"Humanda kana dahil siya na ang magpaparusa sayo para sa amin!" sigaw nito sa mukha ko kaya agad naman akong napatakip ng ilong.Kakatapos ko lang kay Thea eh! Tapos sa kanya na naman. Tinaasan ako ng kilay nito at umalis na din sa harap ko at lumabas siya sa pintuan.
Ng lumingon ako ay halos palabas na silang lahat habang may hawak na mga gamit na siguro galing kay teacher, ang ipinagtataka ko lang ay lahat sila nakangisi saakin, maging si Thea na nakaakbay sa kapartner niya. Nakangisi sila hanggang sa makalabas na silang lahat, pero pansin ko ang makahulugang tingin ni Paulo at nag aalalang tingin ni Mark saakin.
Napakamot nalang ako sa ulo ko. Hanggang sa tinawag ako ng teacher.
"Miss Namarih bakit ganyan ang suot mo?" tanong nito.
Suss! Kanina niya pa ako nakita ngayon niya lang tinanong.
"Kasi ma'am natapunan ng juice kanina." sagot ko sa kanya na ikinatango lang naman niya.
Umupo na din siya sa upuan at hindi na ako pinansin, kaya napalingon ako sa taong papalabas sa pintuan habang may dala dala ding gamit. Sino pa edi yung magaling kong kapartner!
Huhu baka sakalin niya ako bigla. Sana yung pwesto namin malapit lang kay Mark o kahit kay Paulo. Hindi ko din maiwasang mag alala kay Mark, baka kasi may gawin si Duke sa kanya.
Sumunod ako sa kanya kahit Labag na labag sa loob ko, hindi matigil ang pagnguso ko habang hinihila ang bag ko na hindi ko isinukbit sa likod ko. Sumasayad na nga siya sa sahig eh.
Paglabas namin ay ilang kaklase ko lang ang nakikita ko, asaan na yung iba? Akala ko ba malapit lang sa building namin?
Patuloy akong sumunod sa kanya, siguro hindi niya ako napapansin kasi hindi niya ako nililingon eh. Sa paglalakad namin ay hindi ko napansin na paakyat na pala siya sa rooftop.
Hala! Si Geo!
"H-hoy!..." agad akong tumakbo at hinila ang laylayan ng damit niya. "Sandali! Sandali! Bawal tayo dyan!" sigaw ko sa kanya habang hila hila sa kabilang kamay ang laylayan ng damit niya.
"What the f*ck" narinig kong saad nito kaya inalis ko na ang kamay ko at tumayo sa harapan niya mismo.
"Ayuko dyan!" Sigaw ko.
Walang emosyon siyang nakatingin sa akin. Hindi niya din pinansin ang polo niyang medyo nakagilid at bumaba. Hehe kita ko nunal niya sa dibdib.
"And why?"
"K-kasi hindi pwede....tsaka malayo na yan sa building natin!"
"I can do what i want!" saad nito at akmang aakyat na ulit pero hinila ko na naman ang laylayan ng damit niya.
"Sige na kasi! Pleaseee..." hehe,, nagpacute ako sa kanya kahit na enemy kami, baka umuo siya eh.
Ng hindi siya sumagot ay napabitaw ako sa damit niya. Kaya niya siguro gusto doon kasi balak niya na akong parusahan pero dapat si Mark din! Alangan ako lang, madaya naman. Hmp..
"Takot ako sa matataas..." Naisabi ko, naalala ko kanina ang pagdungaw ko sana sa edge ng rooftop bago ko makita si Geo. Naisip ko na hindi ko nga talaga kaya, huhu.
Nabigla nalang ako ng bigla niyang ilagay ang mga gamit na dala niya sa harapan ko, wala akong nagawa kundi ang hawakan kasi baka malaglag. Ng tingnan ko siya ay nagsimula na naman siyang maglakad papunta na ngayon sa ibang direksyon.
Wewss! Dami ng utang ni Geo sakin. Hihi.
Mabilis ko siyang sinundan hanggang sa makarating kami sa isang malaking puno ng acacia, malapit ito sa open field at nakikita ko sa kalayuan ang ibang estudyante siguro kaklase namin yun. Mahangin din dito at pagtingin ko sa unahan ng open field ay natanaw ko dito ang building namin. Nilibot ko ang tingin ko pero hindi ko nakita si Mark.
"Are you going to stand there?"
Napalingon ako sa kanya ng magsalita siya. Napakagat ako sa labi ko bago siya nilapitan. Huhu baka mamaya ibigti niya ako gamit ang mahahaba niyang kamay eh!
"H-hindi ako marunong n-nito..." mahina kong saad.
Ilang segundo bago niya hinablot na kinuha saakin ang mga gamit. At siguro doon na kami magsisimula gumawa ng activity namin....
Kung activity nga ba o parusa? Huhu sana hindi nalang siya kapartner ko.
___
N/A: Ito na muna nagoonline selling pa Kasi mi eh☺️
BINABASA MO ANG
Evil or Innocent
Gizem / Gerilim❗️❗️❗️❗️❗️❗️❗️❗️ 𝙎𝙔𝙉𝙊𝙋𝙎𝙄𝙎 "M-maam bakit po ako sa panghuling section? Matataas naman po ang grado ko," Tanong ko sa teacher na naghahatid sakin sa Room ng bago kong school na nilipatan. I heard her sigh. "I don't know too lady, but based on...