Naging malapit kami ni Brix sa mga nagdaang buwan. He also started to court me.
"Nasa baba na ako" message nito sa akin. Nakangiti akong bumaba at nakita kong kausap niya sila Mommy and Daddy.
"Ang tagal mong kumilos, Laina. Kanina pa dito si Brix" sabi ni Mommy. I kissed both of them ni Daddy.
"Maaga lang talaga siya pumunta Mommy" palusot ko dito.
"Sus, lagi ka talagang matagal kumilos" sabi ni Daddy at hinalikan ang aking ulo.
Nakita ko namang nakangiti kaming pinapanood ni Brix."We'll go ahead. Bye" pagpapaalam ko sa magulang ko. Hinatid nila kami ng tingin ni Brix.
Dumiretso ako sa shotgun seat at agad na gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makita ang nakalagay na stem of tulip sa aking upuan.
"Naks, sweet yarn" pang aasar ko kay Brix na ikinangiti nito. Kinuha ko yun at inamoy bago sumakay sa sasakyan.
Nag aayos ako ng seatbelt nang maramdaman ko ang mainit na hininga ni Brix sa aking tenga.
"How about my good morning kiss?" nagulat ako sa presensya nito kaya naman napalingon ako sa kanya. Nanlaki ang mata ko nang makita ang lapit ng aming mga mukha. Napakurap ako ng dalawang beses at napalunok.
Lalong nanlaki ang mata ko nang dalawang beses patakan ni Brix ng halik ang aking labi bago siya bumalik sa upuan niya at i start ang sasakyan.
"It's really a good morning" ang laki laki ng ngiti nito sa kanyang kabi. Hinampas ko ang braso niya dahil sa ginawa niya.
"No more kisses for you from now on" inis kong sabi sa kanya.
"At kanino mo balak ibigay yang halik mo kung hindi sa akin?" tanong nito at sumusulyap sa akin habang nag mamaneho.
"Sa future boyfriend ko" masungit kong sabi sa kanya.
"And that would be me, Salvador" natawa ako sa sinabi nito.
"How sure you are?"
"101 percent. I own you Laina" nakangiti nitong sabi na nagpasimangot sa akin dahil alam kong tama siya. He already owned me. Simula nang nanligaw siya ay hinayaan ko na siyang bakuran ako sa mga lalaking gustong pumorma sa akin. Everyone knows that the great Montefalco is courting me.
"Be my girlfriend" sabi nito sa akin. Tinignan ko siya at seryoso itong nakatingin sa daan. "Laina, I want you to be my girlfriend" ulit nito pero hindi ako sumagot. Napangiti ako dahil may plano na ako kung paano siya sasagutin.
Tumingin ako sa labas ng kotse niya at hindi siya pinansin hanggang makarating kami sa school. Nauna siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Maglalakad na sana ako ng hilahin niya ako pabalik at isandal sa kotse niya.
"Are you mad because I stole a kiss from you?" malungkot nitong tanong sa akin "Fine. It won't happen again just don't leave na hindi ako pinapansin" sabi nito at hinaplos ang pisngi ko.
Nakaramdam agad ako ng awa dito pero kailangan kong tiisin siya ngayong araw.
"Laina, I have a big game today. Please, I can't focus sa game kung ganito ka sa akin ngayon" nagulat ako ng yakapin ako nito at parang bata na isiniksik ang ulo sa aking leeg.