Chapter 30

5 1 0
                                    


Umupo na kami sa upuan namin at hindi na sila nilingon pa. Palihim akong napangiti dahil naiisip ko na natakot sila sa amin. Mwhehehe.

"Masakit?" napatingin ako kay Mark.

"Huh? Yung ano?" tinuro niya ang pisnge ko kaya napatingin ako kay Thea na nakalingkis na naman kay Sen.

"Medyo hehe." alanganing sagot ko dahil pumasok na nga ang teacher namin. Saan kaya siya galing at mukhang hagard na hagard pa siya.

"Good afternoon class, I'm sorry I'm late." saad nito at umupo sa upuang nasa harap. Walang sumagot sa kanya kahit na isa pero hindi niya lang ito pinansin. Ganyan naman talaga sila dito. Huhu.

"Wala akong ikaklase ngayon pero kailangan niyong maghanap ng partner para sa activity natin." saad nito.

"At siguro naman okay na kayo? Karma niyo yan." Wala pa ding sumasagot sa kanya.

Wala nga si Geo sa upuan niya, mamaya babalikan ko siya doon. Dahil nasa likod nga nila kami nakaupo ay alam na alam ko at kitang kita ko ang mga galit at seryusong pagmumukha nila. HAHAHHA mga pikon!

"Stop smiling." sita naman nitong katabi ko.

Napanguso nalang ako, cute naman ako kapag nakasmile eh!   * . *

"Kung wala ka naman palang ikaklase, umalis ka nalang."

"Yeah, asa ka pang gagawin namin activity mo!"

Nagulat ako sa sinabi nung dalawang lalaki na nasa unahan namin, kilala ko ito eh sila si Wakey at Vendreczk. Parehong may hikaw sa tenga tapos ang badoy pa kasi yung medyas nila magkaibang kulay tapos yung isa mahaba at yung isa naman maliit.

"Alam kong sasabihin niyo yan...but you don't have any choice. Kailangan ito para makapasa kayo next school year." Sagot ng teacher na parang balewala lang sa kanya ang sinabi noong dalawa niyang estudyanteng mukhang clown sa birthday party.

At tsaka malayo pa naman ang next school year ah!

"With you partner, kailangan niyong...." kinuha nito ang calculator niya na nakalagay sa dala dala niyang bag. "paganahin itong calculator sa pamamagitan lang ng isang pirasong apple. But of course kukunan ko ang mga calculator niyo ng battery." saad nito.

Astig! Pwede pala yun?

"Mark pwede ba yun?!" Tanong ko sa katabi ko habang kinukulbit ko ang damit niya.

Humarap naman siya saakin. "Yeah, pinag-aralan namin yan." tumango tango ako sa sagot niya.

Hehe, madali lang pala kasi sure naman ako na alam yun ni Mark. Partner kami eh.

"So...hiniram ko ang mga oras niyo sa iba pang susunod na subject....ngayon niyo na ito gagawin." salita niya. "Kailangan niyo itong tapusin ngayon agad kung ayaw niyong mabagsak. Napag-aralan niyo na ito kaya gawin niyo ng maayos!" napangiwi ako ng tumaas yung boses niya.

Huhu para siyang sa Wanda and the Alien.

Tahimik pa din kami pero pansin kong natuon ang atensyon nila doon sa mga calculator na inilabas na ni Teacher. Hala! Andami niyang dala! Kinunan niya din ito isa isa ng battery.

"Maging maayos muna kayo ngayon dahil this one is the most important activity para sa sem na Ito." kalaunang saad niya. May wire din siya na nilabas at isang plastic ng apple.

Napakamot ako sa ulo ko. Andami niya namang dala. Gusto ko sanang itanong kong kinuha niya ba ang bag ni Dora eh.

"And no...I'm the one who's gonna choose your partner." nilabas ulit nito sa bag niya ang isang notebook. Hala! Paano pala kung iba maka partner ko, huhu.

Evil or InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon