"You have to come home, Laina. Jez is awake and we are going to surprise Kuya Frost" sabi ni Catalina habang busy sa paghahabol kay Autumn at Spring.
Hindi ko mapigilang matawa nang makitang nauubos na ang pasensya nito sa dalawa.
"Stop running twins! Mama Catalina si getting tired na" pagalit ni Winter sa kambal dahilan para bumagal ang takbo ng dalawa.
"Hindi talaga ako mag aanak. Sa mga pamangkin pa lang quota na ako" hinaing ng kakambal ko.
"Mama Cat" sumilip ang three years old kong anak sa screen dahilan para magningning ang mata ni Catalina.
"There's my baby Sky. Come home na baby. Miss na ikaw ni Mama Cat" pang uuto nito sa anak ko. Sky eyes suddenly went to me
"Let's go home na Mama, please please" natawa ako kung paano ito mag puppy eyes sa harapan ko. I cupped both of his cheeks at pinagtagpo ang aming mga ilong.
"Yes, yes baby. We're going home na" sabi ko dito dahilan para magtatalon ito.
"Is Dada Brent coming with us?" sakto namang paglabas ni Brent galing sa kusina. Pinanood ko kung paano tumakbo si Sky papunta kay Brent at binuhat siya nito at inikot ikot dahilan para malakas itong tumawa.
"Come with us Dada" pagyaya nito.
Lumapit si Brent sa akin at tumabi.
"Susunod na lang siguro ako. Medyo busy sa trabaho eh. Mama will be there for you naman eh. Are you going to miss Dada?" tanong nito sa anak ko.
"Super Dada" sabi nito at hinalikan si Brent sa pisngi. "I'm gonna fix my things na Mama" excited na sabi nito at tumakbo papunta sa kwarto niya.
"He's growing too fast" komento ko at inihilig ko ang aking ulo sa balikat ni Brent. Naramdaman kong pinatakan nito ng halik ang aking ulo.
"Are you ready about coming home? Ipapakilala mo na ba siya kay Brix?" napabuntong hininga ako sa sinabi ni Brent.
"I don't know. Siguro I'll cross the bridge when I get there" sabi ko dito at yumakap sa kanyang beywang.
"Stop being clingy, Laina! Kaya ka pinagseselosan ng mga girlfriend ko eh" reklamo nito sa akin.
"Yakap lang eh damot mo! Sabihin mo mas maganda kasi ako sa mga ex mo kaya ako pinagseselosan" biro ko dito dahilan para matawa siya.
Si Brent ang naging katuwang ko simula nang isilang ko si Sky. Siya ang kapalitan ko sa pagpupuyat tuwing gabi at madaling araw. He became the father of Sky for three years. Sobrang laki ng pasasalamat ko sa kanya. He did confessed once na gusto niya ako but we both know kung hanggang saan lang ang kaya kong ibigay sa kanya. He knew kung sino talaga ang nagmamaya ari sa akin. Our love for each other became platonic. Nakahanap din siya ng mga girlfriends niya kaso hindi naman nagtatagal.
"Dada, promise you'll follow ha" malungkot na sabi ni Sky habang mahigpit ang yakap kay Brent.
"Yes baby Sky. Dada will surely miss you kaya susunod ako dun. Go to Mama na" binigay sa akin ni Brent si Sky. Nagsimula namang umiyak si Sky nang humiwalay sa Dada niya.
"You better keep your promise, Brent. Kung hindi dalawa kaming magtatampo sayo ng anak ko" pananakot ko dito.
Tumawa lang ito bago ako halikan sa ulo at tuluyan nang papasukin sa loob ng airport.
Hindi mapakali si Sky sa upuan niya. First time niyang nakasakay sa eroplano dahil ngayon pa lang kami uuwi.
"Mama, will I see Papa na?" nagulat ako sa tanong nito. "I wanna see him na cause I want to be a good swimmer po like him" excited nitong sabi. Marahan kong hinaplos ang mukha ni Sky at ngumiti dito.
"Let's see baby ha kapag nahanap siya ni Mama then I'll introduce you to him"
"Yehey!" pumalakpak si Sky nang marinig ang sinabi ko dito. Sky knew his Papa. May mga guhit ako kay Brix na siyang pinapakita ko sa aming anak. Nung pinagbubuntis ko kasi si Sky, I am also craving for Brix's presence at tanging pagguhit lang ang nagawa ko para punan ang pangungulila ko sa kanya.
Nakatulog ako habang nasa byahe at ganun na lang ang takot ko nang makitang wala si Sky sa upuan niya. Napatayo agad ako. Agad akong tumakbo sa restroom at nakita kong occupied yun.
Please, be inside Sky!
Mula sa occupied ay lumipat sa vacant ang nakalagay sa pintuan ng CR. Nakangiti si Sky habang palabas sa CR.
Napaupo ako at mahigpit ko siyang niyakap. Sobra sobra ang kaba ng dibdib ko dahil sa pansamantala nitong pagkawala.
"Baby, don't do that again! You scared Mama!" pagalit ko dito pero nginitian lang ako nito.
"Mama, I found Papa na" nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Napaangat ako ng tingin sa lalaking nasa likuran ni Sky na hindi ko napansin kanina dahil masyado akong naka focus sa anak ko.
Tila nanigas ang buo kong katawan nang makita si Brix na nakatayo sa likuran ng anak namin. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat. Naglipat lipat ang tingin niya sa akin at kay Sky.
Mabilis akong tumayo at binuhat ang anak ko. Itinago ko agad ang mukha nito sa aking balikat.
"Aahh, Sorry. He calls every male person Papa. Pasensya na at salamat na din sa pagsama sa anak ko" mabilis akong tumalikod pero para akong kinuryente nang maramdaman ko ang palad ni Brix sa aking braso.
"Laina" mahina nitong tawag sa aking pangalan pero hindi ko na siya nilingon. Binawi ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at mabilis na naglakad sa upuan namin.
Inilapag ko si Sky sa upuan nito. Nakita kong malungkot ang mukha nito.
"Mama, it's Papa right? I'm sure it's Papa" naluluha nitong sabi. Agad akong naawa sa mukha ng aking anak kaya naman niyakap ko siya.
"Sky, it's not Papa. Okay?" pagsisinungaling ko dito.
"You're lying Mama. It's Papa! I'm sure of it. It's Papa! It's Papa" lumakas ang boses ng aking anak marahil dahil sa frustration sa pagsisinungaling ko.
"Baby, listen to Mama. I'll talk to Papa first and when everything is okay, I'll let you two meet" mahinahon kong sabi dito.
Nagulat ako nang malakas na umiyak si Sky.
"I want Papa, Mama! I want Papa! I miss him so bad! I've been waiting for him! I want Papa! Paaaaapaaaa" malakas nitong iyak. Nakita ko ang paglingon sa amin ng ibang pasahero. Alanganin akong napangiti sa kanila. Kinuha ko ang aking anak at inupo ko sa aking kandungan. Paulit ulit ko tong pinatahan pero patagal nang patagal ay lalong lumalakas ang sigaw nito.
"Paaaapaaaaa!! I waaaannnntt my Paaapaaaa" nangilid na ang luha ko dahil maging ako ay nasasaktan para sa anak ko. Matagal na siyang nangungulila sa ama at ngayon nandito na ay hindi ko naman siya maipakilala.
"Paaaaapaaaaa!! I waaaannnt Papaaaa" iyak nito nang malakas. Napapikit ako at mahigpit na yinakap si Sky habang paulit ulit na hinaplos ang kanyang ulo.
Nagulat ako nang bigla itong tumahimik kaya naman napamulat ako nang aking mata. Nanlaki ang mata ko nang makita si Brix na nakatayo sa harapan namin.
"Let me have him, Laina" seryoso nitong sabi pero mabilis kong iniwas ang anak ko sa kanya.
"Paaapaaaa" muling iyak nito
"Sky, calm down" saway ko dito.
"Paaapaaaaaa"
"Laina, you're distrubing everyone. Let me have Sky. I'll sit beside you hindi ko ilalayo. Now, let me have your son" may inis na sa boses nito.
Napatingin ako sa ibang pasahero na halatang iritado na sa ingay na ginagawa ng aking anak. Mabilis na inangat ni Sky ang kanyang dalawang braso nang pakawalan ko siya sa aking yakap.
Kinuha naman siya ni Brix. Agad na pinulupot ni Sky ang maliliit niyang braso sa leeg ng ama.
"Papa" humihikbi nitong sabi habang nakatitig sa mata ng ama.
Triple ang kaba ng puso ko dahil sa tagpong nasa harapan ko. Kilalang kilala ni Sky ang ama niya samantalang walang alam si Brix kung sino ba ang batang nasa harapan niya. Napasuklay ako sa aking buhok dahil sa nangyayari.
This is too soon. I am not prepared!