Bagsak ang mga balikat ko nang pumasok ako sa school. Wala akong pinansin sa mga kapatid ko dahil mabigat pa rin ang nararamdaman ko sa pag alis ni Jeah.
Pagkaupo ko sa classroom ay agad akong humiga sa armchair nito. Wala talaga akong gana ngayon. Parang gusto ko lang umiyak ngayon buong araw.
Naramdaman kong may umupo sa tabi ko.
"Laina, can we talk?" boses iyon ni Brent. Napairap ako dahil hindi ko na kailangan ng dagdag sakit sa ulo para sa araw na ito.
Umayos ako ng upo at hinarap ito.
"Brent, let's just forget what happened. You're just drunk and I understand na dala lang ng alak. I don't want to remember it" paliwanag ko dito. Tumango lang naman ito sa akin bilang pag sang ayon.
"Laina, look sa student's page" sabi ng isang kaklase ko. Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang sinabi nila.
Nagulat ako sa nakapost. It was a video of what happened last night. Sumasayaw kami ni Brent hanggang sa halikan ako nito at naputol dun ang video. Hindi nakuha nung tinulak ko si Brent at sigawan ito.
Nakita ko kung paano ako tignan ng mga kaklase ko na akala mo ang laki ng nagawa kong kasalanan.
"Gantihan ba to?"
"Akala ko matino yan. May tinatago din palang landi"
"Brix deserve better"
"Hindi pa nakuntento sa isa. Gusto dala dalawa"Ilan sa mga komentong nabasa ko sa page. Nakaramdam agad ako ng galit sa mga taong mabilis akong hinusgahan.
"Laina" tawag ni Brent sa akin
"Not now Brent" sabi ko dito bago sinikop ang mga libro ko at mabilis na lumabas ng classroom. Pagkalabas ko ay bumaling agad sa akin ang mga tingin ng mga estudyante at nagbulung bulungan agad sila.
Napayuko na lang akong naglakad para itago ang aking mukha. Kinakagat ko ang aking dila para hindi maiyak sa nangyayari sa akin ngayong araw.
I was walking faster dahil hindi ko kinakaya ang mga naririnig ko sa mga kapwa ko estudyante pero malakas akong natumba nang may bumangga sa akin. Napaangat ako ng tingin. Nakangiting tinitignan ako ni Raya.
"Ops, sorry. Deserve mo" sabi nito sa akin at sabay sabay akong tinawanan ng mga kasama niya. Tinikom ko ang aking bibig at mas pinili na lang na wag silang patulan. Isa isa kong pinulot ang mga libro kong nalaglag habang naririnig ang mga panghuhusga ng mga kapwa ko estudyante.
Hindi ko mapigilan ang maluha habang pinupulot ang libro. Kukunin ko na sana ang huling libro nang sipain iyon ni Raya palayo sa akin.
Matalim ko siyang tinignan pero tinaasan lang ako nito ng kilay. Tumayo ako at pinunasan ang luhang nasa pisngi ko.
"Ano? You have something to say ha?" matapang nitong tanong sa akin pero tinignan ko na lang siya mula ulo hanggang paa bago piniling tumalikod.
Naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang pagtalikod ko ay mukha ni Brix ang nakita ko. Hawak nito ang libro kong sinipa ni Raya. Lumapit sa akin si Brix at tinitigan ako. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
Marahil nakita na rin nito ang video at maiintindihan ko kung tulad ng iba ay magalit din siya sa akin. Mali naman talaga ako sa nangyari kagabi.
Hindi ko mapigilang mapahikbi nang maisip ang sabay sabay na nangyayari sa akin ngayon. Lalong lumakas ang paghikbi ko nang maramdaman ko ang mainit na mga palad ni Brix na nasa pisngi ko.
He touched my chin and slowly turned it towards his direction. Malabo ang kanyang imahe sa aking mga mata dahil bumuhos ang aking luha nang muli kong madama ang init na hatid niya sa aking puso. He smiled at me bago punasan ang luhang lumalandas sa aking mga mata.
"I love Brix very much! Only him" natigilan ako sa sinabi ni Brix. It was my exact statement last night bago ako mag walk out kay Brent.
Dahan dahang lumapit sa akin si Brix at pinatakan ng halik ang aking noo.
"I was there last night baby. I saw and heard everything and I love you too. Only you" nakangiti nitong sabi sa akin lalo tuloy bumuhos ang aking mga luha.
He looked at my back. His gaze turned cold sa grupo nila Raya bago hawakan ang kamay ko at itago ako sa likuran niya.
"Stop messing with my girl, Raya. Kung ayaw mong makita kung paano ako pumatol sa babae" malamig nitong sabi
"But she cheated on you! She kissed someone" galit na sabi ni Raya
"She didn't cheat on me. It was a forced kiss and it was not initiated by Laina. I was there and I witnessed everything. You have no right to bully my woman" sabi nito bago ako muling tignan.
Lumambot ang mga mata niya nang tumingin sa akin at muling pinunasan ang mga luhang nasa mata ko.
"We'll talk okay. No more running away. We'll fix everything today. I want you back baby" mahinahon nitong sabi bago ako patakan ng halik sa labi.
Humihikbi akong tumango sa sinabi nito. He just laughed at me bago ako hilahin paalis sa harapan ng lahat. Dinala niya ako sa linear park kung saan walang masyadong tao. Naglatag siya ng isang shaul bago ako paupuin doon.
Pagkaupo namin ay agad nitong hinawakan ang kamay ko at halikan yun ng paulit ulit bago ako titigan.
"The video that leaked yesterday" nag iwas ako ng tigin nang banggitin nito ang video na napanood ko pero hinawakan nito ang baba ko at pinatingin ako sa kanya.
"Are you really jealous baby?" nakangiti nitong sabi na kinainis ko.
"I'm not jealous! I'm furious! You kissed and make out while we are in a relationship!" galit kong sabi dito pero nagulat ako nang tumawa ito sa akin.
Binigyan ko siya ng masamang tingin dahil sa reaksyon niya. Mabilis naman niyang itinikom ang bibig."It was an old video baby. It was recorded bago pa maging tayo. Here, I have a copy of it on my messenger nang sinend yun sa akin ng friend ko. You can verify here na matagal na yun" confident nitong sabi
Kinuha ko naman ang cellphone niya at tinignan ang details ng video na sinasabi niya. He's right.
"You didn't cheat on me?" paninigurado ko dito
"I didn't and I will never. Bakit ko naman gagawin sayo yun? Hirap hirap mong makuha tapos magloloko lang ako?" at lumapit na ito sa akin para yakapin ako ng patagilid. Parang alam niya na agad na abswelto na siya sa kasalanan niya. Hinampas ko ang tyan niya na puro abs.
"Sorry" malambing kong sabi dito bago inihilig ang ulo ko sa kanyang dibdib. "I was mad yesterday so I ran away from you. It really torn me apart nang makita kang kasama ng ibang babae parang gusto kong manakit" pagkwe kwento ko dito. I heard him chuckled before he planted a kiss on the tip of my nose.
"I left my old lifestyle simula nang niligawan kita. The moment you kissed me sa CR yun na lang ang tumatak sa akin. Sabi ko, I won't taste any lips anymore cause I want yours. Your kisses and you are all that I want, baby" sabi nito habang hinahaplos ang aking pisngi.
"How about you? Are you mad when Brent kissed me?" tiningala ko siya at agad na nagsalubong ang kilay nito
"Very, very mad! Nakita ko pa lang na sumasayaw kang kasama siya gusto ko nang magwala lalo na nang halikan ka niya. I want to punch him so bad pero nang gagawin ko na you said the words that made me the happiest man alive"
"And what are those?" nagtataka kong sabi sa kanya
"I love Brix very much! Only him!" proud nitong sabi. Brix stared at me before he looked down on my lips.
"And I love you too so much, Laina. You owned every part of me at hindi ako magsasawang sabihin sayo that you are my only prized possesssion and no one will take you away from me" sabi nito bago tawirin ang pagitan ng aming mga labi.
I closed my eyes and gladly welcome his kisses. Ngayon, nawala ang isang bagay na nagpapahirap sa aking puso at napalitan iyon ng saya. Napalitan iyon ng kagihawaan nang malaman that Brix only loves me. That he changed for me and that made me happier.
"I love you baby" sabi nito sa gitna ng aming halikan. I pulled his nape to kiss him more
"And I love you too" I replied as I deepen our kisses.
Thank you for not letting me run away baby.....