13

85 6 0
                                    

Wala ako sa sariling nakarating sa condo. Napaupo ako sa sahig at nanatiling tulala. Pinipilit kong ibaon lahat ng iyon sa limot pero bakit pinipigilan ako?

Sinandal ko ang ulo ko sa pader at ipinikit ang mata. Ramdam ko ang panunubig ng mga mata ko. Maraming bagay ang hindi ko na maalala. Mga bagay na sinasabi sa akin ni Ate na mahahalagang pangyayari sa buhay ko. Bakit kailangang ang mahahalaga pa ang mawawala kung pwede naman iyong mga malulungkot nalang?

Nilabas ko ang phone ko at tinawagan si Ate. Hindi ko alam kung bakit gusto kong magtanong tungkol sa mga mga bagay na hindi ko maalala.

"Ken? Napatawag ka? May kailangan ka ba?" Sabi ni Ate pagkasagot ng linya.

"Ah.. w-wala naman. May itatanong lang sana ako.. t-tungkol sa mga bagay na hindi ko.. m-maalala." Mahinang sagot ko.

"Mm. Ano ba mga gusto mo maalala?" Pormal na tugon niya.

"Anything na hindi mo pa nasasabi sa akin."

"Let me think." Tumahimik saglit ang linya niya. "Ah! Hindi ko pa pala 'to nasasabi sayo. Dinala tayo ni Papa sa Malaysia nung minsang naospital si Mama dun. Tuwang tuwa ka nun kase first time mong magtravel sa ibang bansa and nakwento mong may nakabangga kang babae dahil panay ang ikot mo sa loob ng airport." Natatawa niyang kwento. "Noong makarating tayo sa ospital kung nasaan si Mama.. umiyak ka agad nun sa dami ng aparatong nakakabit sa kanya. Sinabi mo din na nakita mo ulit yung nakabangga mo sa katabing kwarto ni Mama."

"Anong taon nangyari 'yan?" Tanong ko.

"Siguro mga 10 years ago." Sagot niya kaya napatango. "Anyway, ba't bigla ka atang napatanong tungkol dyan? May nangyari ba?"

"October 12. Eksaktong petsa at oras noong naaksidente ako dahilan ng trauma at amnesia ko." Batid kong natigilan si Ate dahil sa biglang pagtahimik ng linya niya.

Nakaramdam ako ng pagsakit ng ulo ko. Pagpikit ko ay nagsimulang magflash sa utak ko ang iba't ibang mukha at lugar.

"Ahhhh!" Daing ko habang sapo ko ang ulo ko. Napahiga ako sa sahig at nagpaikot ikot dahil pakiramdam ko ay mabibiyak ang ulo ko sa sakit.

"Ken? Ayos ka lang ba?" Dinig kong sigaw ni ate. "Ken! Sumagot ka!"

"Ahhhhhhh!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong sumigaw sa sakit.

Fountain. Babae. Tubig. Sasakyan.

'Yan ang paulit-ulit na nagf-flash sa utak ko. Pakiramdam ko ay malalagutan ako ng hininga sa kakasigaw at kakasapo ng ulo ko dahil ayaw nito tumigil.

"Ahhhh!" Gusto kong i-umpog ang ulo ko sa sahig pero hindi ko kaya.

"Sir Ken!" Nabuksan ko ang isang mata ko at tanaw ko si Jeremy na may buhat na kung ano bago tuluyang nandilim ang paningin ko.

Pagmulat ko ng mga mata ako ay tumambad sa akin ang kulay puting paligid. Maliwanag ang ilaw na tumama sa mukha ko kaya marahan akong napapikit dahil nasisilawan ako.

Dahan-dahan kong ginalaw ang ulo ko at nakita kong nakaupo si Jane sofa at nakaharap sa laptop. Seryoso ang mukha niya at masyadong focus sa harap niya kaya hindi niya ako napansin. Matipid akong napangiti habang nakatingin sa kanya.

"Ser? Ser Ken?" Mahinang tawag sa akin kaya dahan dahan akong napalingon sa kabilang gilid ko at nakita ko si William na may bitbit pang apple. "Buti naman at gising ka na."

Hindi ko siya sinagot at ginawaran nalang ng matipid na ngiti. Ramdam ko pa din ang panghihina ng katawan ko.

"Ma'am A! Gising na po si Sir Ken!" Hindi kalakasan ang sigaw niya at sapat lang para mapalingon si Jane sa gawi ko.

Lost In Your World (SB19 SERIES #1)Where stories live. Discover now