulag lang ako ng mga bagay na pinapakita niya. Nakalimutan kong siya nga pala si Brix Marco Montefalco na hindi marunong makuntento.

Parang pinipiga ang puso ko sa sakit ng aking nalaman. Ngayon ko pa narinig ang lahat matapos kong isuko ang sarili ko sa kanya. Tumunog ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Brix pero mabilis kong in airplane mode ito.

Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi at mabilis na pinatakbo ang aking sasakyan pabalik sa aming mansyon. Inayos ko ang aking sarili bago pumasok.

Sinalubong agad ako ng pamilya ko na may mga ngiti sa labi.

"Congratulations" sabay sabay nilang sigaw na nagpakunot sa aking noo. "You got a job offer from Louis Vuitton to be one of their designers" excited na sabi ni Catalina.

Salvador Series #3: Until We Love Each Other Where stories live. Discover now