Napakaganda ng beach resort na napili ni Brix kung saan gagawin ang photo shoot. Pagkababa namin ay mabilis na tumakbo si Sky sa buhanginan.
"Sky" tawag ko dito nang makitang madapa ito. Mabilis na dinaluhan ni Brix si Sky pero sumigaw na agad ang anak namin.
"I'm good Mama, Papa" sabi nito at muling tumakbo. Sinundan agad to ni Brix. Nakangiti akong pinagmamasdan ang dalawa habang naghahabulan sa buhanginan. Maririnig mo ang malakas na halakhak ng anak konsa tuwing mahahabol siya ni Brix.
I was also laughing with them dahil ang sarap nilang panoorin.
"Using your son para mapalapit kay Brix, Laina?" napalingon ako kay Raya na nasa tabi ko na pala. Hindi ko kasi naramdaman ang paglapit niya.
"I don't have to use my son para mapalapit kay Brix, Raya. We both know why" pagtataray ko dito bago ibalik ang tingin kay Brix.
"You really think that Brix is serious with you? Dahil lang sinabi mong may anak kayong dalawa?" napairap ako sa sinabi nito
"I don't know kung saan mo hinuhugot yang galit mo sa akin Raya. As you can clearly see, wala akong balak na makipagbalikan kay Brix. Nandito lang ako para sa anak ko kung ako tatanungin mas gugustuhin ko ngang ilayo ang anak ko sa ganitong sitwasyon. Where people will think negative of him....."
"Then ilayo mo na siya. Umalis na kayo sa buhay ni Brix. Hindi din naman niya kayo kailangan. He was really doing fine without you in his life. Dalhin mo ang anak mo at magpakalayo layo sa buhay ni Brix dahil time will come alam kong sisirain niyo lang mag ina ang pinaghirapan niya" tila nagpantig ang tenga ko sa sinabi nito.
Hindi na ako nakapagpigil kaya pinadapo ko ang kamay ko sa pisngi niya.
"Insecure, desperate, b*tch!!" sigaw ko dito. Napahawak siya sa pisngi niya na ginawaran ko ng sampal. Noon pa ako nagpipigil sa kanya but not this time, wala siyang karapatang sabihin lahat ng yun lalo na sa anak ko.
"Gusto mo si Brix ha?! Isaksak mo sa baga mo!! Hindi kailangan ng anak ko ng ama! Kaya kong palakihin si Sky ng ako lang!! Wala kang karapatan na husgahan ako o ang anak ko at wala kang karapatang utusan ako sa kung anong dapat kong gawin sa buhay ng anak ko!! At higit lalo wala kang karapatan na diktahan kung sino ang papasok at aalis sa buhay ni Brix! I pity you for dragging yourself that low!"
Hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala si Brix at si Sky. I looked at Brix with my dagger eyes. Bumalik lahat ng sakit nang maalala ko ang araw na marinig kong ginamit niya lang ako.
Mabilis kong kinuha si Sky sa kanya. Hinawakan ko ang kamay ni Brix at saka siya itinulak papunta kay Raya.
"Ayan! Isaksak mo sa baga mo! Itali mo sa beywang mo para hindi makawala tutal parehas naman kayong mangagamit!!!" Sigaw ko kay Raya
Bakas ang gulat sa mukha ni Brix dahil sa ginawa ko.
"Laina" tawag nito sa pangalan ko.
"Yung babae mo gustong mawala si Sky sa buhay mo dahil sisirain lang daw ng anak ko ang pinaghirapan mo!" hindi ko mapigilan ang inis na nararamdaman ko ngayon lalo't nadamay maging ang anak ko "I never wanted you to be part again of our lives! Not even once Brix after knowing that you used me! Nakabalik ka lang sa buhay ko dahil sa anak ko! Now, wala ka nang karapatan sa akin higit lalo kay Sky!" pinunasan ko ang luha na dumantay sa pisngi ko. Nakagat ko ang gilid ng pisngi ko nang marealize na nagpadala na naman ako sa emosyon ko. Nakita ko ang sakit sa mga mata ni Brix habang diretso itong nakatingin sa akin.
Hindi ko na mababawi ang mga sinabi ko kaya paninindigan ko na. Mas mabuti na rin to para hindi na kami masaktan parehas ng anak ko.
Binuhat ko si Sky at mabilis na naglakad palayo sa kanya. Yumakap si Sky sa leeg ko at idinantay ang baba sa aking balikat.
"Babye Papa" malungkot na sabi ni Sky. Naramdaman ko ang luha sa aking balikat at alam kong umiiyak ang anak ko pero wala akong narinig na ingay mula dito. Parehas kaming tahimik na umiiyak. Humigpit ang yakap sa akin ni Sky nang maupo ako sa isa mga sun lounger.
Napapikit ako at mahigpit ding niyakap ang anak ko. Sa pangalawang pagkakataon ay muli kong naramdaman na mag isa na naman ako. Sa pangalawang pagkakataon ay umiiyak ako dahil sa iisang lalaki. Tahimik akong humikbi habang yakap yakap si Sky. Hindi ito nagsasalita bagkus ay marahan lang nitong sinusuklay ang buhok ko dahilan para mas maluha ako.
"Mama, are you hurt?" mahinang tanong ng anak ko sa akin. Tumango ako bilang sagot sa tanong ni Sky.
"It's okay Mama. Minsan it's good to cry. I'm just here Mama. I will hug you until you're feeling okay. I love you always" lalong nabasag ang puso ko sa sinabi ng aking anak.
Sky will always be my greatest treasure.
"Laina" narinig ko ang sigaw ni Brix. "Laina" "Sky" tawag nito sa pangalan namin ng anak niya.
Nakita kong tumatakbo ito habang palinga linga tila hinahanap kami. Nag angat ng ulo si Sky para tignan ang ama.
Unti unting bumagal ang takbo ni Brix nang matagpuan kami ng mga mata niya. Tumigil siya ilang metro ang layo sa amin. Napahawak siya sa kanyang beywang. Yumuko ito at malalim ang bawat paghingang ginagawa. Nang mag angat ito ng tingin ay nakita ko ang pagtulo ng luha nito pero agad din niyang pinunasan.
"Mama, can I go to Papa?" Sky's voice croacked at nang tignan ko ang mukha ng aking anak ay umiiyak ito.
"He's crying too Mama and Papa is alone. I wanna be with him too" lumakas ang iyak ni Sky.
"Sshh, baby" alo ko dito
"I wanna be with you and Papa. I wanna hug you both when you're crying" at lalong lumakas ang iyak nito.
"Come to Papa, Sky" hindi ko namalayan na nakalapit na pala si Brix sa amin. Mabilis na itinaas ni Sky ang mga braso niya sa ama. Kinarga siya nito bago umupo sa tabi ko. Nag iwas ako ng tingin dito nang subukan niyang hulihin ang mga mata ko.
"Are you fighting because of me? Ayaw niyo po ba sa akin?" humihikbing tanong nito.
Tinignan ko si Sky na ngayon ay nakahilig sa dibdib ng ama niya. Pinunasan ko ang luha nito na ngayon ay dumadaloy sa namumula niyang pisngi.
"No, baby. We love you" pagtanggi ko dito.
"Then, why are you scolding at Papa? And Papa why did you let us leave you?" paglalabas ng sama ng loob ni Sky.
Napapikit ako ng maisip ang eksenang napanood ni Sky kanina. Masyado akong nagpadala sa galit na naramdaman ko kaya hindi ko na naisip ang magiging epekto nito sa anak ko.
"Please, bati na kayo Mama and Papa. I wanna be with the two of you. I want to sleep in one bed with you. I also want a family day out just like my friends. I want to swim with the two of you. I want a happy family, Mama and Papa" iyak nito
Nagkatinginan kami ni Brix matapos marinig ang sinabi ng anak. Mahigpit na niyakap ni Brix si Sky habang hinahagod ang likuran nito para patahanin.
"Let's talk Laina para sa anak natin. Let's clear everythinb, please" pakiusap sa akin ni Brix.
I looked at Sky na ngayon ay unti unti nang tumitigil sa pag iyak. I kissed his cheeks and his forehead bago tignan si Brix at tumango sa nais nito.
For you Sky, Mama will try her best to make you happy.....