22

91 4 0
                                    

Absent na ako ng dalawang araw at puro pahinga lang ang ginagawa ko bukod sa kumain at manood ng anime sa TV. Salitan sa pagbabantay sila Mama at Papa saka minsan ay dumadalaw si Jane.

Mag aalas kwatro na at halos mabaliw na ako dito kakahiga at sa boredom.

"Ma, dalaw tayo sa school. Final screening na ngayon eh." Nakangiti kong sabi. Si Mama ang kasama ko dito at si Papa naman ay nasa condo.

"Lalabas ka na rin naman bukas, anak. Konting tiis nalang, ha?" Malambing niyang tugon kaya napasimangot ako.

"Bored--" naputol ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang pinto at nagmamadaling pumasok ang isang babae.

"Anong ginagawa mo dito?!" Matalim ko siyang tiningnan at ganon din ang gulat ni Mama ng makita siya.

"I was worried about you. How are you? May masakit ba?" Sunod sunod niyang tanong at akma pa akong hahawakan.

"Huwag mo akong hahawakan. Umalis ka na." Pormal kong saad pero hindi siya nakinig. Nanatili siyang nakatayo sa tabi ko at nakanguso akong tiningnan. "Hindi gumagalaw 'yang sahig para dalhin ka sa labas."

"Ikaw 'yung anak ni George, diba?" Singit ni Mama.

"Ah, hello po. Magandang hapon." Magalang niyang bati nang mapagtantong may kasama ako. "Opo. Anak niya--"

"Umalis ka dito!" Nanlaki ang mga mata ko sa biglang pagtaboy ni Mama sa kanya.

"Bibisitahin-"

"Okay na ang anak ko. Kung maaari ay umalis ka na bago pa ako magalit sayo."

Napabuntong-hininga siya at saka malungkot na tinapunan ako ng tingin bago tumalikod at lumabas.

"Kelan pa nandito ang babaeng 'yon?!" Inis na tanong ni Mama.

"Last week ata. Pinauwi ko na 'yan pero hindi pala umalis." Napapikit ako bago nahiga sa kama ko.

"Hi. Good afternoon!" Bumukas ulit ang pinto at sumunod na pumasok si Jane at Jeremy.

"Oh.. Hija! Kamusta? Upo ka!" Mabilis pa sa alas kwatro na nagliwanag ang mukha ni Mama pagkakita kay Jane.

"Okay naman po. Medyo busy lang sa office." Sagot niya.

Pagkalapag ni Jeremy ng mga pagkain sa center table ay agad siyang lumapit sa akin.

"Kamusta? Okay ka na ba?" Tanong niya.

"Oo.. okay na ako. Pwede na daw ako lumabas bukas sabi ni Mama." Nakangiting tugon ko.

"Ayos! Miss ka na ng mga chiks sa kompanya!" Biro niya at natawa naman kami pareho. "Anyway, una na ako. Susunduin ko pa dalawang kapatid ni Ma'am. Kitakits nalang sa susunod!" Aniya at sumaludo. Nagpaalam rin siya sa kay Jane at Mama bago tuluyang lumabas.

"Nakasalubong ko si Gia kanina sa labas.. dito ba siya galing?" Gulat namang napatingin si Mama kay Jane.

"Paano mo siya nakilala, hija?"

"Nasabi lang po ni Felip."

Tumango lang si Mama at nagpatuloy sa paglabas ng mga pagkain sa paperbag.

"Anyway, bukas ng umaga ay pwede ka na daw umuwi pero pag-uwi ay magpapahinga ka pa rin." Baling ni Jane sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

"Okay." Nakangiti kong tugon. Inabutan ako ni Mama ng chicken at spaghetti para meryenda.

Lumipas ang mga oras at pumalit na nga si Papa sa pagbabantay sa akin samantalang si Jane naman ay natutulog sa sofa. Ayaw niya daw umuwi kasi boring sa condo niya. Wala rin naman akong magawa bukod sa kumain kaya natulog nalang ako.

"Anak, gising na.." nagising ako sa mahinang tapik ni Papa sa mukha ko. "Uuwi na tayo."

"Anong oras na ba?"

"7AM. Kumain ka na at maya-maya ay iinom ka nalang ng huling gamot mo bago tayo umuwi."

Napahikab pa ako sa antok at nagsimulang kainin ang inihandang breakfast ni Mama. Namimiss ko rin ang ganitong buhay ko. Si Mama ang naghahanda ng pagkain ko, nagluluto ng baon ko o kaya ang naghahanda ng susuotin ko. Makita sila ulit at alagaan ako ay para na akong iiyak sa tuwa.

Maya-maya pa ay pumasok na ang nurse para sa huling gamot na iinumin ko. Naasikaso na din daw nila ang bills ko at si President daw ang nagbayad bilang pasasalamat. Nakaupo ako ngayon sa wheelchair at tulak tulak ni Papa palabas.

"Good morning! Pauwi na kayo?"

Awtomatiko akong napangiti nang sumalubong sa amin si Jane sa lobby. She's wearing a leather jacket at leather pants tapos boots na itim.

"Oo, hija." Nakangiting sagot ni Papa.

"Good! Si Jeremy na ang maghahatid sa inyo pauwi. Kailangan ko na kasi pumasok sa office. May meeting ako ngayon." Aniya at ngumiti.

Pagkatapos ng pag-amin niyang gusto niya ako ay hindi na 'yon mawala sa isip ko pero hindi ko na binuksan pa ang topic na 'yon kasi nahihiya din ako.

"Ganon ba? O, sige! Sabay nalang tayo lumabas!" Natatawang saad ni Mama habang nauuna sila sa amin maglakad.

"Jane!" Tawag ko sa kanya bago kami sumakay sa kotse.

"Oh?"

"I-Itatanong ko lang.. ano.." itatanong ko pa ba? "Sinong pumalit sa akin sa office?"

"Akala ko kung anong tanong.." bahagya siyang natawa. "Pinadala ng kapatid ko ang secretary niya. Siya muna papalit sayo habang nagpapagaling ka."

Bumuka ang bibig ko pero walang salitang lumalabas.

"I need to go. Ingat kayo!" Nanlaki ang mga mata ko nang sumakay siya sa isang Ducati na motor at bumusina bago humarurot paalis.

"Wow." Tanging nasabi ko bago ako pumasok sa loob ng kotse.

Mabilis na bumaba si Jeremy para pagbuksan kami ng pinto at ihanda ang wheelchair.

"Para naman akong baldado sa wheelchair na 'yan!" Natatawang angil ko.

"Ay hala! Bakit mo dinala 'yan?!" Gulat na sigaw ni Mama. Agad naming nalingon si Papa na binababa ang mga gamit namin sa compartment.

"Hindi ba inuuwi 'yan?" Inosente niyang tanong kaya nagkatinginan kaming tatlo ni Mama at Jeremy at sabay na nagtawanan.

"Anong gagawin natin dyan? Hindi naman nabalian yung anak mo!" Natatawa pa ring sagot ni Mama.

"Ako nalang po ang magbabalik niyan sa ospital." Sabat ni Jeremy na agad sinang-ayunan ni Papa.

Akala ko gamit lang sa Jollibee ang inuuwi, pati rin pala wheelchair ng ospital.

Buhat-buhat ni Papa at Jeremy ang mga gamit namin paakyat sa condo.

"Magpahinga ka na sa kwarto mo." Agad na utos ni Mama na ikinakunot ng noo ko.

"Puro pahinga na ako, Ma. Okay naman na ako, eh." Nakanguso kong sagot at agad akong tiningnan ng masama.

"H'wag mong hintaying kaladkarin pa kita."

"Eto na nga eh.." dahan dahan akong naglakad papunta sa kwarto ko at agad na nahiga. May bandage pa rin ang ulo ko kaya hindi pa basta basta galawin.

Pinikit ko ang mga mata ko at mabilis din naman akong nakatulog. Maaga din naman ako nagising kanina.

Lost In Your World (SB19 SERIES #1)Where stories live. Discover now