Nanggagalaiti na si Thea sa akin kaya palihim naman akong napabungisngis."You don't really know how to be afraid, huh?" Napabalik ang tingin ko kay Sen.
Pwi! Ang panget ng pangalan niya!
Mabilis akong umiling sa kanya. "Tsaka na ako matatakot sayo....or sa inyo kapag....." Pinalibot ko ang tingin ko sa kanilang lahat. "Kapag natakot niyo na ang pinakamaangas kong Lolo!"
May pagmamayabang na saad ko. Naalala ko tuloy yung Lolo ko na sobrang angas, nasa probinsya sya ngayon bilid nga ako sa kanya eh kasi ang ligalig niya kahit palagi syang pinapagalitan ni Lola kasi andami niyang alagang kiti-kiti sa drum.
"Ano namang kinalaman ng Lolo mo?" Rinig kong saad ng Isa sa kanila.
"Ang Lolo ko ang pinakamaangas sa lugar namin! Huwag kayong magkakamali sa akin dahil isang tawag ko lang sa kanya, yari kayong lahat!" Nakapamaywang ko ng saad. Natawa naman silang lahat na ikinakunot ng noo ko.
Si Thea ay bumalik na sa pagkakaupo si Sen naman ay nakahalukipkip habang masamang nakatingin sa akin.
"SA tingin mo takot kami?! Uugod-ugod na yun BWAHAAHAH!" Kasunod ng pagsalita at pagtawa ng nakakulay blonde na buhok ay ang pagtawa nilang lahat.
"P*utspa pre! Isang tadyak lang yun!"
"Oo nga, may ipangbabato nalang lanta pa."
Nanliit ang mga mata ko. "HooOoyy! Palibhasa hindi niyo pa siya kilala!" Sigaw ko sa kanila pero hindi ata sila nakinig.
Napangiwi ako ng maigaw ko ng malakas ang kamay ko at iyong likod ko. "Akala niyo ba nakalimutan ko yung ginawa niyo sakin?" Tumingin ako kay Drey. "Lalo na ikaw!"
"Oh bakit? Tama lang sayo yan, masyado kang nakakairita!" Sigaw naman niya pabalik.
"Akala mo din naman hindi ako gaganti sayo! Pipitsugin kalang naman ee siguro nga di kapa tuli.." humagikhik ako sa nasabi, narinig ko ang tawa ng Ilan sa kanila.
"Talaga bang sinusubukan mo ako??" Kalmadong saad naman niya.
Napasimangot ako ang tagal nung teacher namin ah!
"Sen kung hahayaan mo lang ako, ako na ang bahala sa babaeng yan..." Nakatingin siya sa akin habang sinasabi iyon.
Naramdaman ko naman ang pagtayo ng maayos ni Sen bago siya nagsalita.
"Hayaan muna natin siya," pagkatapos niyang sabihin iyon ay himalang tumahimik sila pero bahagyang nakangisi kasabay ng pagbalik sa upuan ni Sen. Naiwan akong nagtataka sa harapan nila ng tumingin naman ako kay Geo ay nakataas kilay Ito.
"Weh? Hindi niyo ako icucutter??" Manghang tanong ko.
"Bakit gusto mo?!" Hindi naman paawat na singhal ni Drey.
Sumimangot naman ako at napailing, hate ko talaga siya kasi bad siya.
Saktong paglingon ko sa pinto ay ang pagpasok naman ng teacher namin sa Science, iyon bang nabasag ni Drey yung loptop niya.
Seryusong naglakad siya palapit sa pwesto ko pero napatigil siya ng makita ako doon.
"What are you doing here?" Maayos na sabi niya.
"Good morning ho Sir. May ginawa lang po ako, sige sir!" Hehe, bigla akong nagulat ng may inabot sa aking papel si Sir.
"List there names on the paper and give it to me when you're done." Sunod na sinabi niya bago seryusong inilibot ang mga mata sa Tao sa room. Napansin kong huminto iyon kay Drey na bahagyang nakaiwas ang tingin.
Bakit kaya pagdating kay Sir eh nananahimik din sila, pati din kay Sen. Pero kapag kay Sir si Drey talaga yung iwas.
"Ayuko po Sir baka mamatay ako eh.." Kanda ngiwi kong saad dahil ayuko talaga.
"Don't you want to know there names too?" Sa nasabi ni Sir ay biglang nagspark ang mata ko.
Wow! Oo nga malalaman ko na yung pangalan nila at pwede ko na silang ipakulam sa kakilala kong si Aling Bebeng na mangkukulam!
"Sige po Sir ako nalang po. Pati po ba yung name ko sir?" Marahan siyang tumango at pumunta na sa unahang table.
Masama ang tinging ibinibigay nila sa akin pero wala naman yun sakin.
"Review your notes we'll be having a quiz after, I'll give you 15minutes to review." Rinig kong saad ulit ni Sir bago inilabas sa dalang bag ang isang MacBook.
Sana all yayamanin! Afford ko lang yung telelettelelet na selpon eh!
Nakangiting nagsimula akong maglista ng pangalan sa pinakaunang row.
Malalaman ko na din ang pangalan nila.
"Hi, anong pangalan mo?" Nakangiti kong tanong sa unang lalaki sa pinakaunang row.
Poker face na nakatingin sya sa akin, bahagya naman akong napanguso, medyo pangit siya kasi meron siyang peklat sa mukha na malaki, tapos mas panget pa siya kasi para na niya akong kakainin ng buhay dahil sa sama ng tingin niya sakin kagaya nung mga ibang kaklase niya.
"Ream Martinez." Kalaunang sabi niya, agad ko itong nilista dahil ang sama sama talaga ng tingin niya sakin.
"Pst ikaw ano pangalan mo?"
"Denver Motto." Agad ko kong nilista ang katabing lalaki ni Ream. Napahagikhik ako dahilan ng pagkabusangot ng mukha niya, ang cute cute niya kasi pink yung ID lace niya na may mukha ng Blackpink tapos singkit din yung mata niya.
Tumuloy tuloy ako at binalewala ko nalang ang masasamang tingin pa din nila, hindi naman sila nagrereview eh, ako pa yung mas gusto nilang tingnan, nakakaakit talaga ako. Mukhang napansin ni Sir na hindi sila nagrereview kaya sinuway niya Ito.
"Hi, name mo?"
"Zander Honde." Napatango naman ako, naalala ko si Zander yung kabit sa pelikulang napanood ko, hihi.
"Ikaw ano name mo?"
"Paulo Dejas." Napaangat naman ako ng tingin dahil hindi ko namalayan na nasa kanya na pala ako magtatanong.
Napanguso ako.
"Hmp." Agad kong nilista ang pangalan niya habang siya ay nakataas kilay na nakatingin lang sakin.
"Hindi ka sasama sa lunch mamaya kami nalang ni Geo!." Pasigaw pero mahina kung saad sa kanya.
Mas lalo namang tumaas ang kilay niya, Hala! Baka matanggal!. "Really? I give you water and saved you remember?" Napairap naman ako, bahagya pa akong naduling kasi medyo lumipad talaga yung eyeballs ko.
"Nyenyenyenyenye." Sinuway niya ako kanina kay Thea eh okay lang naman yung pagsasalita ko kay Thea eh. Iniwan ko na siya doon na nakatingin pa din sa akin.
Nawala tuloy ako sa mood malaman yung pangalan nila hmp.
Hanggang sa dumating na ako kina Thea at Sen. Akmang magtatanong na ako ng inunahan na ako nung lalaking mukhang pating.
"Seran Dake Aviola."
"Hala! Kapangalan mo yung University ah! Galing!" Namamangha kong saad sa pangalan niya. Ang galing kasi kaname niya yung school na to Seran University, siguro nakasanayan lang nila na Sen yung itawag sa kanya.
"Pathetic, tsk." Rinig ko namang salita nung katabi niya.
"Ano—"
"My name is Althea Veronika Quentilla." Pagpuputol nito sa pagtatanong ko. Ang ganda ganda naman ng pangalan niya, kasingganda niya pero hindi nung ugali niya.
Napatingin ako kay Sen bago ko isinulat ang pangalan niya, nakaakbay ang kanang kamay nito kay Thea samantalang ang mga mata naman niya ay nakatutok sa kaliwang kamay niya na may hawak na notebook. Kahit noong sinabi niya yung pangalan niya ay hindi niya man lang ako tinupunan ng tingin.
Bahagya akong nalungkot ng hindi ko alam. Siguro kasi yung iba tinitingnan ako kahit masama Yung mga tingin nila pero siya ay hindi man lang ako tiningnan.
Agad na din akong umalis sa harapan nila dahil pinagtatabuyan na ako ng mga mata ni Thea.
__
Wag mahihiyang magtanong Kong May ritemid ba nito? Charot hahahhahah
BINABASA MO ANG
Evil or Innocent
Misterio / Suspenso❗️❗️❗️❗️❗️❗️❗️❗️ 𝙎𝙔𝙉𝙊𝙋𝙎𝙄𝙎 "M-maam bakit po ako sa panghuling section? Matataas naman po ang grado ko," Tanong ko sa teacher na naghahatid sakin sa Room ng bago kong school na nilipatan. I heard her sigh. "I don't know too lady, but based on...