Chapter 25

3 1 0
                                    


Akmang nagtatype na ako ng bigla kong narinig ang pagtawag ni Mommy, kakain na daw kami, sinilip ko ang bintana at napansin kong madilim na pala sinulyapan ko ang walk clock sa kwarto ko at namalayang alas syete na pala. As usual ganito kaming oras kumain.

To Markengkoy:

   
         Kakain na daw kami! Usap tayo bukas sa garden mo ah agahan natin!ಡ ͜ ʖ ಡ

Agad siyang nagreply.

From Markengkoy:

     
          Okay, eat well.

Napanguso ako.

To Markengkoy:

      Kain kana din, baka magutom ka, sleep kana din agad. Goodnight in advance Mark!.

Sinend ko sa kanya pero nakalipas nalang ang Sampong minuto hanggang sa pinasok na ako ni Mommy sa kwarto ay hindi pa din siya nagrereply.

Luh, problema kaya nun, baka naubusan siya ng load, pasahan ko nalang siya mamaya. Bumaba nalang din ako para kumain.

DUMATING ANG KINABUKASAN maaga akong dumating sa school nagulat na naman si guard dahil maaga na naman daw ako dumating sinabihan ko nalang siya na ayaw kong mahuli tsaka wala siya pake pero syempre joke lang yun.

Ng makarating ako sa mini garden ni Mark ay tiningnan ko ang selpon ko na dala ko na, nagtext ako sa kanya na nandito na ako pero hindi siya nagreply. Nauna lang ako ng kaunti, siguro maya-maya andito na yun. At hindi din nga ako nagkamali dahil ilang minuto lang ang lumipas ng may umupo sa tabi ko at si Mark yun.

"Good morning! Nauna ako hehe." Pagbati ko sa kanya.

"Good morning too." Napangiwi ako sa mahinang sagot niya at napansin kong hindi siya sa akin tumitingin.

May dumi ba ako sa mukha?

"Matagal pa ang klase, may gagawin ba Tayo ngayon?" Tanong ko sa kanya. Inayos ko ang suot kong blue na jacket at pants.

"Wala muna, alerto lang muna tayo and don't stay away with me." Agad akong nag thumbs up sa kanya.

Akala ko may gagawin kami eh pero siguro after nung kahapon ay wala muna pero kailangan naming mag ingat syempre. Dapat nga ay nauuna na kami sa room eh para masigurado namin na walang masamang nag-aabang ang problema ay sirado ang room at ang sabi ni Mark si Ven daw ang may hawak ng susi. Si Ven na kapitbahay ni Sen!

"Mark alam mo ba meaning ng salitang SCHOOL?" Tanong ko kasi bored na bored ako sa nakatingin sa kanyang kutkutin ang kahoy na kinauupuan namin.

Doon siya tumingin sa akin. "Y-yes, Study Center House of Organized Learning. Why?"

"Hmn, wala lang naman." Matamis akong ngumiti sa kanya at umurong ako palapit sa kanya.

"What?" Supladong tanong niya.

Sincere na nginitian ko siya. "Kumain kana?"

At doon ako nagulat ng bigla siyang magmura at tumalikod sa akin. Mabilis naman akong ngumawa.

"WAAAAAHH HUHUHU MAY DUMI BA AKO SA MUKHA?!!"

"Marknell may dumi ba ako sa mukha! Humarap ka nga sakin!"

"Shut up Namarih."

"Eh bat kanina mo pa niiwas tingin mo sakin?!" Pagmamaktol ko sa kanya. "Hoy!" Sinundot-sundot ko ang tagiliran niya pero tinampal niya lang palayo ang kamay ko. Mabilis akong bumusangot tsaka tumalikod sa kanya.

Bahala siya dyan, ayaw niya ako tingnan, wala namang dumi ang mukha ko pag tingin ko sa selpon ko ah, maliban nalang kong may nakikita siyang invisible dumi sa mukha ko.

Thirty minutes nalang magbebell na at kanina pa kami walang kibuan, pinatugtog ko nalang ang selpon ko ng malakas na malakas.

"Namarih."

Narinig ko siyang nagsalita pero hindi ko siya pinansin.

"Namarih, let's go."

Hindi ko pa din siya pinansin at nakataas kilay lang akong nakatalikod sa kanya.

"Hindi mo ako papansinin?"

"Hindi." Napatakip ako sa bibig ko. Huhu.

"Tara na." Hinawakan niya ang balikat ko kaya napaharap ako sa kanya, kaagad akong bumusangot.

"Wala pa naman ang bell nagmamadali kana?" Saad ko sa kanya. Hinawi niya ang buhok niyang nakaharang sa mata niya.

"Bukas na yung room." Inalis niya ang kamay niya sa balikat ko.

"Oh? EDI mauna ka."

"No, let's go there...together." Napa oww naman ako sa sinabi niya at kaagad may pumasok sa isip ko na ikinangiti ko.

"Why are you smiling?" Takang tanong niya.

"Ikaw ah! Kaya ka siguro nag iiwas ng tingin sakin kasi—" inangat-angat ko ang kilay ko para tuksuhin siya.

"What?!" Inis niyang saad.

"Mwheheh ikaw ah!" Nangisay-ngisay ako dahil sa kilig.

"What Namarih?!"

"Kasi may crush ka sakin! Ayiiieeee!" Siniko ko siya dahilan ng pagkahulog niya sa upuan. Napalakas ata.

"F*ck, what are you talking about?!" Agad siyang tumayo at masama ang tinging ipinukol sa akin.

"Crush mo ako kaya iwas ka ng iwas sakin!" Tinukso-tukso ko siya at nakita ko na naman ang pamumula ng mukha niya. Sabi ko na nga ba eh.

"Sorry Mark pero hindi pa ako handa, hindi ako easy to get. Kailangan ko pang makapagtapos ng aking pag-aaral."  napabuntong hininga ako. "Madami akong pangarap na nais kong tupadin. Siguro may tamang panahon para sa atin, para sa nararamdaman mo sa aki—"

"What are you saying?!" Sigaw niya kaya naputol ko ang sasabihin ko.

Hayst, napakamot ako sa ulo ko. "Ang ibig kong sabihin, hindi kita kayang icrushback!" Nginitian ko siya.

"You misunderstood it Namarih." Masamang titig na tingin niya habang sinasabi yun sa harap ko.

"Hala! Ganun diba, kagabi nung sabi ko na kumain ka di kana nagreply!"

"T-thats because i fall asleep." Pagdadahilan niya.

"Eh bat moko iniiwasan ngayon? Wala naman akong dumi sa mukha ah." Nakanguso kong saad.

Umiwas siya ng tingin. "So hindi mo ako crushh?" Pang-uusisa ko.

"Hindi!" Agad na depensa niya, grabe naman parang hindi ako karapat dapat para sa salitang 'crush' ah. "Its just that, your the first person who showed care to me." Pagpapatuloy niya na ikinaangat ng tingin ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

Matagal siya bago sumagot. "No one tells me to eat on time and sleep on time. No one ask me if i already eat, even my parents didn't." Sagot niya, iwas na iwas niya ang tingin niya sa akin.
Ngumiti naman ako at patalon na tumayo mula sa kinauupuan at humarap mismo sa mukha niya.

"Edi sige, mula ngayon ako na ang taong magpapakita sayo ng 'care'!" Masayang sabi ko na ikinatulala niya.

"What? I don't need that."

"Kailangan mo yun." Kinindatan ko siya at hinawakan sa kamay. "Tara na, bukas na yung room!" Mabilis ko siyang hinila at agad naman siyang sumunod.

"Namarih, you misunderstood it again!" Hindi ko pinansin ang sinabi niya.

"Mamayang lunch sabay tayong kakain ah!" Dahil nauna ako sa kanya ay nilingon ko siya. "Bawal kang magutom, magagalit ako."

Gusto kong matawa ng kinagat niya ang labi niya para pigilan ang ngiti pero lumabas naman ang dimple niya at agarang pamumula ng pisnge niya. Hinila ko nalang siya at hindi pinansin ang isang grupo ng mga lalaki sa di kalayuan na nakatingin sa amin, hindi ko na din pinansin maging ang pag higpit ng kamay ni Mark na nakahawak sa kamay ko.



__
A/N: Parang naaabot na natin ang matamis sa storyang Ito hahhaha🍒

Evil or InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon