KINABUKASAN ay patuloy ko pading kinukulit si Dad. Kasi naman ehh! Ayaw ko ng bumalik doon hindi pa nga magaling ang mga sugat ko."Nope Namarih, halika na at ako ang maghahatid sayo." Napalaki naman ang mata ko.
"Hala! Hala! Wag na Daddy!" Hindi ko napigilang reaksyon.
Napataas naman ang kilay niya. "And why?" A-ah ehh ano namang sasabihin ko?
"Kasi daddy may nangbubully dun sakin!" Sagot ko nalang sa kanya, ayuko ngang sabihin yung totoong reason kasi ayuko na magalit sila.
Nope! Nope! Nope! I will not let that happened!.
"Anong ginagawa nila sayo anak?" Dad asked tapos hinawakan niya ako sa buhok ko. I giggled.
Kakatapos lang namin magbreakfast at papasukin na naman niya ako sa school. Hmp!
"They say masasakit na words sa akin Dad! And then ayun!" Napailing naman siya.
Hinaplos niya yung buhok ko. "If that happened again, tell us immediately, okay?" Nanlaki naman ang mata ko.
"Ililipat niyo na po ba ako kapag ganoon Daddy?!" Masayang saad ko ngunit napanguso ako ng bigla siyang umiling.
"I won't, Wala ka ng papasukan kong ganoon, kakausapin ko sila mismo." Saad nalang niya.
"Abah! Hindi pa kayo umaalis! Honey malalate na yang si Namarih!" Napanguso nalang ako lalo kapag umangat ang tingin ko para tingnan si Dad.
He mouthed let's go, kaya wala akong nagawa kundi ang kunin ang bag ko at binitbit.
Ilang minuto lang ay nasa harap na ako ng gate ng SERAN UNIVERSITY. Napabuntong hininga ako. Eeehh alam ko magagalit sila sa akin at mas lalo nila akong kaaawain nito. But ayaw ko naman suwayin sila Daddy!.
Oh no! Nasa trouble ka Namarih!
Pinagbuksan ako ni Dad ng pinto. Hinaplos niya ulit ang buhok ko. "My daughter, don't ever forget to control your self, understand?" Napatango tango naman ako.
"Aye aye captain!" Napangiti naman si Dad tsaka tuluyan ng umalis.
Napahawak naman ako sa baba ko at tumingin sa taas.
"Hmm what should I do?" Mahinang saad ko and wow! Napapaenglish na ako ah.
"Ahihihi I'm improvement!" Proud ko na saad sa sarili ko.
20minutes nalang at 8pm na wala pa naman akong dalang cellphone tanging bag at relo Lang, dala ko din yung baunan ni Geo at yung Tumblr ni Paulo.
Napakamot ako sa ulo ko. Nalilito ako sa kanila! Pero parehas lang naman silang animal! Joke lang.
"Hi manong guard! Musta?" Siga kong saad sa guard.
"Abah! Okay naman ako ineng, mukhang masaya ah?" Napakamot naman ako sa kilay ko.
Masaya? Oo nga eh masaya talaga ako lalo na mamaya.
"Oho eh..ehh may dumaan naba dito na taga Section D? Alam niyo po ba iyon?" Aba! Nakuha ko pa talagang magtanong kahit na ako nalang ata ang estudyante sa labas.
"Abah! Oo ineng sino ba naman ang hindi makakakilala sa seksyon na iyon." Naiiling na saad niya.
"May dumaan na ineng halos lahat nga ata eh pati iyong babae." Napapatango tango naman ako.
"Ganun ba Manong guard? Ahihihi," mahinang saad ko.
"Abay! Pasok na ineng halos ikaw nalang ang estudyante dito."
"Hindi po ako estudyante manong guard!" Taas noo kong saad.
"Abay, ano naman pala ineng, nako nako!" Natutuwa niyang saad.

BINABASA MO ANG
Evil or Innocent
Mystery / Thriller❗️❗️❗️❗️❗️❗️❗️❗️ 𝙎𝙔𝙉𝙊𝙋𝙎𝙄𝙎 "M-maam bakit po ako sa panghuling section? Matataas naman po ang grado ko," Tanong ko sa teacher na naghahatid sakin sa Room ng bago kong school na nilipatan. I heard her sigh. "I don't know too lady, but based on...