Ininda ang sakit na naupo ako sa aking upuan.
Ramdam mo pa din ang tingin nila sakin.Muling tumikhim si Prof at nagsulat sa pisara. Mukhang nasa 25 lang si Prof gwapo din siya ay misteso.
Aweyy Naman! Di man Lang nagpakilala pero based sa sched ko Science first subject ko so siguro science teacher sya. Nasa kanya na din ang tingin nung mga tukmol pero yung iba naman ay may kanya-kanyang mundo.
"Ouch." Mahina kong daing dahil sa biglang kumirot ang likod ko. Wala namang nakarinig sakin dahil ako lang mag isa dito sa likod pero napansin kong napabaling sa akin Yung bandang nasa unahan ko.
Inirapan ko nalang siya, as if naman mabait sya eh.
Maya-maya Lang ay tinawag ako ni Prof.
"Miss Jessi—"
"Namarih nalang po Sir masyado akong maganda pag Jessica." Pagpuputol ko sa kanya.
Napaubo naman siya, rinig ko din ang kunwaring pagsusuka ng mga nasa paligid ko. "O-okay, so what's the Matter?". Tanong ni Sir.
Napakunot noo naman ako.
"What's the Matter?" Ulit ko sa tanong niya.
"Yes, Miss Namarih what's the Matter." Nagtataka niyang saad.
Mahina naman akong tumikhim.
"Wala naman po Sir medyo masakit lang yung likod ko dahil may bumagsak na bagay sakin kanina, except for that Wala na naman po. Salamat sa concern Sir. " Nakangiti kong saad sabay upo ulit sa upuan ko.
Nagtaka naman ako ng biglang humalakhak ng napakalakas ang lalaking nasa harapan ko na bumaling sakin kanina. Napangiwi ako edi siya na masaya.
Kita ko din ang mapangutyang tingin ng iba sakin at panliliit may iba ding natatawa at pagtingin ko kay Sir nakatulala lang siya.
Bigla namang tumigil sa paghahalakhak ang lalaki at pasimpleng tumayo.
"Let me. Matter is anything the has mass and occupies space." Sabi niya ng natatawa at bumalik sa pagkakaupo.
Napakurap kurap naman ako ng may marealize ako. Bahagya ko pang tinakpan ang bibig ko.
"Very Good Mr. Dejas," Maya-mayang puna ni Sir ng makarecover. Dejas palang name nung lalaking sumagot kanina. Nakaramdam naman ako ng hiya. Matter pala Yun eh sa science.
"And you Miss Namarih I'm asking about "what is matter in science" not about you." Kalaunang saad ni Sir sa akin.
"Ehh malay ko Sir dapat kasi po ganito "What is Matter" hindi "What's the matter" ganun Sir." Pagtatanggol ko sa sarili ko.
Napailing na lamang siya at muling humarap sa pisara para muling magsulat.
"Tsk, kung kay Thea yun easy peasy lang." Rinig kong saad nung isa. Napairap naman ako.
It's not my false—i mean fault.
Matalino kaya ako lalo na sa Math. Hmp.
Hindi ko nalang sila pinansin dahil masakit talaga ang likod ko. Pagkauwing pagkauwi ko mamaya sasabihin ko kina Dad na ayaw ko dito.
Inilibot ko ang tingin ko at nakita kong nakatingin sakin yung lalaking sinabihan ako ng p*ste kanina.
Inirapan ko naman siya at humarap na sa pisara. Bahala sila dyan.
Habang nagsusulat ako sa notes ko dahil may pinakopya si Sir ay parang ayaw ko nalang din magsulat paano ba naman Kasi ako lang ata ang matino dito. Napasimangot ako hindi naman sila nagsusulat ng sinabi ni Sir.
Napailing ako at sumulyap kay Sir na nasa harapan tutok na tutok Ito sa kanyang loptop, binilisan ko ang pagsulat at makalipas ang ilang minuto ay natapos ko na Ito.
Mabuti nalang talaga at nasa likod ako at wala akong mga katabi dahil sigurado ako na kapag nasa harapan ako ng kung sino man sa kanila ay tiyak akong may gagawin silang mga kag*guhan sakin.
Hindi man lang sila kumukopya, may sariling mundo at hinahayaan lang ni Sir, at syempre hindi mawawala ang mga tingin sa akin na parang papatayin na ako, Hindi ko naman sila pinapakealaman, si Thea naman hindi rin nakikipagkwentuhan sya sa mga boys minsan din ay napapansin kong nagkukulitan sila nung katabi niyang sinabihan ako ng p*ste.
"Miss Namarih kindly answer this problem infront, I'll check it pag bumalik na ako," napasimangot naman ako ng ako na naman ang tinawag ni Sir, tiningnan ko ang problem na pinapasagot niya, napangiti ako dahil alam ko yung sagot doon, tumayo na ako ng makalabas siya.
Ngingiti ngiti pa akong pumunta sa harapan ng patalon talon dahil alam ko ang sagot sa tanong niya ng may biglang pumatid sakin dahilan ng pagkadapa ko sa harapan nila.
"HAHAHHAHA what a shame." Rinig kong tawa ni Thea.
Kumunot ang noo ko at tumayo haist mabuti nalang talaga at hindi ganun kasama ang pagkabagsak ko.
Hindi ko nalang iyon pinansin at dumiretso na sa harapan naririnig ko pa din ang ibang mga tawanan nila.
Ng makaharap na ako sa pisara ay nilingon ko pa muna sila at yung taong pumatid sakin kanina na hindi ko pinansin, hindi kasi ako pumapatol sa unggoy eh.
"Siguraduhin mong bukas wala kana dito, dahil mas pahihirapan ka namin," rinig kong saad nung pumatid sakin mismo.
Sinimangutan ko sya na kinaismid niya. Ang sabi pa naman ni Mommy kapag nagsimangot daw ako ay mukha daw akong Prinsesa ng mga pato.
"Oo, at isusumbong ko kayo dahil sa ginawa niyo sakin." Sagot ko sa kanya at pinasadahan silang lahat ng tingin.
Lahat sila ay nanlilisik ang mga matang nakatingin sakin kaya mas lalo akong sumimangot dahilan na naman para sumuka suka silang lahat ng tingnan ko si Thea ay parang nangingilabot Ito na nandidiri.
Nagflip hair ako at nagsalita. "Bakit sya—" Turo ko kay Thea. "Nirerespeto niyo tapos ako kahit kaunti hindi?" Tanong ko sa kanila.
Nakita kong umirap si Thea.
"Cause she's more worth it to our respect and she's our princess," napatingin naman ako sa lalaking nagsalita sya yung lalaking humalakhak kanina nung tinanong ako ni Sir.
"Of course they loved me duhh," kalaunang Saad ni Thea na sinang ayunan ng lahat. Ang swerte naman niya at hindi sya nakaranas na tapunan ng upuan kung ako kaya tumapon sa kanya para matry niya din kasi sayang yung experience eh.
"And why would we—respect you? Hindi ka nararapat dito samin at ayaw namin sa mga katulad mo, malandi tsk." Saad naman nung naka blonde ang buhok, ang epal talaga niya. Hmp, hindi naman ako malandi eh.
Napatingin ako sa lalaking katabi ni Thea madilim ang matang nakatingin lang siya sakin, silang lahat naman eh.
Inirapan ko nalang silang lahat at humarap na sa pisara para magsagot. Napahagikhik ako dahil madali lang ang tanong tungkol lang ito sa Microwaves, Visible spectrum at Gamma Rays.
Sinagutan ko naman agad Ito dahil baka bumalik na si Sir, ayaw ko din ng matagal na nakatayo dahil parang nauunat yung sakit sa likod ko.
Nasa kalagitnaan ako ng pagsasagot ng parang naramdaman ko ang mumunting bulungan sa likod ko, napakunot noo ako. Aha! Alam ko may plinaplano na naman sila sakin.
Pinatuloy ko lang ang pagsasagot ko hindi nila alam na nakikita ko sila sa salaming nasa mesa ni Sir sa gilid ko lang, nakatagilid ito kaya Kita ko sila. Napahagikhik ako.
_
a/n: ngayon lang nakapagUD mahina net talaga😢
BINABASA MO ANG
Evil or Innocent
Misteri / Thriller❗️❗️❗️❗️❗️❗️❗️❗️ 𝙎𝙔𝙉𝙊𝙋𝙎𝙄𝙎 "M-maam bakit po ako sa panghuling section? Matataas naman po ang grado ko," Tanong ko sa teacher na naghahatid sakin sa Room ng bago kong school na nilipatan. I heard her sigh. "I don't know too lady, but based on...