17

99 6 0
                                    

Tatlong araw na noong hinatid ako ni Jane dito sa school at hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang mga usap-usapan nila. Nandito ako ngayon sa loob ng kotse at hindi na muna bumaba. 15 minutes na ata akong nandito at may 30 minutes pa bago magstart ang klase.

Hindi ako sanay sa ganitong attention. Hindi ako sanay na araw-araw inaabangan sa gate.

Nagulat ako sa biglang busina sa tabi ko. Kunot ang noong binaba ko ang bintana at nakita ko si Justin na bumaba.

"Masyado mo naman atang ineenjoy ang pagtambay sa loob ng kotse mo.." aniya at tumawa.

"Nahihiya akong pumasok.." mahina kong tugon at natawa naman siya.

"Ohhh... Nahihiya ang "boyfriend" ng may-ari nitong Atama University.." asar niya pa at napadukdok naman ang ulo ko sa manibela.

"Saan ba nanggaling 'yon?!"

"Edi sa mga maiissue."

"Hindi ba nila alam kung gaano ako nahihiya tuwing pumapasok ako sa kompanya?" Parang naiiyak na sambit ko.

"Kunyare pang nahihiya.. eh gusto mo naman.." mabilis akong nag-angat ng tingin sa kanya.

"Ano?"

"Wala. Wala. Tara na! Malelate na tayo pareho!" Sigaw niya at saka binuksan ang pinto ko kaya wala na akong choice kung hindi ang kunin ang susi ko at bumaba.

Gaya ng inaasahan ko ay may nakaabang na naman sa gate na mga estudyante. Daig ko pa ang celebrity.

"Hi Felip! Good morning!"

"Tol! Pahingi naman number ni Miss Army.."

"Kelan siya babalik dito?"

"Kumain ka na ba?"

"Sabay tayo maglunch mamaya.. pwede?"

Hindi ako makakilos ng maayos kasi naiipit ako sa kanila. Bakit ganitoooo!

"Tumabi kayo kung ayaw niyo magkarecord sa council!" Sigaw ni Jah pero walang nakinig sa kanya. "Padaanin niyo kami!"

"Students!"

Lahat kami ay napatigil sa malakas na sigaw na iyon.

"What is going on here?!" Sigaw ulit ni Dean. "10 minutes nalang at magsstart na ang klase. Bakit nandito pa kayo?!"

"Dean! Ayaw nila kaming padaanin! Dinudumog nila si Felip!" Malakas na sumbong ni Justin kaya napangiwi ako. Kailangan pa ba sabihin 'yon?

"And why is that?!" Striktong tanong niya. "Go to your respective classes! You are all blocking the gate!"

Isa isang nagsialisan ang mga studyante sa paligid. Kasabay nilang umalis si Dean kaya agad kaming tumakbo ni Justin papunta sa mga departments namin.

"Late!" Isang mataray na boses ang sumalubong sa akin pagkapasok ko sa room.

"Sorry po. Hinarang po kase ako sa gate.." sagot ko at saka kinuha ang panyo ko para pamunas ng pawis. "Bakit kase ang layo netong department eh!"

"Edi sana pumasok ka ng maaga diba?!" Galit na sigaw ni Prof. Hindi ko namalayang nandito pala siya sa tabi ko. "Kinakarir mo masyado 'yang pagiging late mo!"

Hindi na ako sumagot at nagsimula nalang magsagot sa testpaper na nilapag niya. Oo nga pala may quiz ngayoooon!

Pagkatapos ng quiz namin ay nagdiscuss si Prof tungkol sa magiging topic namin next week dahil magiging busy na naman sa makalawa at wala na namang klase.

"We will have a graded recitation on Monday. Study everything kasama na itong short discussion natin nitong topic for next week. Alright?! Dismiss." Napahiga ako sa sandalan ng upuan ko. First class pa lang 'to.

Lost In Your World (SB19 SERIES #1)Where stories live. Discover now