Chapter 2

4 2 0
                                    


Patay ka talaga Namarih.
"He he he awat naman muna mga pre..." Kinakabahang saad ko at pilit ngiti silang tiningnan lahat. "P-peace na tayo d-dito naman daw kasi Room ko.." Pilit ngiti ko nang saad.

"Ayaw mong umalis?" Mabilis naman akong umiling sa lalaking nagtanong nun.

Nagpapadyak na ako sa inis. "Dito nga sabi room ko!" Nanggagalaiti ko ng saad.

Ewan ko ba at naiinis na talaga ako masakit pa yung likod ko.

"Ihanda niyo ang Bala!" Rinig kong sigaw ng isa na ikinalaki ng mata ko.

"Position!!" Malakas na sigaw nung nakakulay blonde ang buhok kasabay ng pag amba ng mga kamay nilang lahat upang itapon sa akin ang mga binilog na hawak nila.

Nakita kong nilagay na nila sa pinakalikod nila yung babae mukhang natutuwa pa nga sya sa ginagawa ng mga kaklase niya sakin, tsaka bakit ba sila ganyan sakin eh babae din naman ako.

"TARGET LOCKKKKKK!!!!!" Kasabay ng pagsigaw nilang lahat ay ang pagtakbo ko patago sa isang malaking cabinet na nasa likuran ko lang.

Sh*t sh*t sh*t impyerno ba to mga tukmol.

Hindi nila ako sinundan at nilapitan pero natatamaan pa din ako ng mga papel dahil ang iba'y pursigidong paalisin talaga ako.

"Ayaw mong umalis ah!"

"Sige sige tapunan niyo pa!"

"Wala siyang karapatan tumapak dito."

"B*tch you better get out now!"

"Gusto atang tapunan ulit natin ng upuan pare HAHAHA,"

Rinig kong pagsisigaw nila. Napakuyom naman ako ng kamao kung paalisin nila ako parang sa kanila at Hari sila dito ah.

Ng matigil na ang pagtatapon nila sa akin ay agad akong lumabas at hinarap sila. P*utspa gulo gulo na nga ang buhok ko mas nagulo pa ata.

Nakita ko silang sama-samang nakatayo habang ang sasama ng tingin sa akin.

"BAKIT NIYO BA AKO GUSTONG PAALISIN HUH?!" Malakas kong sigaw.

Engot naman asan ba Kasi yung professor nila.

"Bakit? Tingnan mo nga yang mukha mo, tsaka hindi ka nababagay dito!" Rinig kong sabi ng isa.

"At hindi ka namin matatanggap!" Sabi naman ng isa.

"Isa lang ang tanggap namin dito at yun ay si Thea, ayaw namin sayo da—"

"Ayaw ko din naman sayo sinabi ko ba?" Pagpuputol ko sa nagsalitang chinito.

Narinig ko naman ang pagsinghap ng iba at ang mas lalong pagsama ng tingin nila sa akin.

"You don't have a respect hindi ka katulad ni Thea, nasa kanya na lahat!" Sigaw naman Nung blonde ang buhok, epal talaga to eh.

Kung hindi ako nagkakamali yung Thea ay yung nag iisang babaeng kaklase nila. Swerte naman niya at tinuturing syang princess ng mga tukmol na to.

Akma akong susugudin ng isa ng bigla ko syang inunahan at hinampas ko sya sa mukha ng hawak kong sched sa school.

"Abat p*tang*na mo ah!" Sigaw niya habang hawak ang pisnge, as if naman masakit eh bond paper lang nga yun.

Napairap naman ako habang nakatingin sa kanilang lahat.

"Ano bang problema niyo? Mag aaral Lang naman ako ah!" Inis ko na ding Saad.

Biglang nawala ang takot ko at napalitan ng inis.

Nabaling naman ang atensyon ko dun sa Thea ng bigla syang magsalita at pumunta sa harapan ko.

"If I were you umalis kana." Suplada niyang saad sakin.

Naku mukhang Tama ang hinila kong suplada siya.

Pero baka matulungan niya ako.

"Dito daw room ko eh," nakanguso kong saad na ikinangiwi niya. "Sabihin m-mo sa kanila na dito talaga ako." Pakikiusap ko sa kanya.

Akmang sasagot na sya ng bigla siyang hinila ng isang Lalaki paalis sa harapan ko.

"Ni' ayaw nga kitang makakita ng pulubi lalapit-lapit kapa sa mga p*ste." Madiing saad nito habang nasa akin ang tingin.

Ako ba? Yung p*steng sinasabi niya?.

Matapang akong pumunta sa pinakagitna nila lalo na Doon sa lalaking sinabihan ata ako ng p*ste.

"Hindi ko nga hinahayaang makakita ako ng lamok tapos makakakita pa ako ng taong h*yop!" Diin kong saad sa harapan niya sabay irap ko pa.

"Aba't anong karapatan mo huh!"

"B*tch how dare you."

"Suntukin mo na Sen!"

Angal naman nila.

Sobrang talim ng tingin sa akin nung lalaking yun.
Sa talim ay pakiramdam ko kaya ako nitong saksakin.

Pero hindi, hindi ito ang gusto kong first day nangako ako Kay daddy na magiging mas mabait na ako.

"Maayos naman akong pumasok dito sa University, at sa Room niyo na inassign sakin, masaya akong mag aral ulit at magsimula dito pero bakit ganyan kayo sakin?" Mabilis na ang hininga ko habang sinasabi yun. "Hahanap Lang ako ng upuan tinapunan niyo na din ako ng upuan sa likod," kasabay ng pagsabi ko ay ang pagbalatay ng sakit sa likod ko, bumakat siguro yun kasi bandang paa ng upuan yung tumama.

Naluluha na din ako t*ngina kasi ang sakit.

"Hayaan niyo akong manatili dito ngayong araw Lang at ako na mismo ang aalis!" Saad ko sa kanilang lahat tsaka nagtungo sa likod na uupuan ko sana kanina.

Hindi ko na ininda ang mga angal at masasamang salitang ibinibigay nila sakin. Nakakuyom lang ang kamao ko bahagya ko ding iniistraight at binibend ang aking likod dahil sa sakit.

Maya maya pa ay naramdaman kong may tumama na namang papel sa noo ko kasabay nito ang biglaang pagbukas ng pintuan dahil sa pagpasok ng Professor.

Salamat naman akala ko sa kabasagan ng ulo nila ay hindi na sila tinuturuan.

Parang wala lang sa kanila na nandito na ang teacher sa halip ay pabarang pa silang nagsiupo at ang iba naman ay nanatiling nakatayo sa gilid. Napansin kong tumabi si Thea sa lalaking sinabihan ako ng "p*ste" kanina. Nakita ko ding parang sinisigurado ng mga lalaki na makaayos na nakaupo si Thea sa upuan niya, ngingiti-ngiti pa ito. Napaismid ako.

Hinanap ng mata ko ang tumapon sa akin ng papel bago lang, pero mukhang malabo ko na ata siyang makikita lalo na ng karamihan sa kanila ay masamang nakatingin sa akin.

Uhum!" Rinig kong tikhim ng professor, mukhang Wala lang din sa kaniya ang mga nakikita niya, lalo na yung kalat sa paligid.

"Looks like you guys have a new classmate, introduced yourself infront Miss pls." Sabay senyas niya sa akin.

Tumayo naman ako kahit ayuko talaga sa pagpapakilala ng sarili ko.

Ramdam ko ang sunod ng kanilang mga tingin sakin habang papunta ako sa tabi ni Prof sa harap.

Ng makarating ako ay matipid niya lang akong nginitian. "I don't even know who give you the guts to be in this section." Mahinang saad niya na rinig ko naman.

Hindi ko na siya pinansin sa halip ay taas kilay nalang along humarap sa kanila at nagpakilala. Masakit pa yung likod ko.

"Hi, Namarih Jessica Gudeon 19 naniniwala sa kasabihang makakita nalang ako ng libo libong lamok wag lang mga taong h*yop." Diretso kong saad na ikanasamid naman ng taong nasa tabi ko pati na din ang murang naririnig ko sa mga tukmol.

"Is that all Mis—"

"Thank you Sir." Sabay yuko ko at punta na ulit sa likod.

Ayaw ko naman maging masama pero Ewan ko ba at naiinis ako ngayon. Nakakamura na din ako dahil sa nangyari. Ang bait bait ko pa naman.

Ininda ang sakit na naupo ako sa aking upuan. Ramdam ko pa din ang tingin nila sakin.

_
-sorry for the wrong grammar at iba pa😁

Evil or InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon