23

108 5 0
                                    

"Nasaan si Stell?!" Aligagang tanong ni Pablo na hinihingal pa.

"Hindi niyo pa rin siya mahanap?!" Nag-aalalang sigaw ni  Josh.

"Tinawagan ko siya kanina at sabi niya papunta na daw siya!" Mabilis na inilabas ni Pablo ang phone niya at saka inilapit sa tenga. "Mag aalas tres na at kailangan siya sa Music Club. Nagawa ko na lahat ng trabaho niya."

"Tinatawagan ko rin siya kanina pero di naman sumasagot." Malalim na huminga si Josh bago naupo sa desk.

Andito kami ngayon sa loob ng Arts Office. Tatlo nalang kaming natitira ngayon dito dahil nagsisimula nang magpuntahan sa Gymnasium ang mga students.

Madami na din ang mga nakakapasok na taga ibang schools since 12pm nila sinimulang buksan ang gate. May mga booths din kasing inorganize ang Council at parang concert nga sa sobrang daming tao.

"Sinubukan niyo na ba siyang hanapin?" Tanong ko.

"Oo pero hindi ko rin magawang libutin ang buong University sa dami rin nang ginagawa ko since ako rin ang sumalo sa lahat ng trabaho ni Stell."

"Alam ko kung saan siya hahanapin. Dalawang lugar lang ang pinupuntahan nun." Nagsimula akong tumayo at sabay kaming lumabas ng Arts Office.

"Update mo 'ko, Ken. Marami pa akong aasikasukin sa Gymnasium at sa mag vovocal training pa ako sa vocalist natin." Mahinang tinapik ni Pablo ang balikat ko at patakbong tinungo ang Gym.

"Sama na ako sayo. Tara!" Tumango ako nagsimulang maglakad papunta sa rooftop.

"Kapag wala siya rito.. nasa school cafe siya." Mahinang saad ko bago namin nilibot ang rooftop.

"Tara sa baba!" Aya ni Josh. Madaming students rin ang nandito at halos puro taga ibang University.

"Hanley! Si Stell ba andito?!" Tanong ko.

Matagal bago siya nakasagot sa dami ng customers na nakapila.

"Nasa kitchen po.."

Agad kaming pumasok ni Josh sa kitchen at halos manlumo kami pagkakita kay Stell.

"Pre!" Sigaw ni Josh at gulat naman na napatingin sa amin si Stell.

"Oy! Anong ginagawa niyo dito?!" Bahagya niyang pinunasan ang pawis sa noo at ibinaba ang mga hawak bago tuluyang lumapit sa amin.

"Hindi ba dapat kami ang nagtatanong niyan?! Anong ginagawa mo rito?!" Naiinis na tanong ni Josh. "Kanina ka pa hinahanap ni Pablo. Mag-aalas tres na at kailangan ka dun!"

Nanlalaki ang mga matang napatingin si Stell sa phone niya at mahinang napamura.

"Shit! Hindi ko napansin!" Mabilis niyang hinubad ang apron niyang suot at mabilis na kinuha ang mga gamit niya.

"Kuya! Alis na po ako, ah?! Kailangan na ako sa loob ng University, eh!" Sigaw niya bago kami hinila palabas.

"Oo! Sige! Salamat sa tulong!" Hindi niya na ito sinagot at nauna pang naglakad sa amin.

"Magbibihis muna ako!" Sigaw niya at tumakbo palayo.

Kahit hindi sabihin ni Stell ay ramdam ko ang lungkot niya at pinipilit ang sariling pasayahin.

"Tara d'on! Bili tayo pagkain!" Basag ko sa katahimikan namin ni Josh.

"Sakto gutom rin ako!" Natatawang sagot ni Josh.

Kung ano-anong pagkain nalang ang pinagtuturo ni Josh na tikman namin at halos ako rin naman ang nagbabayad. Naiwan niya daw ang wallet niya sa locker niya sa Arts Office.

"Kuya!"

Nagulat ako sa biglang pagkalabit sa akin.

"Arkin!" Gulat na saad ko.

Lost In Your World (SB19 SERIES #1)Where stories live. Discover now