10

97 6 0
                                    

Hanggang sa gumabi ay nandito pa rin ako sa office ni Jane. Kanina pa niya ako pinapauwi pero hindi ako sumusunod. Natutuwa pa nga ako sa tuwing nakikita ko ang iba't ibang reaksyon niya na hindi ko nakikita sa labas ng opisinang ito. Madalas ay malamig at nakakatakot siyang tumingin tapos idagdag pa ang walang emosyong mukha niya.

Gising, kain, tulog at tingin-tingin ang ginagawa ko buong araw. Kahit ang lumabas sa opisinang ito ay hindi ko pa nagagawa.

"May dala ka bang sasakyan?" Tanong niya kaya napaupo ako.

"Oo." Sagot ko at tumango lang siya. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Napangiti ako habang nakatingin sa naggagandahang ilaw sa mga gusali.

"May maliit na veranda dyan. Lumabas ka kung gusto mo." Aniya at itinuro ang labas.

"T-talaga? Hindi halata na meron." Mabilis akong tumayo at naglakad papunta sa parteng itinuro niya. Marahan kong binuksan ang sliding door na natatakpan ng makapal na kurtina at tuwang tuwa naman ako lumingon sa kanya noong bumukas iyon.

Tinanguan niya ako at matipid na ngiti ang sagot niya sa akin para dahan dahan akong pumasok. Maliit nga lang ang espasyo pero sapat na para makita mo ng klaro ang magandang view.

"Dito ako madalas nagpapahangin kapag nasasakal na ako sa loob at dito rin ako madalas tumambay para mag-isip." Hindi ko namalayan ang pagsunod niya. Nakasandal siya sa sliding door.

Masarap ang hangin dito at sobrang lamig. Pakiramdam ko ay sobrang kalma lang ng hangin at panahon kaya hindi man lang ako gininaw.

"Alam mo kung ano ang mas nakakapagpakalma sa akin kapag nandito ako?" Biglang tanong niya sa akin at umiling naman ako.

Ngumiti siya bago itinuro ang gilid ko. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. May kalayuan man sa lugar namin ay dumagdag sa liwanag ang repleksyon ng buwan sa tubig. Dagat.

Hindi ko napigilan ang sarili kong ngumiti din sa ganda ng nakita ko.

Bihira ako makakita ng ganitong view sa dami ng nagtataasang gusali dito. Hindi ko alam kung paano nagawang lumitaw ang ganda ng dagat sa layo ng distansya namin.

"Wow." Mahinang bulong ko.

"Ganyan din ang nasabi ko noong una ko ding nakita 'yan." Nakatingin din siya sa dagat bago inilipat ang tingin sa paligid. "Refreshing isn't it?"

Hindi ako sumagot nanatiling nakatingin sa kanya. Nakapikit siya at dinadama ang malamig na hangin na dumadampi sa mga balat namin. She's smiling at doon ako napangiti. Ngayong araw ay nakita ko siyang ngumiti, mainis, magalit, mairita at lalo na ang tumawa.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Mahinang tanong ko habang nakatingin pa rin sa dagat.

"Hindi pa. Madami pa akong paperworks na gagawin." Sagot niya at humugot ng malalim na hininga bago bumalik sa loob.

"Edi mamaya na rin ako uuwi. Sabay na tayo!" Nakangiting sabi ko pa at pumasok na rin sa loob.

"Wala ka na bang lagnat?"

"Medyo bumaba na rin naman."

Hindi na siya sumagot at tumango lang. Wala na ba talagang ibang sagot ang babaeng 'to kung hindi puro tango? Kainis naman.

Ay-ba't naman ako naiinis?!

Bahagya akong umiling para alisin ang naisip ko. Kukuha nalang ako ng kape sa labas.

"Lalabas muna ako. Kukuha lang ako ng kape." Sabi ko at tumayo.

"Ako din. Frappe." Matipid niyang sabi. Tumango lang ako bago nagtungo sa pinto.

Lost In Your World (SB19 SERIES #1)Where stories live. Discover now