Agad kaming lumabas sa gate ni Mark ng buksan niya ang gate, pareho kaming mabilis na naglakad papunta sa sakayan nadaanan ko pa ang isang bagong bukas na bakeshop malapit sa school "Jonards Bakeshop" ang pangalan nito, kung hindi ako nagkakamali ay meron din silang isa pang bakeshop malapit sa Kanto at sakayan.Ng makapara si Mark ng tricycle ay nagulat ako ng pumara pa siya ulit ng isa.
"Sakay kana Namarih."
"Huh?" Nagtatakang tanong ko.
Umangat ang sulok ng isang labi niya. "Dyan ka sumakay tapos ako dito, ingat ka pauwi." Saad niya sabay turo sa tricycle na nasa tapat ko na pala.
"H-huh, sandali eh isang tricycle lang dapat ah!"
Bakit kasi pumara pa siya nung isa, napanguso ako habang nakatingin sa driver na nasa tapat na naming dalawa. "Eh parehas lang naman tayo ng pupuntahan ehh!"
Tumingin ako sa kanya ng nakabusangot, nilagay niya ang dalawang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya. "Namarih, kailan pa naging pareho ang direksyon ng bahay mo at bahay ko?"
Unawang ang bibig ko. "Hala! Eh sa bahay ka diba magdidinner?"
"Wala kayong bigas diba??"
Napakamot ako sa ulo ko. "Joke! Joke! lang naman yun eh!"
"Ano ba sasakay paba kayo?" Napalingon ako kay Manong sa tapat ko na nagsalita.
"Sandali lang manong!" Ungot ko bago muling tiningnan si Mark.
"Next time na, may gagawin din ako, just text me when your already home." Saad niya bago pumasok sa tricycle na nasa tapat niya. Wala naman akong nagawa kundi ang ngumuso at pumasok nalang din sa loob ng tricycle pero ng pagpasok ko ay ang pagsakay din ng isang pasahero sa gilid ko.
"Pa special po Abongan."
"Pa special po sa Abongan."
Natahimik ako ng sabay namin yung sinabi agad ko siyang nilingon at nanlaki sa gulat ang mga mata ko bago ko tiningnan ang kabuoan niya. "P-paulo?"
Hala! Ibig bang sabihin eh iisa lang ang bahay este yung lugar na tinitirhan namin? Pinalobo ko ang pisnge ko ng makita ang mga pantal sa katawan niya lalo na sa kamay. Akala ko ba nakauwi na sila?
"Namarih..." mukhang alam niya namang ako ang kasabay niya kasi ni hindi nga siya nagulat pagharap niya sakin eh.
Kinamot ko ang batok ko. "A-ah hehe hi?" alanganing bati ko sa kanya.
Nagsimula ng umandar ang tricycle hindi ko na din nasulyapan kanina ang tricycle na kinasasakyan ni Mark, siguro nauanang umalis.
"Hi." Paos na boses na bati niya pabalik.
"Uhmn, o-okay kana ba?" tinuro ko ang kamay niyang nasa hita niya. Umurong ako ng kaunti dahil medyo magkadikit kami lalo na yung braso namin.
Huhu baka magkakati din ako!
"I-i guess..i am?" Ngiwing sagot naman niya.
Tumango nalang ako, hindi ba siya magagalit kasi ako ang may gawa nun? Maliban nalang kapag hindi niya alam o hindi niya lang pinapahalata na alam niya. Napalunok ako huhu baka mamaya padala na siya ni Sen para gantihan ako.
"Makati?" Biglang dumulas mula sa bibig ko.
"Yes, it's itchy."
"M-may ideya kaba kung sino yung may gawa niyan?" Hehe, nakuha ko pa talagang itanong eh.
"Yes." Napaiwas ako ng tingin sa sagot niya.
"A-ah hehe ganun ba." Gusto ko sanang itanong sa kanya kong may gagawin ba siya sakin o wala kasi naman kung tanga doon din siya sa lugar na tinitirahan ko eh bakit hindi ko siya nakikita?.
BINABASA MO ANG
Evil or Innocent
Mystère / Thriller❗️❗️❗️❗️❗️❗️❗️❗️ 𝙎𝙔𝙉𝙊𝙋𝙎𝙄𝙎 "M-maam bakit po ako sa panghuling section? Matataas naman po ang grado ko," Tanong ko sa teacher na naghahatid sakin sa Room ng bago kong school na nilipatan. I heard her sigh. "I don't know too lady, but based on...