21

97 4 0
                                    

"Tamang tama pala atake ng sakit ng ulo mo.. andito ka na sa ospital." Natawa ako sa sinabing 'yon ni Pablo.

Umaga na noong ako'y magising. Sabi sa akin ni Mama, tamang tama daw na pumasok din ang doktor para i-check ako. Paggising ko ay nandito na sa loob sila Pablo, Josh, at Justin habang si Stell naman ay tulala lang sa may sofa. Si Mama at Papa naman ay umuwi sa condo namin ni Ate.

Si Jane ay nasa harap ni Stell at busy sa laptop niya.

"Hindi mo ba talaga alam kung saan siya pupunta, Army?" Mahina pero dinig naming tanong ni Stell kay Jane.

Napabuntong-hininga si Jane bago umayos ng upo.

"Alam ko. Si President mismo ang nag-utos sa kaniya pero hindi ako pwedeng basta-basta nalang maglabas ng info tungkol sa kanya and isa lang ang masasabi ko.. the village needs her even though her personal mission isn't done yet." Mahinahong sagot niya at bakas sa aming nakikinig ang pagtataka.

"M-mission? A-anong mission?!" Takang tanong ni Stell.

"She'll come back soon.. didn't she promised you?" Pag-iiba ni Jane sa topic, halatang ayaw niya talagang sagutin.

May pangakuan palang naganap kagabi.

"Oo. Sabi niya babalik siya kapag tapos na.. ayaw niyang sabihin sa akin 'yung ibig niyang sabihin kasi bawal daw 'yon."

"Kaya hintayin mo siya. Kilala ko si Eli.. kapag sinabing babalik siya.. tutuparin niya 'yon.." humugot lang ng malalim na hininga si Stell at saka pumikit.

Lunes na bukas at kailangan na nilang ayusin ang screening para sa Battle of the Bands sa Friday kaya pinuntahan ng tatlo si Stell dahil siya ang president ng Music Club. At dahil mukhang wala sa sarili 'tong taong 'to, ewan ko nalang kung may magagawa pa 'to bukas.

"Don't get yourself too frustrated about Eli. She's doing fine and you don't no need to worry about her, okay? Fix yourself up kasi Dean Davis will visit Felip." Utos niya at natigilan ako sa paraan ng pagkakabigkas niya ng pangalan ko. Felip. Parang narinig ko na ang paraan ng pagkakasabi nun.

"Cheer up, pre! Babalik din 'yon!" Pagchecheer ni Josh kay Stell na nakaupo at nakayuko lang.

"Natulog ka na ba?" Tanong ko at umiling lang siya.

"Hindi ako makakatulog kung siya laging laman ng isip ko, pre. Hindi ako makatulog kung sa pag-alis niya ay hindi ko man lang siya maihahatid. Hindi ako makatulog kung pag-uwi ko sa bahay.. mag-isa na ulit ako.." nagsimulang magcrack ang boses ni Stell at alam kong pinipigilan niya ang pag-iyak niya. "Ilang linggo pa lang kaming magkasama pero ayaw ko na siyang paalisin. Nasanay akong nasa paligid ko siya palagi.."

Natahimik ang buong kwarto at kahit si Jane ay natigil at naaawang nakatingin sa kanya.

"Wala na 'to pre. Malakas na tama neto.." napapailing na sabi ko.

"Yeah.. malakas nga ata tama ni Eli sa akin.." singgit ni Stell.

"Enough. No more crying. I don't like seeing boys crying infront of me.. so get up and fix yourself. Ako mismo ang hihila sayo kapag hindi ka pa kumilos d'yan.." seryosong saad ni Jane at napatingin naman kaming lahat sa kanya.

"Oo nga, pre. Magbihis at mag-ayos ka na dun! Nakakahiya sa kaharap mo, oh! CEO 'yan ng Ramirez Buildings at hindi mo kapitbahay kaya maligo ka na!" Asar pa ni Pablo. Natawa si Stell pero alam kong hindi 'yon sapat.

Pabiro siyang tinarayan ni Jane at kaagad naman siyang sumunod. Kinuha niya ang bag niyang may lamang mga damit niya at agad na pumasok sa CR.

"Teka, diba dapat nasa training na kayo? Call time natin tuwing Sunday is 8AM, ah? Malapit na mag-10 AM tapos nandito pa kayo! Don't tell me wala na namang training?" Angil ko at natawa naman sila.

"Sabi nung trainee na lagpas 9:30AM na dumadating.." parinig ni Justin palibhasa maaga palagi.

"Traffic, eh.." nakanguso kong sagot at kahit si Pablo ay inirapan ako.

Maya-maya ay may kumatok sa pinto ay agad na pumasok si Dean. Gulat siyang napatingin sa bandage sa ulo ko. Sabay-sabay kaming bumati at agad namang tumayo sa tabi ko si Jane.

"Good morning boys.. and Miss Ramirez.. I just heard the news this morning about you, Mr. Suson? What happened?" Nag-aalalang tanong niya.

"Ah.. part of my job, Dean.." sagot ko. Napakunot naman ng noo si Dean at bago pa siya makapag-isip ng iba, dinagdagan ko na. "Tsaka unexpected din po 'yun, Dean."

"My team are currently taking care of it and before Monday ends.. which is tomorrow.. those bastards will be having their long and thrilling vacation in jail.." sabat ni Jane sa tabi ko at tumango naman si Dean.

"They deserves it. Paano nalang kung napuruhan 'tong batang 'to?! Wala bang fractures or anything sa ulo mo, hijo?!"

"Wala naman po, Dean.." tugon ko at para naman siyang nakahinga ng maluwag.

"Tsaka imposible po Dean na magka-damage ang ulo niyan.. matigas ho ulo niyan eh.." biro ni Pablo at natawa naman sa kanya si Dean.

"So, anyway, I'm also here kasi sabi ng secretary ko ay lagi naman daw kayong nandito.. dito ko nalang din kayo kakausapin about sa three-day screening natin simula bukas. Is Mr. Ajero here?" Pormal niyang tanong.

Agad namang inaya ng tatlo si Dean na maupo sa sofa malapit sa kama ko at saka naghanda ng pangmeryenda. Malinis 'yan, ah?

Bahagyang kinatok ni Justin ang CR dahil pansin naming napatagal siya sa loob.

"Stell.. sabihin mo lang kung na-flush ka na d'yan sa inidoro at magtatawag na ako ng staff!" Biro niya at kaagad namang bumukas ang pinto nun.

"Siraulo!" Natatawang sambit niya habang nagpupunas ng buhok sa ulo. "Good morning, Dean."

"Good morning. Can I have a minute with you first? Saglit lang 'tong pag-uusapan natin at may lakad pa din ako after nito."

Agad namang naupo sa harap ni Dean si Stell at agad ding nagsimula.

Tungkol sa mangyayari this week ang pinag-uusapan nila. The screening will start at 3pm until 7pm. Ang mga students na walang class ng 3pm ay pwede nang mauna sa screening. Excused nalang daw silang dalawa since last subject na din naman daw nila 'yon until 5pm.

Sana makalabas na ako before Wednesday, gusto kong manood eh.

"May surprise judge tayo sa Friday. Kailangan niyong mamili ng magaling na students to represents us dahil mapapahiya tayo sa iba." Aning Dean na seryosong seryoso sa pagsasalita. "Mr. de Dios will give you the program para mapaghandaan niyo ang line up and also alam niyo nang may Intermission Number ang Music Club kaya galingan niyo.."

"Ipapanalo natin 'to Dean. Bawal mabali ang three consecutive years nating pagkakapanalo sa larangan ng musika!" Proud na proud at nakangiting tugon ni Pablo.

"Oo nga. Tsaka galingan niyo rin sa Intermission Number niyo.. balita ko bawat Music Club ng mga schools na sasali ay kakanta din tapos gusto nilang tema is sad songs. Ewan ko ba sa mga batang ito!" Natatawang sabi ni Dean. "So.. hindi na ako magtatagal pa dito at may pupuntahan pa ako. See you tomorrow boys and get well soon, hijo! Hope to see you before the screening ends, ha!"

Pagkalabas ni Dean ay saka naman biglang nagsalita si Pablo.

"Sad songs? Sakto!" Sambit niya at nakangisi pang nakatingin kay Stell. "Alam ko na agad 'yung kakantahin natin, pre."

Hindi siya pinansin ni Stell at tulala na naman siya sa labas ng bintana.

"Uuwi lang ako sa condo saglit then isasabay ko na ang parents mo pabalik dito.." aning Jane at agad na tumayo.

"Sige. Ingat!" Nakangiting tugon ko at agad na sumikdo ang puso ko ng kumindat siya.

Hindi ko alam na nakatingin pala sa akin ang tatlo at sabay na inasar ako. Shit! Kung may makakasama lang ako dito, pinauwi ko na 'tong mga bwisit na 'to!

Lost In Your World (SB19 SERIES #1)Where stories live. Discover now