"Hindi nga yan lika dito." Sabay tapik ko ng paa ko sa kaharap lang na upuan.Dahan dahan at maingat siyang lumapit doon ilang beses pa siyang napaatras ng gumagalaw si Petonn mula sa pagkakahawak ko.
Ng tuluyan na siyang makaupo ay nangungusap ang mga matang tumingin siya sakin.
"Petonn siya si Marknell pero Mark nalang daw, mabait siya tapos hindi ka niya sasakyan kaya wag mo din siyang sasaktan, ayos ba?!" Kalaunang saad ko habang pilit inaayos siya ng pagkabuhat paharap kay Mark. " Kakampi natin siya, kasama ko siya na lalaban dun sa nga classnemies natin!"
Kinuha ko naman ang kamay ni Mark na mahigpit na nakakapit sa laylayan ng damit niya, napatawa pa ako ng malakas dahil sa nanlalamig at namamawis ito napatigil lang ako kalaunan ng sinamaan niya na ako ng tingin.
"W-what a-are you doing??" Kinakabahang saad niya at pilit binabawi ang kamay na nilalagay ko sa katawan ni petonn, pero hindi niya Ito mabawi dahil sa nilalakasan ko ang hawak.
"Kalma kasi para ka namang bekikong eh!" Agad kong inilapag ang kamay niya sa malamig na katawan ni petonn, rinig na rinig ko ang ilang mura niya.
"D*mn sht if that animal bites me, swear Namarih im gonna kill you!" Singhal niya habang nanginginig.
Takot ka lang eh, sus.
"Neeh di mo kaya tsaka hindi ka naman niya sasaktan." Sagot ko.
"Marknell ito naman si Petonn." Sabay ngiting tingin ko sa kanya. "Alaga ko siya mula nung baby pa siya, nung tinulungan ko siya sa isang malaking tuko na akmang kakainin na siya." Pagpapatuloy ko habang siya naman ay nakatingin lang sa nanlalamig pa din niyang kamay. "Tapos po inalagaan ko na siya, tinatago ko siya dito kasi ayaw ko din ng disgrasya at ayaw ng parents ko, pero maniwala ka sakin, hindi ka niya sasaktan basta wag mo din siyang sasaktan."
Malaki ang ngiting tumingin ako sa kanya. "H-he won't bite me?" Agad akong tumango sa kanya.
"Gusto ko kung paano mo ako pagkatiwalaan ay ganun ka din sa kanya," lumungkot ang mukha ko at inalis na ang kamay niya kay petonn. "Siya nalang yung libangan at napagkwekwentuhan ko eh kaya ayaw ko siyang mawala sakin." Tumingin ako ng nagsusumamo sa kanya. "Wag mo siyang ireport sa DSWD ah!"
"What?! DSWD? Are you serious?.."
"Oo naman, diba doon siya mapupunta pag may nagreport sa kanya." Nakanguso kong saad.
"Crazy hindi sa DSWD baka sa animal welfare act pa kamo!" Sagot niya.
"AY GANUN?" Nanghihinayang kong saad, akala ko naman sa DSWD.
"Hindi ka ba niya kinagat kahit minsan?" Nabawasan na ang pamumutla at pawis niya pero syempre halata pa din sa kanya na gusto niya ng umalis at kinakabahan pa din siya.
"Hindi, isda yung kinakain niya, ayun oh!" Sabay turo ng isang kamay ko sa kainan ni Petonn.
"Oh i see."
"Hawakan mo, dali lipat ko siya sayo!" Nakangiti ko na namang saad.
Gusto ko na siya yung kauna unahang tao na mapalagayan din ng loob ni petonn.
"W-wha—" hindi niya na natuloy ay sasabihin niya dahil si Petonn na mismo ang gumapang pakandungan niya.
Nawalan na naman ang kulay ang mukha niya na ikinatawa ko. "Wag ka magpanick!"
"Tingnan mo palagay loob niya sayo kasi nararamdaman niyang mabait ka at hindi ka nagcacause ng harm sa kanya!" Magiliw na saad ko.
Nanatili ang tingin niya kay Petonn na naglulumikot na sa kandungan niya. "Kaya ka ganyan kasi malamig siya diba? Pero di ka nian aanuhin."
"Y-yeah this thing is cold.." Nauutal niyang saad, natuwa naman ako dahil sa nakita.
"Dyan muna siya sayo may kunin lang ako." Saad ko at pumunta sa kalapit na kabinet, binuksan ko ito at nakita ang isang box na maraming laman. Kinuha ko ito at bumalik sa kanya.
Napangiti naman ako ng makitang hinahaplos haplos niya na ang katawan nito kahit pa minsan nagugulat siya sa biglaang paggalaw ni Petonn. Petonn ang name niya kasi based sa research ko isa siyang phyton kaya doon ko kinuha ang name niya na kalapit lang, nung una takot din ako SA kanya dahil sa nababasa kong dangerous sila pero nabago lang nung nagpursigi akong alagaan at gawin siyang pet friend ko at gaya ng sabi ko kontrol ko siya dahil matalino din siyang ahas, mas matalino pa nga ata sa akin eh.
"Sabi sayo eh." Nabaling ang tingin niya sakin.
"What's that Namarih?" Tanong niya.
Ahh hehe.
"Ito? Gagamitin natin dun sa mga unggoy mong kaklase, hmn tingin mo anong una nating gagawin?" Saad ko habang nanghahalungkat sa loob ng kahon.
Matagal siya bago sumagot. "Sa garden ko doon, I have a poisonoak plant there." Kalaunang saad niya.
"Poiso—ano?" Kunot noo kong tanong.
"Poi-so-noak Namarih."
"Aanuhin naman natin yun?" Kunot noo ko pa ding tanong.
"Our teacher in PE said that magkakaroon tayo ng basketball tomorrow right, magpapalit tayo ng damit." Saad niya na ikinatango ko.
"Eh ano naman?"
"Maaga ka pa dapat bukas and don't forget to bring gloves." Sabay kindat niya.
"Huh? Para saan?"
"Basta, malalaman mo din. Now, what's on that box?" Sinilip niya ang loob ng box at nakihalungkat ang isang kamay niya sa paghahalungkat ko.
Napakamot nalang ako sa batok ko dahil hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi niya at hindi ko alam kong ano ba yung poisonoak na yun, baka pagkain tas ipapakain niya saki pero bakit kelangan may gloves? Ah siguro makatas yun tas nagkukulay sa damit or kamay.
"Poisonoak is not a food woman!" Napanguso ako, nababasa niya ba utak ko?
"Eh ano yun?"
Ibinaba niya si Petonn ay inilapit ang upuan sa akin, pumunta naman si Petonn sa kainan niya na may natitira lang isda. Matakaw akala ko nag dadiet siya.
"You'll know tomorrow. Where did you get it?" Napabaling ako sa hawak niyang baril.
"Sa mall, laruan lang naman yan na baril eh, ito yung bala oh!" Sabay halungkat ko ng bala noon at inabot sa kanya.
"Cool.." tumatango tangong saad niya, hindi kasi karaniwang bala yun ng laruang baril eh, ang bala nun ay parang mga pana.
"What's this?" Tanong na nanan niya habang hawak ang isang cotton kasama ng isang bote. Napahagikhik ako.
"Yung laman ng bote nilalagay ko sa cotton tapos pinupunas ko dyan sa bala ng baril na parang pana."
Nagtatakang tumingin siya sakin. "Then?"
"Then nakakatulog yung matamaan niyan ng tatlong oras, hehehe." Sabay hagikhik ko dahil naalala kong ginamit ko yun kay petonn noon. Ng tingnan ko ito ay masama itong nakatingin sakin pero inirapan ko lang siya.
"Seriously?" Di makapaniwalang tanong niya. "Where did you get this then?"
"Ah sa lolo ko nun, mahilig kasi siya mag imbento eh, retired scientist din siya." Ngiting sagot ko.
"Can i have this?"
"Oo ba! Basta ingatan mo ah!"
"Sure" Maya maya lang ay sabay kaming nakarinig ng pagtawag ng pangalan ko sa baba. Nagkatingin kami.
"Sila mommy andito na, Tara baba Tayo!" Agad ko siyang hinila pero nagpabigat siya kaya nakabusangot ko siyang nilingon.
"Paano yang alaga mo?" Nakatingin siya kay petonn.
"Hindi siya pwedeng lumabas dito tsaka babalikan natin siya mamaya." Sagot ko sa kanya.
Tumango naman siya at nagpahila sa akin sa baba sinigurado ko munang lock ang room ni petonn bago namin iwanan.
__
a/n: Mataas-Taas din tong story na to kaya stay put lng po kayo dyan hehehe. Sana supportahan nyo po ko hanggang dulo🍒

BINABASA MO ANG
Evil or Innocent
Misterio / Suspenso❗️❗️❗️❗️❗️❗️❗️❗️ 𝙎𝙔𝙉𝙊𝙋𝙎𝙄𝙎 "M-maam bakit po ako sa panghuling section? Matataas naman po ang grado ko," Tanong ko sa teacher na naghahatid sakin sa Room ng bago kong school na nilipatan. I heard her sigh. "I don't know too lady, but based on...