1

725 12 2
                                    

"Class dismissed!" Agad kong kinuha ang bag ko at isinukbit sa likod. Mabilis akong lumabas ng room tsaka 2pm pa lang naman at wala na kaming klase kaya uuwi na ako.

"Ken!" Halos mapatalon ako sa gulat nang may biglang tumapik sa balikat ko. Hawak ni Stell ang isang itim na notebook habang hingal na hingal.

"N-naiwan m-mo... daw- hoooo!" Tumatagaktak ang iilang butil ng pawis sa noo niya.

"Ah, salamat. Bakit ka naman tumatakbo?" Binuksan ko ang bag ko at basta nalang inilagay ang notebook ko sa loob.

"Hinihintay kita kanina sa labas ng room niyo kaso 'di mo ako nakita. Ilang beses na din akong sigaw ng sigaw di mo rin ako narinig. Bingi ka na ba? Gusto mo bang sumigaw pa ako ng mas mataas pa sa grades ko?" Napakunot ang noo ko. Wala naman akong narinig ah? Napakamot nalang din ako ng ulo.

"Anyway, may lakad ka ba ngayon? Punta daw tayo sa company. May meeting tayo sabi ni Ate Anne." Bulong niya. Bahagya kaming tumabi at sumandal sa railings ng building since madami din ang lumabas sa floor namin.

"Bakit? Ano daw meron?" Taka kong tanong.

"Hindi ko din alam. Bigla lang ako tinawagan ni Ate Anne kanina after ng class ko."

"Ah, wala naman na. Absent yung isang prof namin at vacant naman kami last subject since Friday ngayon." Sagot ko.

"Sakto. Nauna na sila Pablo at Josh kaninang lunch pa kase wala na din silang klase while si Justin ay nasa klase pa. May 20 minutes pa bago sila mag-dismiss kaya kailangan natin hintayin. Sa kanya tayo sasakay papunta sa company. Ayoko mag-commute ngayon."

Nagsimula kaming maglakad papunta sa Multimedia Arts Department, isang building ang pagitan mula sa Architecture Department. Panay daldal si Stell tungkol sa nangyari kaninang umaga sa kanya sa jeep hanggang sa makarating kami sa floor nila Justin.

"Kakapasok ko pa nga lang nun eh. Naghahanap pa ako ng mauupuan kase medyo siksikan na din tapos di man lang nagsabi si Kuyang Driver na aalis na pala kaya nasubsob ako sa harap. Kulang nalang halikan ko yung ulo nung isang pasahero na nasa tabi niya." Inis na inis niyang sabi habang ako ay nagsimulang tumawa sa kwento niya. Hindi ko ma-imagine ang scene na yon.

"Saya ka? Tuwang tuwa ka sa pagkapahiya ko 'no?" Sarkastiko niyang sabi.

Sasagot pa sana ako nang biglang mag-ring ang phone ko.

"Hello, Ate Jackie?" Agad na tumahimik si Stell. Bahagya akong lumayo sa kanya.

"Bro! Asan ka?" Tanong niya.

"Nasa school malamang, saan pa ba?" Sagot ko.

"Ay, oo nga pala. Anyway, I'll get straight to the point. Wala kayong klase next week diba?" She said. Paano naman niya nalaman to?

"Oo. Paano mo nalaman yan?"

"Secret!" Humalakhak siya na parang baliw. Stressed na ba to sa trabaho niya kaya nagkakaganito? "Just kidding. Bestfriend ko isang prof mo, remember? Now, can you do me a favor?"

Sabi na eh. Hindi tumawag to kung walang kailangan e. Though, sometimes tumatawag siya para kumustahin ako.

"Ano? Basta wag lang yung mahirap ah!" Biro ko at saka mahinang tumawa.

"Magleleave kase ako next week kase pinapauwi ako nila Mama at Papa. Kailangan daw ni Lolo ng tulong mag-aasikaso kay Lola kasi mataas daw lagnat ni Lola. Alam mo namang matatanda na sila at medyo hirap na din sa mga gawain. And then, hindi ko din maiwan ang trabaho ko dito since busy week kami. Pwede bang ikaw muna pumalit sa akin dito? One week lang naman akong mawawala." Mahabang litanya niya.

Lost In Your World (SB19 SERIES #1)Where stories live. Discover now