Pinatuloy ko lang ang pagsasagot ko hindi nila alam na nakikita ko sila sa salaming nasa mesa ni Sir sa gilid ko lang, nakatagilid ito kaya Kita ko sila. Napahagikhik ako.Akala nila ah maiisahan na naman nila ako ulit napataas kilay ako.
"Hindi noh matalino ako." Mahinang pagmamalaki ko sa sarili.
Binilisan ko ang pagsagot napatingin ako ulit sa salamin nakita kong may kinuha yung isang lalaking nakatuck in na isang bato at ibinalot Ito sa papel.
Napasimangot ako, hmp. Hindi nila pansin na nakikita ko sila sa salamin dahil halos lahat sila ay doon nakatingin sa lalaking nagbabalot ng bato mukhang excited na excited pa sila. Ng ilang sandali ay natapos niya itong balutin ay tumingin sya kaagad sa pwesto ko kaagad naman akong nagkunwaring may sinusulat pa din kahit ang totoo ay tapos ko na ito.
Sa salamin ulit ako tumingin at nakita kong iaambang itatapon niya na ito sakin napakamot ako sa ulo at hinanda ang pag ilag ko. Maya maya lang ay bahagyang nanlaki ang mata ko dahil itatapon niya na to sakin, buti sana kung papel lang. Kaagad akong tumakbo sa kabilang gilid bandang pinto dahil lumipad na ito patungo sa akin kaagad akong humarap kung saan ito tumama at nanlaki ang mata ko ng tumama nga Ito sa pisara na kung nandoon ako kanina ay siguradong sapol ang ulo ko, nanlaki ng tuluyan ang mata ko ng bahagya itong nagbounce at naglanding sa kalapit lang na loptop ni Sir dahilan para guwewang Ito sa impact nung bato at nahulog.
Napatakip ako ng bibig at napatalon talon sa pwesto ko. "Hala ka! Hala ka! Lagot ka kay Sir, patay ka!" Sabay duro duro sa kanya.
Nakaawang din ang bibig nilang lahat habang nakatingin sa loptop na nabasag nga ata lalo na yung screen bago nila ilipat at tingin sakin.
"Bakit ka umilag!" Sigaw sakin nung tumapon sakin nung bato.
Napahawak naman ako sa dibdib ko at pumikit. "Eh tatapunan mo kaya ako ng bato," madramang sabi ko at iminulat ang mga mata.
Galit na nagtatakang tumingin siya sakin.
"Eh bat ka tumakbo dyan?! Nakatalikod ka naman eh so hindi mo kita!" Malakas ang boses na saad niya.
Hala. Bakit parang kinakabahan sila na nasira niya ang loptop ni Sir, sabagay sino ba naman hindi, ako nga eh natakot nung nabasag ko jalousie.
Napahagikhik ako. "Kita mo yun—" sabay turo ko sa salamin. "Doon Kita nakita heheehe, akala mo ah, antalino ko noh!" Pumapalaklak ko pang saad.
Lumipat ang tingin nilang lahat sa salamin at mas matalim itong tumitig sakin.
"Anong nangyayari dito? Miss Namarih bakit nandito ka? Tapos na ba ang pinapasagutan ko sayo?"
Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman si Sir sa likod ko.
"T-tapos na po Sir." Pilit ngiti kong saad at sinulyapan yung lalaking nakatuck in na tumapon sakin nung bato nakaupo na sya ngayon at mukhang kinakabahan pero masamang nakatitig sakin ngitian ko naman siya ng napakatamis tamis.
Tumango si Sir at pumunta sa harapan naiwan ako sa pwesto ko. Pero ganun nalang ang panlalaki ng mata niya ng makita ang loptop sa sahig.
"Who did this?!" Malakas niyang saad na ikinaigtad ko.
"Si Namarih po Sir!" Nanlaki ang mata ko ng ako ang itinuro ni Thea.
Napunta ang tingin sakin ni Sir. Yays masama yung tingin niya.
"Miss Namarih Jessica Gudeon." Nagbabantang saad niya.
Mabilis akong umiling-uling. Tahimik silang lahat at mukhang nasisiyahan dahil ako ata ang malalagot.
BINABASA MO ANG
Evil or Innocent
Mystery / Thriller❗️❗️❗️❗️❗️❗️❗️❗️ 𝙎𝙔𝙉𝙊𝙋𝙎𝙄𝙎 "M-maam bakit po ako sa panghuling section? Matataas naman po ang grado ko," Tanong ko sa teacher na naghahatid sakin sa Room ng bago kong school na nilipatan. I heard her sigh. "I don't know too lady, but based on...