"I'll take you home." Gulat akong napatingin kay Jane na nakatayo sa harapan ko.
"A-Ah hindi na. May dadaanan pa kasi ako. Magtataxi nalang ako pauwi. " Sagot ko.
"Rush hour ngayon." Sagot niya at saka tumalikod na.
"Baka kase malate ka sa dinner niyo," mahina kong sabi at napatigil naman siya.
Gulat akong napatingin sa kanya nang bigla siyang ngumisi.
"Are you concerned about me?"
"H-Hindi naman. Kapag m-mayayaman kasi kadalasan may sinusunod na o-oras.. k-kaya ganon.." utal-utal na sagot ko. Hindi ko alam pero ang lakas ng epekto ng ngisi niya.
"Meron nga.. pero hindi ako yung tipong sumusunod sa mga gusto nila." Sagot niya kaya napatahimik ako.
Sabay kaming nagtungo sa Parking Lot. Nakita ko si Justin at Pablo na nakaupo sa trunk ng kotse.
"San punta niyo?" Tanong ko pagkalapit sa kanila.
"Dun tayo kila Stell. Birthday ng kapatid niya ngayon at pinapapunta tayo nila Tita at Tito." Tukoy ni Pablo sa mga magulang ni Stell.
Sumakto naman pala yung palusot ko.
"May dala kang kotse, Jah?" Tanong ko at umiling naman siya.
"Tumambay ako kina Pablo kanina pang hapon tapos biglang tumawag si Stell. Dumiretso na kami dito kase for sure di ka na niya natawagan. Hinatid lang ako ni Diko sa kina Pablo." Si Jah.
"Eh, si Josh?" Taka kong tanong.
"Kaninang tanghali pa 'yon nandun. Tutulong daw siya." Pablo.
"Paano tayo pupunta 'dun? Rush hour ngayon. Mahihirapan tayo magcommute." Sabi ko.
"Sir?"
Agad akong napalingon sa tumawag sa akin. Dalawang lalaki ang lumapit sa amin.
"Kami nalang daw po ang maghahatid sa inyo. Bawal daw po kayo tumanggi sabi ni Madam." Sabi niya. "Nauna na din po siyang umalis."
"Ayon!" Nag-apir pa ang dalawa na ngiting ngiti sa narinig. "Makakalibre pa pala tayo!"
"Eh... Las Piñas pa po yun tsaka late na po kaming makakauwi." Sabat ko.
"Ayos lang po. Utos po ni Madam 'to kaya bawal ang tumanggi kung hindi tanggal kami sa trabaho." Aniya.
"Oh.. s-sige po. Tara na." Inaya ko na silang lahat na sumakay at maya maya ay umalis na din.
Halos mag isang oras din kaming bumyahe papunta dito.
"Dito nalang po kami sa kotse maghihintay sa inyo, Sir." Sabi nung isa pagkababa namin.
"Sumama nalang po kayo sa loob. Dinner na din naman baka gutom na rin kayo." Aya ni Justin sa kanila.
"Ah.. h-hindi na, Sir. Hindi naman po kami kilala dyan tsaka hindi rin po kami imbitado." Nahihiyang ani nung isa.
"Ako na po mag iimbita sa inyo. Ganun pa rin naman ho ang mangyayari. Lalabasin pa rin naman po kayo ng mga magulang nung celebrant para papasukin." Natatawang sagot ko.
"Ah.. eh.. s-sige na nga po." Senyales na wala na silang magagawa.
Pagpasok pa lang namin ay dinig na agad ang malakas na music sa bahay at mga konting mga batang naglalaro sa labas.
"Tita!" Sabay na sigaw namin.
"Buti naman at nandito na kayo. Pasok kayo! Pasok!" Salubong niya sa amin.
"May kasama po kami. Ayos lang po ba sa inyo?" Sabat ko.
"Oo! Walang problema 'yon! Pasok kayo mga hijo. 'Wag kayong mahihiya sa loob." Hinila niya pa papasok ang dalawang kasama namin.
YOU ARE READING
Lost In Your World (SB19 SERIES #1)
FanfictionI'm lost but I will keep on going back to you.