Naglabas siya ng isang gunting. "Where's the plastic?""Ay sandali." Hinugot ko na din sa bag ko ang isang plastic na dala ko.
Maigi akong nakatingin sa kanya na hinawakan ang halaman. "This is Poisonoak Plant."
"Oo NGA alam ko, kanina mo pa sinasabi eh."
"Silly." Agad kong binuklat ang plastic ng may naputol na siyang isang tangkay na maraming dahon.
"Don't touch your face, understand?" Agad akong napatango sa kanya.
"Noted!" Madami siyang na cut na nilagay namin sa plastic.
Pagkatapos non ay bumalik na kami sa upuan na tinambayan namin kahapon.
"Give me your hands."
"Bakit?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Putulin ko Namarih, gusto mo?" Agad naman akong umiling sa sinabi niya.
Siya na mismo ang kumuha sa kamay ko at tinanggal ang gloves doon, agad niya itong tinapon sa basurahang nasa gilid lang ng kinauupuan namin kung saan may kalapit na puno.
Tahimik lang ako habang hawak niya ang dalawang kamay ko at ngayo'y nilalagyan niya na ng alcohol.
"Bakit mo ginaganyan?" Maang kong tanong.
"Tsk, gusto mo bang mangati ka?" Supladong sagot niya.
"Eh may gloves na naman na ako kanina eh!"
"Just shut up Namarih." Inisang linya ko naman kaagad ang labi ko dahil baka mamaya bugahan niya ako ng ice, hula ko kasi bakla itong si Marknell eh suplado kasi siya, hehe.
Matapos niyang isanitize ang kamay ko ay agad niya namang sinunod ang sa kanya, nauna niya ng linisan yun kanina pero nilinisan niya pa din ulit akala niya siguro madaming germs yung kamay ko.
"Put up your things, it's already 7:45."
Patalon akong tumayo mula kinauupuan ko at agad sinukbit ang bag sa likod ko. Naguguluhan ko siyang nilingon na ngayon ay nakatingin na din sa akin. "Eh paano ito?" Turo ko sa plastic na may laman ng poisonoak na halaman.
Nalipat ang tingin niya doon. "Give it to me, I'll handle it." Kinuha ko naman ito at agad na ibinigay sa kanya. Niligay niya ito sa bag na dala dala niya lang at agad sing sinukbit sa likuran niya at muling tumingin sa akin. "I don't know if we'll make it, i don't know if it's right, but im not gonna leave you, you got me this time."
Mga salitang binitawan niya bago nauna ng maglakad, napangiti ako at hinabol siya. "Thank you." Bulong ko sa kanya ng maabutan ko siya.
Hindi naman siya sumagot at nagpatuloy lang sa paglalakad. Pababa na kami ng hagdan ng may maisip ako.
"Paano kong may nakaabang na pala satin doon?" Napatigil siya sa paglalakad at humarap sa akin.
"Im thinking about that too."
"Eh anong gagawin natin?"
"Just stay behind me." Agad akong umibis papunta sa likuran niya ng magsimula na naman siyang maglakad.
Malay mo ba naman kasi kung may baldeng tubig na naman doon sa harap ng room namin. Tsaka baka napaghandaan na talaga nila kami, hindi naman kasi sila nagsabi kung kailan sila uumpisa eh, pero syempre kami din namin hindi magsasabi. Hindi ko nga din alam kung ano yung gagawin ni Mark ngayon sunod lang ako sa kanya. Napahagikhik ako, sa susunod ako naman.
Ng malapit na kami sa room ay halos papasok na lahat ng estudyante sa classroom nila. May ibang napapatingin sa amin pero hinahayaan nalang din namain.
"Wait...." Napatigil ako sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Evil or Innocent
Mystery / Thriller❗️❗️❗️❗️❗️❗️❗️❗️ 𝙎𝙔𝙉𝙊𝙋𝙎𝙄𝙎 "M-maam bakit po ako sa panghuling section? Matataas naman po ang grado ko," Tanong ko sa teacher na naghahatid sakin sa Room ng bago kong school na nilipatan. I heard her sigh. "I don't know too lady, but based on...