Chapter 1

20 5 0
                                    


•NAMARIH POV•

Dito ba talaga ang magiging room ko? It's kinda creepy and scary mula sa labas ng room ay rinig na rinig ko parin ang mga malalakas na ingay, tawanan at parang mga natatapon na bagay. May narinig din akong isang tili at tawa ng babae.

Napahigpit ang hawak ko sa sched ko, nakasuot lang ako ng isang pantalon at malaking tshirt, nakapusod din ang buhok ko. Hindi ako mahilig mag ayos ng sarili kaya Wala akong kahit na anong make up, tinagurian nga akong "manang" sa dati kong school, napahinga ulit ako ng malalim.

Unti-unti kung inilapit ang kamay ko sa doorknob ng pintuan, sigurado akong Wala pang professor kasi sobrang ingay nila, maliban pa doon ramdam ko ang mga habol ng tingin ng ibang estudyante sa mga naunang room, Ewan ko ba sa kanila at ang iba'y nagkakandahaba pa ang ulo kakasilip sakin Mula sa bintana.

Ng mahawakan na ng kamay ko ang doorknob ay dahan dahan ko itong pinihit hanggang sa naglakas loob na akong buksan Ito para makapasok na ako. Gayon nalang ang pag kagulat ko ng may tumamang binilog na papel sa noo ko.

Inangat ko ang tingin ko at Wala ngang nakapansin sa akin, sobrang ingay.

May mga nagtatakbuhan, may nagtatapunan ng binilog na papel na pati ako ay nadamay, mayroong ding mga nag susuntukan kunwari at nagbubuhat ng upuan tsaka ihahampas sa Isa. D*mn this room is a mess. Sa nakikita ko ay lahat nga sila ay purong mga lalaki, napalunok ako lalo na ng masulyapan ko na parang ang tatapang nila at basagulero based na din sa kilos nila. Mabilis akong napagilid ng muntikan na Naman akong matamaan ng binilog na papel.

Inilibot ko ang paningin ko, hindi ko ata kakayaning pumasok. Pero gayon nalang ang lakas ng loob ko ng Makita ko Ang babae sa kabilang gilid na nagtatawanan at humahampas sa lamesa habang nakatingin sa mga lalaking may sari-sariling mundo. Maganda sya at mukhang mataray pero ayukong manghusga pasalamat nga ako at hindi ako nag iisang babae.

"T*ngina mo g*go!"

"Bwis*t ka!"

"Ito sayo, k*ingina mo! Akala mo Hindi masakit!"

"Princess matamaan ka nitong papansin nato ah, tabi ka."

"Whattt guyss so noisyy nahh!,"

Mga naririnig ko sa kanila, Napalunok ako nakatagal sya dito sa room at section na ito?

Sinubukan Kong pumasok pero kusang umaatras ang paa ko. Hindi pa din nila ako napapansin.

Lakas loob na Sana akong hahakbang ng bigla may tumama sa akin.

"Arayy sh*t!" Daing ko ng may tumamang maliit na bato sa noo ko.

Hinimas himas ko pa Ito, at muli akong Napa angat NG tingin Doon nalang ang kaba ko ng lahat ng kanilang mata ay nakatutok na sakin, sobrang seryuso, madidiin at nakakatakot, nanginig ang tuhod ko. Sila ba to? Sila ba itong mga magugulo kanina? Bat parang iba, para nila akong papatayin.

"A-ahh h-hel—"

"Who are you?!" Napatigil ako sa pagsasalita ng Biglang may isang pumigil sakin, anlamig ng boses niya ay ang mas nakapagpadagdag ng kaba ko.

"D-dito a-ang r-room ko.." Nauutal Kong Saad.

Mas dumilin naman ang mga mukha nila. Hindi ko maiwasang kabahan.

Hanggang sa may nagsalita.

"Kung ako sayo umalis kana, hindi mo gugustuhin ang maparito," napatingin Naman ako sa Biglang nagsabi nun.

Sya yung babae. Napangiti naman ako sa kanya.
"D-dito daw ang room ko s-sabi ni Dean," kinakabahan ko pa ding sabi.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi niya? Ano ka? Bingi." Napayuko naman ako sa narinig Kong sinabi ng isang Lalaki, blue ang buhok niya at gwapo sya pero parang masama ang ugali.

Bakit naman ako aalis? Napasimangot ako, dito nga daw ang room ko eh.

"Yeah, shut the h*ll up and leave this room." Rinig Kong Sabi ng isang Lalaki naman na blonde ang buhok. Gwapo din sya pero parang kagaya nung una, parang masama din ang ugali.

Ayuko Naman ding manghusga.

"T-transferee po k-kasi ako a-at dito d-daw an—"

"We already told you to leave, right? Are you really deaf?" Rinig ko ulit na Sabi ng kulay blue ang buhok.

"Oyy pre wag kayong harsh Kay binibini, pwedeng chicks Yan!" Energetic na sabi nung nasa gilid, plain Lang na itim ang buhok niya. Napangiwi naman ako, hindi naman ako sisiw eh.

Mukhang ayaw talaga nilang dito ako kasi sobrang sama at bigat ng mga tingin nila sakin.

"Ahh hehe s-sige papasok ah," Sabi ko at tuloy-tuloy na pumasok, not minding their killer looks.

Dumiretso ako sa pinaka dulo na alam Kong walang nakaupo, pero papalapit na sana ako doon ng bigla akong napaluhod dahil may tumama sa likod ko at yun nalang ang pagkagulat at pagdaing ko ng malamang upuan Yun. Sh*t Mabuti nalang talaga at hindi bakal na upuan yung tinapon ng kung sino man sa kanila.

Pinikit ko naman Ang Mata ko, sigurado akong papasa Yung likod ko, tengteng nila ansakit, inaano ko ba sila?

"Sabing umalis ka dito!" Rinig kong sigaw nila ulit kasabay na noon ang pagsigaw din ng iba na umalis na ako.

Pinilit kong tumayo, hindi man lang ako tinulungan nung babae, nakatingin lang sya sa akin habang parang itinatago sya ng mga lalaki sa likuran nila at parang proprotektahan mula sa akin.

Ng makatayo ako ay pinagpagan ko ang tuhod ko, binabalewala Ang sakit ng likod ko. Naman.....naiiyak ako sa sakit pero hindi Malakas kaya ako.

"Sino nagbato sakin ng upuan?." Napatigil naman sila sa pagsisigaw na umalis na ako ng nagsalita ako. Pinilit kong itago ang mga emosyon na nasa akin ngayon dahil baka sabihin nilang mahina ako at maya maya ay bakal na upuan na talaga ang itapon nila sakin.

"Dito nga daw ang room ko, bat ba Kayo nangingialam sakin?!" Pigil utal Kong Saad.

Mas sumama Ang tingin nila sakin dahil sa inasta ko.

Patay...

"Who give you the rights to enter this room and talk to us like that? You I'd*ot." Rinig kong Saad ng naka blonde ang buhok.

Napaatras naman ako ng Makita kong kinuha nila mula sa sahig ang mga binilog na papel at humarap sa akin.

Naku patay na talaga Namarih.

_
A/n: First story, hoping for your support. Love-lots

Evil or InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon