Chapter 5

3 2 0
                                    


Naupo ako sa upuan ko ulit at nakangiting naghihintay sa pagbalik nila.

Ako nalang mag isa. Makalipas ang ilang minuto ay wala pa din sila. Kinain ko ang dalawang biscuit na nasa bag ko pero hindi pa din nawala ang pagkagutom ko.

Napanguso ako.

"30 minutes nalang tapos na yung lunch break," mahinang saad ko.

"25minutes," mahina kung saad ulit habang nakadungaw sa bintana.

Ayaw ko naman lumabas kasi baka bigla sila dumating.

"20minutes"  malungkot kung saad napahawak sa tiyan ko dahil kanina pa ito nagrereklamo.

Napanghalumbaba ulit ako sa upuan ko at nilaro ang Ballpen ko hmp wala akong cellphone nakalimutan ko kanina sa bahay.

15 minutes nalang tapos na yung lunch break pero wala pa din sila. Napanguso ako, naiiyak na. "Gutom na gutom na ako," malungkot kong saad.

Napagpasyahan kong lumabas na sana pero naisip ko na naman na baka bigla silang dumating tapos dala ni Sen yung pagkain ko. Bahagya kong itinaas sa ire ang kamay ko, napabuntong hininga ako ng makitang nagshashake Ito. Kapag nalilipasan ako ng gutom nanginginig talaga yung kamay ko. Nakaraan nga nung nagpa enroll ako sa dati kong school at nalipasan ako ng gutom kasi whole day ako doon ay halos hindi ako makapagbasa at makapirma ng form eh.

"5minutes," mahina kung saad tsaka ko narinig ang bell hudyat na tapos na ang lunch break at magkaklase na naman kami.

"Tapos na ang lunch break pero walang Sen na dumating para sa pagkain ko." Pinunasan ko ang mata ko dahil napasukan ata ng lamok at biglang nabasa.

Makalipas ng ilang segundo ay narinig ko ang malalakas na tawanan nila at ang pagpasok nila sa loob ng room. Agad akong tumayo at sinalubong sila bahagya kong itinago sa likod ko ang kamay ko para maitago ang panginginig nito, baka mamaya sabihin nila magtratransform ako bilang isang Zombie.

Rawr!.

"Asaan na pagkain ko?" Nakangiti kong tanong kay Sen, tumaas ang kilay niya.

"Oh pasensya na Miss.Namarih napasarap kasi ang kain namin ng mga pagkain sa cafeteria, nakalimutan ka naming dalhan, pwede ka pa naman lumabas—" napatigil siya sa pagsasalita at bahagyang nanghinayang. "Kaso tapos na ang lunch break, sinasarado na yung cafeteria." Dugtong niya at inakbayan si Thea na nakangiting nakatingin sakin.

Napayuko ako, wala akong pagkain.

"Tara na andito na mamaya si Sir. Manalo, busog na busog ako t*ngina ansarap nung pagkain HAHAHA," rinig kong saad ng isa sa kanila.

Kinagat ko ng bahagya ang labi ko dahil nanginging ito ganoon din ang kamay ko sa likod.

Humahalakhak na nilampasan nila akong lahat as in lahat kahit yung si Mr.Dejas.

Nanghihinang bumalik ako sa upuan ko rinig na rinig ko pa din ang tawanan nila.

Nilagay ko ang kamay ko sa tyan ko. "Gutom na gutom na ako," munting bulong ko sa sarili. Naiiyak na.

Mabilis kong pinunasan ang luhang kumawala sa mga mata ko ng biglang dumating si Sir.

Yumuko ako para hindi niya ako mapansin, natatakot akong tawagin niya ako at pasagutin sa harap. Masaya at nakangiting nakikinig silang lahat sa math na tinuturo ni Sir. Napangiti ako, ako din sana.

Lumipas ang ilang minuto at halos grabi na ang panginginig nung kamay ko. Gutom na gutom na talaga ako ng may biglang may kumalabit sakin galing sa likod agad akong napalingon at nakita ko ang isang lalaking nakakulay red ang buhok, may dalawang dimples na halatang-halata at mukhang teddy bear dahil ang cute cute niya.

Evil or InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon