30

57 1 0
                                    

"J-Japan? Anong g-gagawin natin dun?" Napatigil pa ako sa paglalakad.

"Oo. Tsaka 'wag ka na maraming tanong. Bilis na d'yan. Malelate na tayo sa flight natin." Hinila na ako ni Gavin papasok.

Tulala pa rin ako at napapaisip kung anong gagawin namin sa Japan ng biglaan.

Katabi ko ngayon si Gavin at nasa harap naman namin si Sir Umeda katabi ang sekretarya niya.

"Half of our agents are already there, Sir." Ani ng sekretarya ni Sir Umeda.

Napatingin naman ako sa katabi ko na busy sa paglalaro.

Pero agents? May agents ang RID? Ang astig!

"The pilot is here. Let's go." Sabat naman ng isang lalaki na nakatayo sa bandang gilid ko.

Isa isa silang tumayo kaya mabilis na rin akong napatayo at kinuha ang gamit ko.

"We're gonna fly!" Excited na sigaw ni Gavin. Medyo may kahinaan at siguro kami lang din nakakarinig sa sinabi niya.

"Anong gagawin natin dun?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Kailangan nila ng back-up." Tanging sagot niya lang.

"Para saan?" Dagdag ko pa.

Hindi niya na ako sinagot at nagkibit balikat nalang.

Pagkapasok namin sa eroplano ay hindi ito kapareha ng ibang eroplanong nasakyan ko. Customized ito at sa may nakalagay na malaking Ramirez. Sa harap at sa mga upuan ay may logo na hindi ko alam kung anong ibig sabihin.

Malapad at saktong sakto sa aming lahat. Kulay itim ang mga upuan na may bahid ng kulay ginto. Maging ang sahig ay may halong ginto. Black and white ang kulay sa labas kaya hindi mo aakalaing sa Ramirez to.

May iilang crews ang nandito na nag ooffer ng iba't ibang drinks. Binigyan ako ni Gavin ng isang maliit na glass na may lamang alak.

"Try it. Masarap!" Pangungumbinsi niya.

"H-hindi ako umiinom eh." Tangi ko. Nanlalaki ang matang tumingin sa'kin.

"Really? How old are you? 16?" Natatawang aniya. "C'mon! Isa lang!" Pamimilit niya pa.

"Allergic ako d'yan, pre." Sabi ko pa.

"Kahit maliit lang. Like super liit." Hindi niya talaga ako tinatantanan kaya wala akong nagawa kung hindi tumikim.

Napangiwi ako sa sobrang pait. Kahit sobrang liit lang ng nainom ko ay halos masuka ako sa lasa.

"Hindi ka nga umiinom." Natatawang sambit ni Gavin nang makita ang reaksyon ko.

"This is actually D'Amalfi Limoncello Supreme, the most expensive drink in the world, there have only been two known bottles in existence." Sabi niya habang nilalaro ang ice sa loob ng baso.

"Talaga? Magkano naman ang isang bote?" Tanong ko.

"$43.64 million." Sagot niya at napatulala naman ako.

"Ang mahal nga!" Bulalas ko. Di ko lubos maisip na nakatikim ako ng alak na sobrang mahal.

"We still have 3 more hours. Matulog na muna kayo." Biglang sulpot ni Sir Umeda.

Pumasok siya sa isang pinto at kita ko dito sa pwesto ko ang isang maliit na kama. Napatingin ako sa paligid ko at iilan nalang kaming narito.

"Nagiging kwarto niya na 'yan." Natatawang sabi ni Gavin. "Tara. Gigisingin din nila tayo pag nakalapag na tayo sa Japan."

Sumunod ako sa kanya bitbit ang backpack ko. Binuksan niya ang pinto at bumungad sa amin ang madaming capsules na higaan.

Marami na ring capsules ang occupied. Naglakad ako hanggang sa makakita ako available na capsule. Nasa harap ko rin si Gavin at agad na nahiga.

Lost In Your World (SB19 SERIES #1)Where stories live. Discover now