Natapos ko ang paglista ng pangalan nila dahil na din sa dinalian ko dahil kaunting oras nalang magququiz na si Sir, kahit wala akong notes ay sisikapin ko pading makasagot, syempre mabuting mag-aaral ako no.⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀
Bago ko ibinigay kay Sir ay tiningnan ko muna ang papel, 24 ang sila lahat plus ako kaya 25 na.⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀
•Name List•1. Ream Martinez.
2. Denver Motto.
3. Zander Honde.
4. Paulo Dejas.
5. Justin Gustavo.
6. Blake Palma.
7. Oliver Santos.
8. Jose Sadejas.
9. Drey Guevarro —ito yung nisira loptop ni Sir.
10. Hanbe Trese.
11. Luke Wenair —ito naman yung si Blue hair.
12. Duke Wenair— ito naman yung blonde hair. Magkapatid ata sila ni Luke eh, panget din ugali.
13. Samuel Gozon.
14. Ashton Ford.
15. Manuel Elijah.
16. Seran Dake Aviola.
17. Althea Veronika Quentilla.
18. Venven Luhestro.
19. Marknell Lumambong.
20. Reymart Alvarez.
21. Dexter Gumabao.
22. Vendreczk Evrhana.
23. Wakey Javier.
24. Geo Daniel Funtavilla. —ang ganda ng name ni Geo, napahagikhik ako.
At syempre ang magandang pangalan ko!.25. Namarih Jessica Gudeon.
⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀Pagkatapos ko itong tingnan ay inabot ko na ito kay Sir at pisalamatan niya naman ako, namula pa ako kasi ang cute cute pala ni Sir ngumuti, hihihi.
"3minutes left, balik kana sa upuan mo Namarih." Napatango naman ako at sumalisi na papunta sa likod na upuan ko.
Naglabas ako ng papel at pasimpleng napatingin kay Geo na nakatingin sakin, nagtataka siguro kasi hindi na ako bumalik sa tabi niya.
Hinayaan ko nalang din siya dahil magququiz na kami.
Napangiti ako, tiningnan ko ang braso kong natatakpan ng mahabang manggas ng jacket.
Hindi nila ako nasaktan ngayon at kung may balak man sila, maghahanda ako!
"Itago niyo na ang notes niyo, Number one!"
Agad akong napaayos ng upo, ganun din ang ginawa ng iba, infairness naman sa kanila kasi nag aaral pa din naman sila ng mabuti lalo na kay Sir, pero ewan ko lang sa ibang teacher kasi umuwi na ako agad kahapon galing clinic.
Binigkas lang ni Sir ang mga tanong niya masyado pa akong nahirapan dahil wala akong notes sa mga ibang topic nila, mabuti nalang at may alam ako sa science.
After ng ilang minuto na pagpapaquiz ni Sir ng 20 items ay inutusan niya na kaming ipasa ito, pinauna ko muna silang lahat bago ako tumayo at pinasa na din ang papel ko. Nangilabot ako sa nakita kong pagsunod ng tingin sa akin ni Sen.
NG makaupo ako ay sakto namang nagsalita si Sir.
"Ang ichecheck niyong papel ay hindi sa inyo.." hinati nito ang mga papel at nirumble tsaka ito isa-isang binigay sa amin. "Check it properly and write Corrected by." Inabot niya sa akin ang papel na iche-check ko at bumalik na agad siya sa harap.
Napanguso ako sana sa matino napunta yung papel ko, kanya-kanyang bulungan ang naririnig ko dahil hinahanap nila kung kanino daw ang papel nila napunta.
Tahimik ko nalang na tiningnan ang papel na hawak ko at ganun nalang ang panlalaki ng mata ko na number one at nine lang ang may sagot! Ang ibang number ay blangko na talaga.
"Hala! Walang sagot?" Mahina kong bulalas, agad kong tiningnan ang pangalang nakalagay sa itaas.
⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀
"Marknell Lumambong..." mahina kong bigkas sa pangalan niya.
⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀

BINABASA MO ANG
Evil or Innocent
Misterio / Suspenso❗️❗️❗️❗️❗️❗️❗️❗️ 𝙎𝙔𝙉𝙊𝙋𝙎𝙄𝙎 "M-maam bakit po ako sa panghuling section? Matataas naman po ang grado ko," Tanong ko sa teacher na naghahatid sakin sa Room ng bago kong school na nilipatan. I heard her sigh. "I don't know too lady, but based on...