Chapter 6

3 2 0
                                    


Napangiti ako sa isiping iyon sa utak ko.
Agad akong tumayo at pumalakpak pero bigla akong napadaing dahil kumirot yung likod ko.

"Talaga gawan niyo ako Goodbye Party? Eh diba ayaw niyo sakin?" Nagtatakang tanong ko.

Nilapitan naman ako ni Thea at inakbayan. "You know what gusto namin maging memorable sayo yung pagpasok mo dito." Sabi niya at tinapik-tapik ang pisnge ko.

"O sige doon ka umupo sa upuan na nasa harap." Dagdag nito at iginaya ako paupo doon.

"Anong gagawin niyo sakin? Bakit nitatakipan niyo mata ko." Kinakabahan kong tanong dahil bigla nalang nila nilagyan ng piring yung mata ko.

"I lock niyo yung pinto tas sarado niyo yung bintana, baka may sumali, diba Namarih?" Rinig kong sabi ng isa sa kanila. Tinanguan ko nalang ito.

Medyo kinakabahan ako pero mas excited kasi gusto nila na maging memorable yung pagpasok ko dito kahit na tinapunan nila ako ng upuan at di pinakain ay may concern pa din naman pala sila.

"Sure kana dito 𝐺𝑢𝑒𝑣𝑎𝑟𝑜," Rinig ko pero lumabi yung huling salita niya.

"HAHAHA ako pa, diba sen?"

"Tsk, do what you want, Thea come here."

"Okay."

Rinig kong pag uusap nila na sinundan ng mahinang tawanan at hagikgik ni Thea.

Napaigtad ako ng may biglang humawak sa magkabila kong balikat galing sa likod.

"Ready," bulong nito sa bandang tenga ko.

"O-oo, ano ba gagawin niyo, gusto ko makita," saad ko.

Ginulo naman nito ang buhok ko na ikinasimangot ko.

"Relax, surprised nga eh, kalma. HAHAHA." Sagot naman nito.

Naramdaman kong umalis ito sa likod ko at sunod ko nalang naramdaman ang pagdampi ng isang malamig na bagay sa kaliwang braso ko.

"A-ANO Yan?!" Kinakabahan kong tanong. Baka ahas ayaw ko sa ahas!

"HAHA relax." Nabobosesan ko siya.

"Hala! Ikaw yung blue yung buhok no hehe." Natutuwang saad ko, naramdaman ko ang pag alis ng malamig na bagay sa braso ko kasunod nito ang pag angat niya ng baba ko.

"You knew?" Tila namamanghang saad niya, sunod sunod naman akong tumango.

Bakit pakiramdam ko nakatingin siya sakin ng malapit?

"They said, it's hard to recognize my voice, but you—"

"Dali na tol, gusto ko marinig pano yan sumigaw!"

Naputol ang sinasabi niya ng may biglang sumingit.

"Bakit Naman ako sisigaw?" Tanong ko.

Padarang nitong binitawan ang baba ko at naramdaman ko na naman ang malamig na bagay sa braso ko.

"Bakit malamig? A-ano yan?" Kinakabahan ng tanong ko dahil naramdaman kong medyo matalim ito.

"Hmm..mm cutter." Simpleng saad niya.

"Cutter!!" Biglang sigaw ko at akmang tatayo ng may biglang humawak sa magkabilang kamay ko naramdaman ko ding itinali nila yung mga paa ko.

"D*mn woman! So f*cking loud!" Biglang saad din ng malapit sakin, Hala! parang boses to ni Guevarro ah, yung bumasag ng loptop ni Sir!

"Ikaw na dito, sayo naman may atraso to Drey eh." Rinig kong sabi nung si blue hair at umalis sa harap ko pero napalitan naman ito ng isang tao.

"Kilala mo ba ako?" Tanong nito kasabay ang pagdikit lalo ng malamig na bagay sa braso ko.

"Ako si Drey Guevarro." Maawtoridad na saad nito. Omyghaddddddd sya yung bumasag nung loptop ni Sir. Drey Guevarro.

"E-eh hehe hello sayo." Pilit na saad ko dahil medyo kinakabahan na ako. Dinig ko din ang ibang hagikhikan at ramdam ko na ang mga natutuwang mata na nakatitig sakin.

Napanguso ako, hindi ko sila makita, naka piring ako.

"Stop pouting, you look like a duck." Parang nandidiring saad nito.

"Wag na Party, alis na ako." Sabi ko.

"Hindi pwede, alam mo bang pinagalitan ako dahil sayo?" Tumango naman ako.

"Kasalanan mo naman yun eh." Saad ko.

"Tsk, pero hindi ko hahayaan yun, kailangan may gawin ako sayo." Diretso nitong saad.

"A-anong gagawin mo." Kinakabang Tanong ko dahil mas dumiin ang malamig na bagay sa braso ko.

"Susugatan lang Kita ng limang beses." Kasunod nito ang halakhak niya.

Napalunok naman ako.

Ayaw ko sa sugat ayaw ko din sa cutter dahil may nasaksak ako nakaraan gamit ang isang cutter!

"Ayuko!" Sigaw ko at agad na pumalag.

"Ayuko! Ayuko! Ayuko!" Patuloy kong sigaw pero bigla nalang akong sinampal ng pagkalakas lakas.

"Ayuko sabi *sob* ayuko na ng party!" Umiiyak ko ng saad.

"Wag ka namang humindi Namarih, minsan lang nga eh." Dinig kong saad ni Thea. Mabilis akong umiling ng sunod-sunod.

"A-akala ko *sob* masaya *sob* e-eh bakit niyo ako susugatan at sinampal?" Saad ko pero bigla nalang silang nagtawanan.

"Alam mo Namarih ang ayuko sa lahat ang pinapagalitan ako hmm," tsaka ko naramdaman ang dahang-dahang pagguhit ng cutter sa braso ko. Masakit. Mas lalo akong humikbi.

"Ano mga tol? Ipapaikot ko ba sa braso niya yung pagsugat?" Tanong nito kasunod ng isang halakhak.

"Laliman mo pareng drey!"

"Hindi naman yan makinis!"

"Mas makinis si Thea natin."

Mas lalo akong naiyak dahil pinaikot nga dito sa braso ko ang cutter, sobrang hapdi, pakiramdam ko nanginginig na ako, alam ko ding tumutulo na ang dugo mula doon.

"*Sob* hmp t-tama na Drey, ayaw ko. M-masakit," nagmamakaawa kong saad.

"Masakit? Huh?" At mas idiniin ang cutter sa braso ko dahilan ng biglaan kong pagsigaw.

"T-tama na please a-ayuko na—"

"Patapon nga sakin nung alcohol Sen." Agad naman akong nataranta ng narinig ko ang sinabi niya, ayuko, ayuko sa alcohol!.

Umiling-umiling ako ng paulit ulit pero bigla ko nalang naramdaman ang pagbuhos ng malamig na alcohol sa sugat ko.

"Araayyy! Ayuko! Huhuhu Tama na!" Sigaw ko.

"Isang sugat palang nga yun Binibining Namarih eh." Sagot ni Drey sakin.

"T-thea *sob* tulungan m-moko," nagbabakasaling tulungan niya ako pero wala man lang akong nakuhang sagot sa kanya kundi ang mga tawanan lamang.

"Easy.." tinapik-tapik nito ang pisnge ko. Masaganang tumulo ang luha ko dahil sa sakit, ayuko talaga sa alcohol at sa cutter.

"Ito yung pangalawa!" Sigaw nito at pinadausdos ang dulo ng cutter mula sa braso ko hanggang sa pulso.

"T-TAMA NA HUHU! AYAW KO NA! MASAKIT!" Malakas ko ng sigaw.

Malalim, malalim ang pagkadiin niya.

"P-paulo, tulungan moko, alis moko dito *sob* p-paulo! Huhu, mabait ka diba, nibigyan mo nga ako tubig at pagkain eh *sob*" hindi ko napigilang saad dahil pakiramdam ko siya lang ang makakatulong sakin.

Naramdaman kong biglang umalis sa harapan ko si Drey, tuloy pa din ako sa paghikbi.

"T*angina Paulo! Anong sinasabi nito?!" Kasunod ang maiingay na salita ng iba.

"G*go kaba? At parang nabihag ka nitong babaeng to huh?!" Rinig ko ulit na sigaw ni Drey.

"Hindi ko siya binigyan ng pagkain." Rinig kong seryusong sagot ni—Mr. Dejas?

Napasinghot ako. Bakit sya ang sumasagot? Si Paulo yung nagbigay ng pagkain at tubig pero bakit boses nung Mr.Dejas ang narinig ko?


_

a/n: sorry dito Kalito ba karakter? Tanong Lang Po. Salamat. Have a nice day!🍒

Evil or InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon