Chapter 19

2 1 0
                                    


"Mom, dad si Marknell po hehe kaibigan at kaklase ko." Pagpapakilala ko sa kanya ng nakarating na kami sa sala.

"Hello po sir..ma'am." Magalang na saad ni Mark at bahagyang yumuko.

Tumingin ako kina Mommy na parehong nakangiting nakatayo sa harap naming dalawa. Napanguso ako.

"Mom—"

"Ayiiiee anak naman pwede mo namang diretsuhin na boypren mo na iyan eh," kinikilig na sabi ni Mommy.

Mas lalo akong napanguso habang napansin kong bahagyang nailang ang katabi ko.

"Hijo, boypren ka nga daw ba nitong si Namarih? Aba dapat sa akin ka dumaan." Biglang sabat naman ni Dad habang maangas na nakatingin kay Mark.

Napakamot ako sa kilay ko. "Kaibigan ko nga po siya at kaklase eh!" Nagmamaktol ko ng saad.

"Weeh/Talaga ba?" Sabay pa nilang saad.

"A-ah kaibigan ko lang po at kaklase si Namarih.."

"Hindi ka boypren nito hijo?" Sabay turo sa akin.

"Hindi nga po Mommy.."

"Baka naman buntis ka anak? Ayaw niyo lang sabihin! Ano kelan kayo nag chukch—"

Hindi na ni Dad natapos ang sasabihin niya ng tinampal siya ni Mommy sa bibig.

"Ano ka ba naman Aurelio!"

Napakamot nalang kami ni Mark sa ulo namin, pulang pula naman ang mukha niya, halatang naiilang sa mga engot kong magulang.

"Oh sya, unang beses kasi hijo na magdala ulit ng lalaki si Namarih at ipinakilala sa amin eh.." Napakagat labi ako sa sinabi ni Mommy.

"Yeah, actually it's not the first time honey, it's the second time." Si Dad.

"Oo nga, hindi namin alam kung nasaan na yung kaibigan niya na ipinakilala niya sa amin noon, sino nga ba yun honey?"

"Oh if I'm not mistaken his name is Bre—"

"Dad, mom dito po mag dinner si Marknell ah!" Agad kong singit sa sasabihin nila.

Tumingin ako kay Mark at nakita kong nakataas kilay itong nakatingin sa akin. Nginitian ko sya. Hehe.

"Oh God! Of course anak! Ako na ang magluluto, halika Mahal!" Saad ni Mommy tsaka kinaladkad si Daddy na nakatingin sa amin. "Tsaka hijo tita at tito nalang ang itawag mo sa amin ah!"

"S-sige po..."

Nagpahabol pa talaga si Mommy eh. "Ah upo ka muna paandarin ko lang yung TV."

"Namarih.." Napabaling ako sa kanya.

"Hmn?"

"Nothing.." Nakangiwi akong tumingin sa kanya.

"Gutom kana noh?"

"Silly, I'm not that hungry."

Ngumuso ako. "Sana pala pinakain kita kay Petonn mas trip ko yun."

"I'm not afraid."

Makalipas ang ilang minuto lang ay tinawag na kami ni Mommy para kumain, ramdam ko namang nahihiya si Mark pero kaya niya namang ihandle yun.
Ibat-ibang pagkain ang niluto ni Mommy kaya madami kaming nakain ni Mark, kahit pa din sa pagkain ay tanong sila ng tanong ng kung ano-ano dito. Napapanguso nalang ako kasi hindi na nila ako pinapansin, gusto pa nga nilang tawagin din silang Mommy and Daddy ni Mark pero tumanggi siya.

Pagkatapos kumain ay agad na nagpasalamat at nagpaalam si Mark para umuwi na, pinuntahan muna namin sa kwarto si Petonn.

"Tita..tito thank you for the dinner and nice meeting you po." Magalang na paalam niya ng papalabas na siya sa pintuan.

Evil or InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon