Chapter 17

2 1 0
                                    


"What's that?" Agad kong tinago sa bulsa ko ang papel.

"Wala wala hehe," ngiting sagot ko bago nakinig nalang sa teacher, nagkibit balikat lang naman siya bago inalis ang tingin sa akin.

Nakangusong tiningnan ko si Geo, sigurado akong sa kanya galing yung papel dahil sa letter na nakalagay sa baba, umpisa yun ng bawat name niya.
Hindi ko nalang iyon pinansin dahil hindi ko din naman gets.

Ilang minuto ang nakalipas ng marinig namin ang pag ring ng bell at pagpaalam ng teacher, agad kong inayang lumabas si Mark na sinunod niya naman dahil nadin baka harangan kami ng mga unggoy niyang kaklase. Kumaripas kami patakbo palabas ng gate kahit pa mahuli huli ako dahil mabilis siyang tumakbo.

Hinihingal na nakabusangot akong tumingin sa kanya paglabas na namin sa gate.

"Ang bilis mo naman tumakbo eh!" Nagpapadyak kong saad.

Tumawa siya. "Kasalanan ko bang pandak ka?"

"Hoy! Hindi ako pandak ah nahiya lang yung height ko na mag glow up!" Naiinis kong saad.

"Tsk tara na nga lang."

Agad akong sumunod sa kanya ng nagtatakbo na naman dahil ang bilis niya talagang maglakad, saktong naabutan ko siya ng pumara siya ng tricycle para masakyan naming dalawa.

"Manong hihinto hinto 'ho ba kayo?" Rinig kong tanong niya sa driver.

"Ay oo hijo, para makadami din ako ngayon." Sagot naman ng driver habang nakayuko upang silipin kami mula sa kabilang side ng tricycle niya.

"Eh manong pwede ba kaming magpa special pa Abongan?" Nag isip naman ang driver sa sinabi niya.

5 o'clock na din kasi tapos kapag hihinto hinto pa ang tricycle ay matatagalan kami.

"Pwede naman yun kaso kapag ka Abongan special 250 ang singil ko."

"Ayos lang 'ho manong." Ngiting sagot ni Mark tsaka ako inalalayan papasok sa tricycle.

"Ako na babayad Mark." Ngiting saad ko din ng makapasok na kami sa tricycle at nagsimula na itong umandar.

"Ako na, pakainin mo nalang ako sa inyo." Nakakalukong sagot naman niya.

"Sige ba, masarap magluto si mommy!" Nagmamalaki kong sabi.

"Hindi ba sila magagalit na dinala moko dun?"

"Hindi syempre, matutuwa pa sila niyan panigurado."

"Mag kasintahan ba kayong dalawa neh?"

Napatingin ako kay Manong driver ng marinig ko siyang magsalita.

"Hala! Hindi po manong kaibigan ko lang po siya.." agap na sagot ko na ikinatawa niya sa huli.

"Ayun ba? Karamihan kasi ngayon sa ganyang edad eh may mga kasintahan na." Sagot naman niya habang patuloy pa din sa pagmamaneho.

"Hindi naman po lahat manong tsaka study first po kami, diba Marknell?!" Sabay siko ko sa katabi ko.

"Yup, tsaka kung magkakasintahan man po ako ayaw ko po sa isip bata na medyo dragon.." agad akong napalingon ng masama ang tingin sa kanya.

"Ako ba yun?!" Nguso kong tanong.

"Ewan ko sayo haha."

Hindi ko nalang din siya sinagot dahil tumatawa sila ni Manong driver. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa bahay, inabot ni Mark ang bayad kay Manong na nakatingin sa labas.

"Ikaw ang nakatira dito neh?" Kalaunang tanong niya.

"Opo manong." Sagot ko sa kanya.

Si Mark ay nakatingin din sa bahay namin.

Evil or InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon