Pagdating sa room ay halos nandoon na lahat pero napansin kong wala si Thea. Masama ang tingin nilang lahat sa aming dalawa ni Mark, maliban nalang kina Geo, Paulo at Sen na nasa harap ang tingin. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Mark na hanggang ngayon ay nakahawak kamay padin pala sa kanya."Wala silang ginawa, let's go." Rinig kong bulong niya mula sa likuran ko.
Bahagya kong inangat ang sarili ko para maabot ko ang tenga niya. "Paano mo nasabi?"
Nginitian niya ako kaya nakita ko na naman ang dimples niya. Huhu ang cute!
"Just trust me, c'mon." Nauna na siyang maglakad habang hila ang kamay ko, ng makadaan kami sa harap nila ay pakiramdam ko katapusan ko na dahil nakakamatay ang mga tingin nila. Napansin ko pa ang pagtingin sa amin ni Sen pero hindi ko alam kong sa akin ba o sa kamay kong nakahawak kay Mark.
Umupo ako sa upuan ko, wala ng masasamang tingin ang nakatingin sa amin, dahil nasa likod nila kami at hindi sumunod ang mga mata nila sa amin. Sigurado akong alam nila na kami ang may gawa nun sa kanila, alam ko ding kung walang may pumipigil sa kanila ay siguradong malalagot kami ngayon ng katabi ko. At alam kong ang pumipigil sa kanila na gumawa ng kung ano sa amin ay si Sen. Kung tama man ang iniisip ko ay nagpapasalamat ako sa kanya dahil sumunod siya sa usapan. Hehehe makakaplano pa kami ng maayos ni Mark kasi mas lamang padin kami.
Maya-maya ay nagbell na at pumasok si Sir, pinasada niya ang tingin sa aming lahat at natigil ito sa akin. Huhu, ang gwapo pa naman ni Sir baka gawin ko siyang asawa ko pag malandi ako. Mwhehehe, pero baka ipapatay niya ako kapag ka nalaman niyang nadamay yung kapatid niyang si Drey sa ginawa ko. Halos lahat sila ay nakajacket na nakatakip sa Polo shirt nila.
Walang nag ingay sa amin, hindi talaga dumating si Thea, hehe siguro nahihiya siya sa nangyari sa kanya baka may kati pa din siya ngayon kasi extra dami yung nilagay ko sa kanya eh.
"Stop smiling, you're weird. Makinig ka." Napanguso ako kay Mark.
Inabot ko ang braso niya at isinukbit ko ang kamay ko doon, hindi naman siya nagreklamo.
Natapos ang klase ni Sir at sumunod ang ibang professor, ganun din ang P.E teacher namin kanina, nangamusta pa siya pero mukhang napahiya lang siya dahil walang sumasagot sa mga tanong niya.
Dumating ang lunch break at isa-isang lumabas ang mga kaklase namin.
"May pupuntahan ako." Napalingon ako kay Mark.
"Saan? Sasama ako." Agaran kong sabi.
"You can't, kailangan kong pakiusapan yung isang subject ko para mabawi ko yung grades ko." Sagot niya sa akin, habang inaayos ang bag.
Napatingin ako sa paligid, maiiwan akong mag-isa dito. Paano kung dumating sila bigla at ako lang mag-sa?!
"Namarih, I'll bring you to the cafeteria, kumain ka dun, pupuntahan kita pagkatapos ko." Napilitan nalang akong tumango sa sinabi niya.
"Eh ikaw, hindi ka kakain?" Tanong ko.
"Kakain ako pagbalik ko, just wait me there. Understand?"
Mabilis akong umuo sa kanya, isinukbit ko ang bag ko at ganun din siya. Dinala niya ako sa cafeteria at agad din siyang umalis ng nakaorder na ako at nakaupo sa isang pwesto sa gilid.Naiwan na akong mag isa. Luminga linga ako baka sakaling makahanap ako ng isang kaibigan pa pero halos lahat sila ay walang pakealam sa paligid at may kanya-kanyang kausap at ginagawa. Hinanap din ng mata ko ang Section D pero wala sila doon. Saan kaya sila kumakain?
Tiningnan ko ang kinakain ko, ng malapit ko na itong maubos ay mabilis akong umalis at naisipang pumunta sa roof top, babalik din ako agad dahil baka dumating na si Mark doon. Gusto ko lang tingnan kasi sabi nila maganda daw yung view kapag nasa rooftop ka. Hindi pa kasi ako nakaka akyat sa rooftop kasi takot ako sa matataas pero siguro ngayon hindi na.
BINABASA MO ANG
Evil or Innocent
Mystery / Thriller❗️❗️❗️❗️❗️❗️❗️❗️ 𝙎𝙔𝙉𝙊𝙋𝙎𝙄𝙎 "M-maam bakit po ako sa panghuling section? Matataas naman po ang grado ko," Tanong ko sa teacher na naghahatid sakin sa Room ng bago kong school na nilipatan. I heard her sigh. "I don't know too lady, but based on...