"Mauna ka sa room." Agad akong napalingon kay Marknell.Nagbell na kasi kaya pabalik na kami ngayon sa room, sobrang nag enjoy ako doon sa semi garden na gawa pala ni Marknell, tsaka ang saya niya din kasama kahit parang naiilang siya sa akin ng kaunti, pansin ko Lang, hindi kaya bakla siya? Napahagikhik naman ako.
"You're acting like a child again, what are you thinking?"
"Wala hehe, sabay na tayo papunta sa room!" Masigla kong saad.
"Not a good idea." Siguro iniisip niya na nandoon na sila Sen.
Naisip ko din kanina na baka saktan nila ulit si Marknell dahil sa sumama siya sakin, pero hindi! Isusumbong ko na sila sa principal dahil mula una very wrong ang ginagawa nila.
"Sige na! Tsaka kung may gawin sila, lalaban ako!" Itinaas ko pa ang dalawang nakakuyom na kamay ko.
"You're crazy.." Napa tsk nalang siya bago nauna ng maglakad.
Humabot naman ako sa kanya dahil ang lalaki ng hakbang niya, mahahaba kasi ang bente niya eh, tapos ako hindi.
"Alam mo Marknell gusto ko na umalis dito." Kwento ko sa kanya ng mahabol ko na siya.
"But your dad won't let you?" Napatango naman ako.
"Oo, Kaya dito nalang ako, tsaka hindi na naman nila ako sinasaktan eh." Pag kasabi ko nun ay mabilis siyang huminto sa paglalakad at hinarap ako.
⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀
"Bak—""Let me see your arms..." Mahina niyang saad habang nakatingin sa braso ko na natatakpan ng manggas ng jacket.
Napanguso naman ako. "Eh huhuban ako?"
"Ohh f*ck! No! I mean...." Napatawa naman ako.
"Opo, nagamot ko na."
"How about your back?" Pinakiramdaman ko naman ang likod ko pero hindi na siya medyo masakit. "Medyo okay lang." Sagot ko sa kanya.
"I'm sorry, i wanted to help you but i just can't..." Mahina ko namang tinapik ang balikat niya para sabihing okay lang.
"You can't say na wala silang gagawin sayo Namarih." Saad niya kalaunan at nagpatuloy na sa paglalakad.
Agad naman akong sumunod ayaw kong mahuli noh ang bilis niya maglakad!
"Madami naman mabait sa inyo eh, ikaw si Geo tas si Paulo, alam ko madami pa!" Masigla kong saad.
Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya, lagi nalang mahina kapag tatawa siya. Paano kaya kong ang gagawin kong mission ay yung "OPLAN PAHAGALPAKIN NG TAWA SI MARNELL 2022" para naman malakas na siya tumawa.
"Creepy, you're face is like you thinking something bad."
"Hala! Hindi ah.." depensa ko naman sa sinabi niya.
"Mabait naman ako sa mabait sa akin, pero hindi ko alam sa kanila."
"Dapat mabait kayong lahat kasi gwapo kayo!" Mahina na naman siyang tumawa.
"Marknell...."
"Hmnn?" Napakagat labi ako.
"Bakit ako sinasaktan nila tapos si Thea hindi?" Napahinto naman siya sa paglalakad.
"Look at me." Nagtatakang tumingin ako sa kanya.
⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀
"If you're not going to leave this section, you will know the reason Namarih, matapang ka maybe someday if it's gonna happen you will be our princess." Nagtataka naman akong tumingin sa kanya."Ewww! Malabo, tsaka ayuko! Prinsesa ng mga tuko!"
Napailing nalang siya at mabilis na lumakad, tumakbo na ako para makauna ako.
"Habol! Ang bagal mo maglakad, pwi!" Tumatakbo ako habang sinasabi yun.
Wala ng tao sa daanan ng makarating ako sa pintuan ng classroom ay nakakarinig na ako ng ingay sa loob pero parang more on bulungan. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng bigla nalang akong tumalsik sa gilid kasama si Marknell.
⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀
"Watch out!!"Napaigtad ako ng sumubsob kami ni Marknell SA gilid ng flower pot dahil sa paghila niya sa akin, ng inalalayan niya akong tumayo ay nagulat ako dahil puno ng tubig ang sahig at kasama na doon ang isang maliit na balde.
"D*amn, told yah!" Ang kaninang masayang mood ko ay biglang napalitan ng inis at galit.
"Namarih...." Mahigpit ang kapit ko sa bulaklak na pinitas ko kanina na dala dala ko pa ngayon.
"Hey...it's okay. Are you hurt?" Hindi ko pinansin ang pagtawag ni Marknell sa akin.
Napabaling ang tingin ko sa kabilang room dahil nagsisihabaan na naman ang mga leeg ng iba.
Masama ang tinging ipinukol ko sa kanila bago tiningnan ang baldeng nasa sahig, tiningnan ko ang taas ng pinto, doon siguro yun nila inilagay at bahagya ko itong nagalaw kanina kaya nahulog. Mabuti nalang at nahila agad ako ni Marknell kundi mukhang basang sisiw na ako ngayon. Hindi ba sila nag aalala na baka iba yung dumating?
Mabilis kong hinakbang ang bahagyang nakasaradong pinto, walang ingay akong naririnig mula sa loob ng nakarating ako dito ay agad kong sinipa ang pinto kasabay ng pagsinghap nila sa loob.
Matatalim at masasama ang tinging pinukol ko sa kanilang lahat. Lahat sila kasabwat nito kahit pa si Geo!
"Namarih..." Hindi ko pinansin ang pagtawag ng mahina sa akin ni Marknell. Nakita ko ang pagtataka sa mukha nila marahil dahil kasama ko siya.
"So what if hindi ako ang pumasok?" Malamig kong saad.
Bakit kasi wala pang teacher, dapat din pala pinauna ko kanina si Marknell!
Wala akong nakuhang sagot hanggang sa tumayo si Duke ng nakapamulsa.
"Why don't you ask Marknell, the boy behind you." Nakangiti nitong saad sa akin.
Napalingon naman ako kay Marknell na ngayon ay nakatingin sa akin. "Huh?" Nagtataka kong saad sa kanya.
"Plinano namin to at siya ang nautusan kong igala ka muna. Para pagbalik ay may surprise ka." Mas napakuyom ang kamao ko.
Hindi ako naniniwala.
"N-namarih, it's not true..." Rinig kong saad ni Marknell.
I know. Talagang pakana lang nila to.
Mabilis kong nilapitan si Duke at kinwelyuhan na ikinasinghap na naman nila.
"Yes! You can do anything to me but you can't involve someone para lang mapagtakpan kayo!" Sigaw ko sa pagmumukha niya, pabalya ko siyang binitawan at hinarap. "Duke, you don't know me. Aren't you afraid?"
Inilibot ko paningin ko sa kanilang lahat. "Sige! You want this? Edi sige, maglaban tayo!" Malakas kong sigaw. Napatingin ako kay Marknell na naguguluhang tumingin sakin. "But Marknell is with me." Malamig kong saad.
___
A/N: Gang dito muna kaya. Stay with me readers. Sensya na if d mareach yung expectation nyo.

BINABASA MO ANG
Evil or Innocent
Mystery / Thriller❗️❗️❗️❗️❗️❗️❗️❗️ 𝙎𝙔𝙉𝙊𝙋𝙎𝙄𝙎 "M-maam bakit po ako sa panghuling section? Matataas naman po ang grado ko," Tanong ko sa teacher na naghahatid sakin sa Room ng bago kong school na nilipatan. I heard her sigh. "I don't know too lady, but based on...